Chapter 23
"Happy Birthday."
Ngumiti ako kay Axev at niyakap siya. He kissed my forehead and whispered the magic words to me. Nag-usap kami saglit hanggang sa kailangan ko siyang iwan para asikasuhin 'yong mga kaklase ko.
A lot of things happened for the past months. Axev and I had our first anniversary. I finished my first year and summer in college and now my birthday. I opted to have a simple celebration with just my classmates and friends as my guests.
"Happy Birthday, Sien!"
Sunod sunod ang pagpasok nila sa gate. Iyong iba pagkatapos akong batiin ay pinapunta ko na sa may garden. Sinabi ko nang hindi kailangang magdala ng regalo pero may iilan pa rin na nagbigay. I was about to follow to the garden when Kean and Kruise entered the gate. Kumaway sa akin si Kruise at mabilis na lumapit sa akin para bumati.
"Happy Birthday!" Aniya sabay abot ng isang malaking paper bag.
"Thank you. Ang titigas ng ulo niyo." Umiling ako.
She just chuckled and I told him to proceed to the garden. Si Kean na nakatayo lang do'n ay pinagtaasan ko ng kilay. This guy... I can say that we're now closer than before. Kaklase ko pa rin siya no'ng summer and I've grown used to his presence.
"Happy beer day!" He smirked and handed me a medium paper bag.
"Walang inuman dito." I joked. "Baka nagkamali ka ng napuntahan na party."
Tumawa siya at tinuro ang paper bag. Nagtaas ako ng kilay kaya tiningnan ko kung anong nasa loob ng paper bag. Umawang ang labi ko nang ilabas ko ang isang box.
"Seryoso ka?" Ngumiwi ako.
"What?" Tumawa siya. "I'm being pratical! Magagamit mo 'yan araw araw kapag papasok na tayo."
Isang box ng gloves, facemask at syringe ang regalo niya. Sobrang practical talaga! He's right though. Para sa mga lab classes namin. I'm very sure siya lang ang naka-isip nito. Umiling ako at binalik ang box sa loob pagkatapos ay tinulak siya papuntang garden bago pa kami umabot sa mahabang usapan. That guy has a lot to say!
The night was young and alive. Iyong mga kaklase ko, pinag-uusapan 'yong enrolment. The first year was hard but my grades were good so far. I just know that I have to prepare for an even more challenging year – the second year.
Nasa iisang lamesa sina Axev, Camden, Brett, Nicus, Gavrie at Cadeo. Si Darwin kasama nina Yesica. Hindi nagpapansinan sina Nicus at Yesica. I know something of what happened these past months but I'd rather not talk about. I'm sure they also don't want to open it and create further issues.
"Nicus, anong oras kayo uuwi?" Tanong ko nang makalapit sa lamesa niya.
Nilagay ni Axev ang kamay niya sa baywang ko. Naka-upo siya habang nakatayo ako sa gilid niya. May pinag-uusapan sila nina Camden, tungkol yata sa subject nila sa last year nila sa college. Nicus looked at his watch then his gaze went to the other table, kung saan naka-upo sina Yesica.
"Mamayang alas onse siguro." Aniya.
It's already past nine in the evening. Dinner was already served and now light drinks.
"Kayo, anong oras kayo uuwi?" Pabulong na tanong ko kay Axev.
"We'll be the last to go home."
Ngumuso ako at tumango. Nakipag-kwentuhan ako saglit sa table nila bago bumalik sa mga kaklase ko. Ang ingay nila at itong si Tina, nagpakulo pa ng truth or dare. Ang ingay tuloy sa table namin, sobrang dami nilang ideya.