Chapter 21

8.6K 276 163
                                    

Chapter 21

Hirap akong nagmulat ng mata nang marinig ang sunod sunod na katok sa pintuan ko. Narinig ko ang boses ni Tito sa labas. Nakatulog pala agad ako pagka-uwi ko. Masakit ang ulo ko at inaantok pa pero pinilit kong bumangon para buksan ang pintuan ah.

"Pasensya na, Sien. Were you sleeping?"

Kinusot ko ang mata at tumango. He smiled apologetically. Shit, I am still in my uniform. Anong oras na ba?

"Nasa baba kasi si Axev, hinahanap ka." He said.

Nagising ang diwa ko ro'n. Bumilis ang tibok nang puso ko pero naro'n pa rin 'yong halo halong emosyon. Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko wala akong lakas harapin siya ngayon. I am tired and my head is aching a little.

"Susunod ako, Tito." I said.

He nodded and went downstairs. Sinara ko ang pintuan at umupo muna sa kama. Hinilot ko ang sentido. Kahit ang bun ko hindi pa natatanggal. Gusto ko pa sanang mag-shower kaso nga lang alam kong matatagalan ako. I went inside my bathroom and checked my face. My eyes were a bit bloodshot. Natulugan ko ang pag-iyak kanina.

Hindi na ako nag-abalang magpalit at bumaba. Napatayo agad si Axev na naka-upo sa sofa at naka-uniporme pa rin. Dumiretso ba siya rito galing university? Hindi ko alam kung anong ire-react. Wala rin akong masabi. Malamig ko lang siyang tinitigan. I saw how he heaved a deep breath before walking to me.

"Kagigising mo lang ba?"

Hindi ko siya sinagot. Alas syete na. Anong oras ba siya pumunta rito? Walang tao sa may living room pero lumabas si Tito galing dining. Wala pa yata si Tita.

"Kung nagutom kayo, may pagkain do'n." He smiled at us before he went upstairs.

"Dea, I'm sorry-"

"Sa labas tayo mag-usap." I looked at him.

Huminga siya ng malalim at tumango. Naglakad kami papunta sa labas. Dumiretso ako sa may garden at sumunod naman siya sa akin. I really don't know what to feel right now. It's all mixed up inside me. I don't have the energy to talk to him but I also wanted to hear whatever he wants to say.

Tumayo kami sa may gilid ng garden. Hindi niya tinanggal ang titig sa akin. Igting ang panga niya pero kakaiba 'yong tingin niya. He took a deep breath. Nakatayo lang ako ro'n.

"I'm sorry."

"Para saan?" Sinalubong ko ang tingin niya.

"Sa nangyari kanina. Wala kang..." he sighed, "wala kang ginawang masama. Pasensya na rin sa attitude ni Jam. Gano'n na talaga 'yon. Kaklase ko na siya mula first year, she's always been like that."

I clenched my teeth. "Anong gusto mong gawin ko, Axev?"

"Ha?" Kumunot ang noo niya. "Wala naman akong sinasabi, Dea. Ang sinasabi ko lang, gano'n na talaga si Jam noon pa man. I've known her for years, kaya alam ko ang ugali niya."

"Ano ngang gusto mong gawin ko ro'n? Kailangan ko ba siyang intindihin dahil gano'n na talaga siya? Iyon ba ang dapat kong gawin?"

Mas lalong kumunot ang noo niya. He took another profound breath and carefully shook his head. Iniwas ko ang tingin at humugot din ng malalim na hininga dahil nagsisimula na namang uminit ang ulo ko.

"Hindi. Wala naman akong sinabi. I'm sorry..." he sighed. "Hindi ko rin naman gusto ang ginawa niya... pero... Dea, hindi rin tama 'yong sasabihan mo ng gano'n 'yong tao."

Agad akong napatingin sa kaniya. My lips parted as my heart clenched. Kumunot ang noo ko. Bakit kailangang may pero?

"Ano ngang gusto mong gawin ko?!" Bahagyang tumaas ang boses ko.

Bonfire Hearts (LAPRODECA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon