Rosella's PoV
Hi bitches! I'm Rosella Parker. Tawagin niyo nalang ako sa pangalang Rosè, kasing ganda ko kasi yung bulaklak na yun hihi. Nakilala niyo naman ako sa previous chapter diba? Kaya to make it short, kapag sinabing maganda ako yun.
Nawala ako sa pag dday dream ko ng biglang may kumalabog sa pintuan ng kwarto ko. Shems! Aga aga pa nambbulabog. Heneyepek!
"GISING NA MALLATE KA NA SA SCHOOL!" At dahil dun napagising agad ako ng wala sa oras.
"HALUH! OO NGA PALA" Agad kong ginawa ang morning rituals ko at bumaba na. Hindi na ko dumiretso sa dining room. Huhu! Kahit gutom ako papasok nako. Malalate na ako eh.
Pero sayang yung puds!
Hindi ko nalang pinansin yung pagkalam ng sikmura ko. Btw, I'm wearing ano--- okay. Sabi ko nga magtatagalog nalang ako hehe. Masakit pala sa ilong.
Nakasuot ako ng simpleng black longsleeve na croptop at red pencil skirt with a pair of black stilletos.
Pwede naman kaseng di na mag uniform dun. Duh! hindi cool kung naka uniform pa din ang college.
"Bye Mom!" Paalam ko at sumakay nako agad ako kay Vroomy.
Si Vroomy yung car ko na red. Wala kayong pake!
Inistart ko na ang engine at nagsimula nakong mag drive. Ilang minuto lang din nakapunta nako sa Brine Academy. Oo dito nako pinalipat ni Mirae bitch.
Lahat ng friends ko ay tinatawag kong bitch.
Agad akong pinark si Vroomy. Pagkababa ko nag start nakong magcat walk. All eyes on me. Siyempre sa ganda kong to. Mapapaikot sila ng ulo sakin HAHAH.
Okay! Andito nako sa labas ng room. Sinilip ko muna baka andiyan ng yung prof buti wala pa. Pumasok ako sa bago kong room at nag cat walk.
Tingnan niyo kagandahan ko mga bitch!
"Hoi! Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong ni Arthur. Unti unti akong humarap sa kanya sabay ngiti. Feeling ko nag sslow motion ang paligid sa mga simpleng gestures ko.
"Mag-aaral duh! Oh, Mirae bitch tabi tayo!" Oo close na kame. As in close. Tinawagan niya ko kagabi habang nagbbeauty sleep ako.
Feeling ko nga namiss niya ko kaya tinawagan niya ko agad eh. Iba talaga ang Rosè effect. Tinawagan ako ni Mirae bitch kase gusto niya kong maging secretary or shall we say... P.A
Pretty Assistant!
Akala ko talaga nakakatakot si Mirae bitch! Mabait din naman pala hehe. Nagsimula akong umakyat sa semi circle na upuan papunta sa direksyon ni Mirae bitch. Tatabi ako sa kanya. Ang ganda naman pala ng school ni Jerah bitch, kasing ganda ko.
Tatabi na sana ako kay Mirae bitch ng binlock ni Kiyoshi yung way. Itong Hapon na to, pag nagalit niya ako papauwiin ko siya ng Japan. De joke lang, alam ko magalit yan hehe.
"Tatabi ako kay Mirae bitch..." Sabi ko sa kanya sabay twinkle ng eyes ko.
Ipapakita ko sa kanya ang Rosé effect!
Nabwisit ako ng di pa din niya ko pinapadaan. Kabwisit! Bakit di sa kanya tumatalab. Imbis na padaanin niya ako ay inirapan pa niya ko. Aba!
"Find another seat..." Sabi nito sakin.
"Hmmp!" Tumalikod nako sa kaniya at pumunta sa likod nila Mirae bitch! Dito nalang ako uupo kasama ng mga pangit nato. Ayoko katabi yung Nih-Unggoy nayun!
BINABASA MO ANG
CODE 1391813125
Mystery / ThrillerThis world is like a CODE, different NUMBERS of cases are still unresolved. Many of them tries to find out the answers but in the end, they'll just surrender and even don't find a single clue. CLEVON... The famous and well-known generation of Secr...