Third Person's View
"Bakit hindi kayo mag stay dito hanggang makabalik kayo sa pinas?"
Ito ang mga huling kataga ni Mr. Okano bago sila makalabas ng office nito. Kasalukuyang nasa loob ng kwarto na pagtutuluyan ngayon ni Mirae at halos lagaslas ng hangin at huni ng mga ibon ang maririnig dahil sa sobrang payapa ng kapaligiran.
Nasa terrace siya ngayon ng kwarto niya at kita ang kabuuang lupain ng Okano estate.
Yakuza?
Ito ang paulit ulit na naglalaro ngayon sa isipan ni Mirae. Walang nababanggit na kahit ano si Kiyoshi sa kanya lalo na sa pagkatao nito. Ngayon lang din niya nakita ang ama nito at hindi na siya nagtatakha kung bakit hindi pa niya ito nakikita o sumasama sa Clevon Organization.
Naalala niya ang lalaking target nila kagabi na si Kozume. Hindi ba't anak siya ng dating yakuza at napatalsik sa pwesto ang ama nito at hindi niya alam ang dahilan kung bakit.
Ang dami niyang katanungan pero wala ni isa doon ang nasasagot dahil pagkatapos nilang umalis sa office ng ama ni Kiyoshi ay may mahalagang pinagawa naman ito.
Hindi na siya nagdalawang isip at lumabas ng kwarto upang maghanap ng kasagutan.
Napakatahimik...
Para bang walang nakatira sa bahay nito at hindi niya nakikita ang mga tagapagsilbi nitong mansion. Agad siyang dumiretso sa library. Marahan niyang sinarado ang pinto at agad niyang nakita ang naglalakihang mga shelf na nakadisplay sa buong kwarto.
Nagsimula siyang maghanap ngunit wala siyang makita na may kinalaman sa mga katanungan sa isip niya. Dumiretso siya sa pinakadulong bahagi at nagsimula ulit maghanap ng masagi niya ang isang libro at mahulog ito sa sahig.
Pupulutin na sana niya ito ng makaramdam siya ng pagyanig ng sahig. Hindi na siya nagulat ng may makita siyang lagusan sa likod ng shelves na iyon.
Agad siyang pumasok doon at agad nagsarado ang lagusan ng makapasok siya. Bumungad sa kanya ang mga naglalakihang painting, mga naka display na iba't ibang weapons.
Agad siyang naghanap ng mga libro at inilapag sa pinakamalapit na mesa na nakita niya.
"Yakuza Estate?"
Basa niya sa title ng libro matapos niyang tanggalin ang mga alikabok na nakapalibot dito.
Yakuza, also known as gokudō, are members of transnational organized crime syndicates originating in Japan. The Japanese police, and media by request of the police, call them bōryokudan, while the yakuza call themselves ninkyō dantai.
Basa niya sa unang pahina nitong libro saka ulit nagpatuloy sa pagbabasa.
Yakuza has four hierarchy, the Oyabun (Boss), Kobun (Members), Tekiya (Peddlers), and Bakuto (Gamblers). Yakuza have different clans or groups which means not all of them have illegal activities. Kozume Clan are one of the example of the groups who do illegal business and transactions.
On the 21st century, ito ang pagbagsak ng yakuza kung saan na-execute ang lahat ng illegal groups sa bansa at ang mga natira ay pinag-merged at naging isa na tinawag na Okano Estate. Dahil sa kanila ay bumaba ang krimen sa buong bansa sa tulong ng Clevon Organization na si Mr. Raze Clevon Sr. Sa tulong ng grupo ng Secret Agents na ito ay nagtulungan ang dalawang grupo na ito sa pagpuksa ng krimen at pagresolba ng kaso sa buong mundo.
Napahinto si Mirae sa pagbabasa ng makita niya ang isang picture sa lumang libro na iyon kung saan nakikipag kamay ang lolo niya sa lolo ni Kiyoshi. Sumilay ang ngiti sa labi niya ng makita niya ang imahe ng lolo niya.
BINABASA MO ANG
CODE 1391813125
Misteri / ThrillerThis world is like a CODE, different NUMBERS of cases are still unresolved. Many of them tries to find out the answers but in the end, they'll just surrender and even don't find a single clue. CLEVON... The famous and well-known generation of Secr...