Chapter 16

10.1K 377 70
                                    

 Chapter 16

I can hear the noise coming from the television but my mind is not there. I can hear the voice of the actors but the voices in my head are much louder and clear.

Pumikit ako ng mariin at sinandal ang ulo sa backrest ng sofa. Matagal ako sa gano'ng posisyon hanggang sa marinig ko ang yapak papalapit sa akin. Nagmulat ako ng mata at nakita si Tita na nakabihis at mukhang aalis.

"Pupunta ako ng hospital, Sien. There's an emergency patient. Are you sure you're alright?" She asked.

I forced a smile and nodded. Tita noticed that I was extra silent so she was worried but I assured her that I'm fine. Linggo ngayon at hindi sana siya papasok kaso nga lang ay may emergency. And Tito is out too.

"Kung may kailangan ka, tumawag ka ha. If you can't reach me, call your Tito. Kung may pupuntahan, mag-iingat ka." She kissed my cheek before she left.

Bumuntong hininga ako at sakto namang narinig ko ang pagtunog ng cellphone kong nakapatong sa lamesa. I swallowed hard as I peek on the screen. Napabuga ako ng hangin nang makitang si Tina iyong nag-text.

Tina: Papasok ka bukas? Musta pakiramdam mo?

Kaninang umaga pa siya text ng text sa akin. Kahit si Nicus na humihingi ng paumanhin dahil sa nangyari kagabi. My friends are asking if I'm fine and the likes but I didn't reply to any of them aside from Tina's messages.

Sien: Tingnan ko. I'm fine.

She replied quickly but I ignored it. Puyat na puyat ako at wala akong maayos na tulog. Gusto ko mang matulog ay hindi ko rin magawa dahil sa dami ng iniisip.

Last night... last night is one of the nights I don't want to remember but everything just seems to be perfectly sketched in my memory. Everytime I think about it, my heart feels like it would burst.

"Sien, okay ka lang ba? Pasensya na talaga." Problemado si Nicus habang paulit ulit na humihingi ng paumanhin.

"Gusto mo na bang umuwi?" Pinisil ni Tina ang kamay ko.

"I'm really sorry, Sien. I thought he's sport because it's been months since you two broke up." Umiling si Nicus.

"Nicus, will you stop it? Mabuti pa kausapin mo sina Tina." Galit na sinabi ni Yesica.

I was silent. Nakayuko lang ako at nakatingin sa nanginginig kong mga kamay. There are a lot of things running in my mind. Nakabalot pa rin sa akin ang jacket ni Axev. He asked if I was okay but I couldn't answer him... or even just look at him. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Tina pero umalis ito.

"Uuwi na ako..." mahina kong sinabi at inangat ang tingin sa kanila.

They look worried. Medyo tahimik ang paligid, mas lalong nanlalamig ang pakiramdam ko dahil sa katahimikan.

"Ihatid na kita. I'm really sorry." Si Nicus.

"Kami na ang bahala sa kaniya, Nicus. Asikasuhin mo 'to. Commute na lang kami." Si Tina at hinawakan ang braso ko.

Hindi na ako nag-protesta nang alalayan ako ni Tina. I saw Yesica holding my purse. Cadeo followed us when we started walking away from the party. I'm aware of the eyes that are watching us, lalo na 'yong mga naiwan.

And when I glanced at our left side, I saw Axev with his friends. Nakatayo siya at seryosong pinapanood ako. Nakahawak si Brett sa braso niya at may sinasabi rito pero hindi ko alam kung nakikinig ba siya.

My lips trembled when I saw him tried to approach us but Brett immediately stopped him. Umiwas ako ng tingin at diniretso ang tingin sa daan. Naninikip ang dibdib ko at ang daming tanong na lumulutang sa isip ko.

Bonfire Hearts (LAPRODECA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon