Chapter 41

9.1K 250 131
                                    

Chapter 41

"If you're busy then, I'll just pack what I cooked and bring it to you."

Umirap ako sa sinabi ni Axev. It's Friday, saktong sakto na pagkatapos ng klase ko ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kaniya. He still doesn't know my exact schedule but I think he has gotten used to it. Na sa tuwing ganitong oras ay wala na akong klase.

"Sino ba kasing nagsabing magluto ka?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

He's inviting me out for dinner in his condo kasi nagluto raw siya. I don't know what to feel. Again, it was mixed emotions. At ayaw ko na rin namang i-elaborate pa 'yon. Half of me doesn't want to go but half will feel guilty if I turn him down. I hate it.

Hindi siya nagsalita. Narinig ko lang ang malalim niyang hininga. I cleared my throat and shut my eyes tightly for a second.

"Fine. Meet me in front of the Gate 2." I said before dropping the call.

Balak kong dalhin 'yong sasakyan ko dahil marami akong bitbit na med equipments ngayon pero tinamad naman akong magmaneho. Bitbit ko ang tackle box sa isang kamay habang sa isang balikat ay nakasabit ang shoulder bag ko.

Axev was already there, waiting in front of his car. May kinakalikot siya sa phone niya at nang mag-angat ng tingin at makita ako at umayos siya ng tayo. I sighed heavily and stared at him. He's in his casual clothes now. His lips protruded and opened the door for me.

Nilagay ko muna ang mga gamit sa loob bago pumasok. Nang makapasok siya'y agad niyang pinaandar ang sasakyan.

"Marami ka bang oras at nagawa mo pang magluto?" I asked. "Pwede namang sa labas na lang."

Sinulyapan niya ako saglit pagkatapos ay binalik ang atensyon sa side-mirror. Umirap ako at humikab sa pagod. 

"I wanted to cook for you so you won't miss home-cooked meals too much." He answered after a minute.

Nagmulat ako mula sa pagkakapikit. Tinitigan ko ang side-profile niya. This is not the second time that he cooked for me. Tatlong beses na siyang naghatid ng pagkain sa condo. Paulit-ulit kong sinasabi sa kaniya na hindi na kailangan pero ang tigas ng ulo niya. At nauubos ko naman lahat ng niluluto niya. 

"I told you multiple times that it's not necessary. Ang tigas ng ulo mo." Mariin kong sinabi.

Ngumuso siya at tumikhim. "May ulo bang malambot."

"Ibaba mo na ako." I said and fixed my things.

Mabilis niya akong sinulyapan at mas binilisan ang pagpapatakbo.

"I'm just kidding!" He even chuckled!

Inirapan ko siya at sumandal ulit sa upuan. He softly chuckled but I couldn't care anymore because I'm too tired. 

"I'm tired. Just wake me up when we're there." Mahina kong sinabi.

Wala na akong narinig na sagot. I was able to sleep even for a short period of time. Mabilis kaming nakarating sa condo niya. Hindi ko alam kung kararating lang ba namin dahil paggising ko ay nakaparada na ang sasakyan niya sa basement.

He insisted to carry my tackle box but I didn't let him. The lights immediately turned on when we entered his huge place. Pangatlong beses ko pa lang ito sa condo niya. It's been three months since we started our set-up, hindi na ako muling nagawi rito. Siya naman kasi ang nagpupunta sa condo ko para maghatid ng pagkain.

"Put your things in the living room. Ihahanda ko lang ang pagkain." Aniya at dumireto sa dining area.

Gusto ko ulit matulog kaso nga lang baka hindi na ako magising hanggang bukas. I put my things on his glass table before heading to the dining area. I saw him fixing the table. I was just watching him while I stood beside the table.

Bonfire Hearts (LAPRODECA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon