Chapter 13

11.5K 371 151
                                    

Chapter 13

I was almost half running to the main campus. Axev is waiting for me at the learning hall.

Kanina pang alas kwatro iyong mensahe niyang maghihintay siya ro'n, and now, it's past five already. Hindi kami nagkita kaninang lunch dahil may klase siya at kasama ko rin naman ang mga kaibigan ko.

Medyo maraming estudyante pagdating ko sa learning hall, karamihan ay mga college. Wala si Axev sa first floor kaya naman pumunta ako sa ikalawang palapag. I found him in a table near the railings.

He's wearing a black bomber jacket and inside it is his university uniform. Seryoso siya habang nagbabasa ng libro. I can't help but stare at him for a minute before deciding to approach him.

Agad siyang nag-angat ng tingin nang umupo ako sa harapan niya. His knotted forehead relaxed when he saw me. I smiled at him a little and raked a hand through my curls. Medyo nagulo ito dahil sa pagtakbo ko.

"I'm sorry, kakatapos lang ng klase namin." I said.

Isang oras siyang naghintay sa akin. I feel a bothered by it.

"It's fine." He said and closed his book.

"Next time, there's really no need to wait for me. Ang tagal mong maghihintay palagi kapag ganito. Besides, I can really go home alone." I pursed my lips.

Nagtaas siya ng kilay at itinagilid ang ulo habang tinititigan ako. Nilagay niya ang libro sa kaniyang bag at muling bumaling sa akin.

"Unless I don't have anything important to do, I will wait for you. We agreed on this yesterday. Ihahatid kita." He muttered seriously.

I pouted and sighed. His lips twitched while watching me.

"Does it make you uncomfortable?" Marahan niyang tanong.

Napakurap ako at kinagat ang pang-ibabang labi. "Ayaw ko lang pinaghihintay ka ng matagal. Hindi naman required na ihatid kapag nanliligaw 'di ba?"

"Just tell me if you're not comfortable. Hindi kita pipilitin," aniya nang hindi ako tinatantanan ng tingin.

"Uhm..." I couldn't answer immediately.

The truth is, I like the idea. No'n hindi ko talaga hinahayaang ihatid ako ng kung sino man maliban na lamang kung mga kaibigan ko, ngayon... Sinalo ko ang titig sa akin ni Axev. Humugot ako ng malalim na hininga at ngumuso.

"Fine. But you don't have to do this all the time. Alright?" I raised my brow on him.

His lips protruded then he slowly nodded. Nahagip ko pa ang bahagyang pagtaas ng gilid ng labi niya kaya mas lalong tumaas ang kilay ko. Nang makita niya ang reaksyon ko ay nagseryoso siya.

"May gagawin ka pa ba?" Tumikhim siya.

Tiningnan ko ang relo at umiling. Wala pa namang masyadong ginagawa ngayon. Nagsimula na kami sa lessons pero hanggang do'n lang.

"Wala na. Ikaw?" I asked.

"I've read enough. Ihatid na kita." Aniya at tumayo na.

Dumidilim na pero marami pa ring estudyante sa university. Sa may center pathway kami naglakad at hindi sa may parking lot kaya naman nadaanan naming ang building ng elementary.

"Si Ely? Sinong sumusundo sa kaniya?" Kuryoso kong tanong.

He glanced at the tall building on our left side. "Madalas si Mama o si Papa. Kung may ginagawa sila, ako na lang. Pero sa tuwing may night classes ako ay sila ang sumusundo."

I puckered my lips and nodded. Nang makalabas kami ay napangiti ako nang makita si Manong na nagbebenta ng sweet cheese corn. I love that food!

"Evander..." I called when I saw him watching the highway, naghahanap ng masasakyan.

Bonfire Hearts (LAPRODECA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon