Third Person's View
"Mirae, can i talk to you?" Pilit na ngiti ang sumilay sa labi ni Arthur kahit kumikirot ang puso niya kapag nakikita ang dalawang magkasama at mabuti ang loob sa isa't isa.
"Uhm...sure" Sabi ng dalaga sabay aya sa kanya ngunit biglang may nag announce na bumalik na ang mga students sa gym at mag sisimula na ang archery competition.
"Sorry... Maybe later?" Sabi nito sabay tapik sa kanyang balikat at nauna na sa kanilang maglakad ang dalaga patungong gym.
Naiwan naman sa paglalakad ang dalawa na sila Kiyoshi at Arthur at ramdam sa kanilang dalawa ang mabigat na aura. Habang naglalakad silang dalawa ay napatigil sa paglalakad si Kiyoshi.
"Back off, Unwin..." Ani ng binata na nakapag pahinto ng paglalakad ni Arthur. Napalingon siya sa likod kung nasaan si Kiyoshi.
Napatiim bagang naman siya sa sinabi nito. Napatawa siya ng mahina sabay ngisi.
"Why Okano? Are you scared?" Nagpantay ang kanilang tingin at parang may kuryenteng pumapagitan sa habang tumatagal ang kanilang titigan.
Hindi sinagot ni Kiyoshi ang tanong nito sa kanya bagkus ay sinamaan niya lang ito ng tingin.
"Don't you dare do something stupid, if you don't feel the same to her..." Sabi nito at tumalikod na sa kanya sabay lakad paalis.
Napayukom nalang ng kamay si Kiyoshi sabay lakad papunta sa event.
Sa kabilang banda naman ay todo hiyaw na ang buong tao sa loob ng gym dahil mamayang onti ay magsisimula na ang archery competition in female division.
Isa isang nagsilabasan ang mga manlalaro na pambato ng iba't ibang kurso sa Brine Academy at isa na dito ang nakapoker face na si Mirae na hindi man lang mangiti at parang pinagsakluban pa ng langit at lupa ang mukha.
Tahimik lang itong naglakad papunta sa pwesto niya at nakatulala. Iniisip niya padin ang nangyari kani kanina lang sa may locker room. Kung sino ang may pakana at sino ang nasa likod nito. Matapos lang ang event na ito ay sisiguraduhin niyang aalamin kung sino ang taong kahapon pa siya pinagbabantaan.
"BITCH NGITI KA NAMAN HOI!!!" Todo hiyaw si Rosè dahil hindi na magkamayaw ang mga tao. Akala mo beauty pageant ang labanan dahil nag gagandahan ang manlalaro sa female division ng archery competition.
Todo cheer lang ang mga kaibigan niya at tipid lang sila nitong nginitian kaya't napairap sa sama ng loob si Rosè.
"I TOLD YOU TO SMILE, WHY DON'T YOU SMILE?!!" Sabi ni Rosè sabay gaya ng isang meme at umirap pa.
Nasampal nalang ni Liza ang mahiwaga niya noo dahil sa kalokohang ginagawa ng kaibigan niya.
"No comment" Aniya.
"Teka asan na yung mga boys?" Tanong ni Jerah sa dalawa ngunit nagkibit balikat lang ang mga ito.
Mayamaya pa ay sabay sabay itong nagsidatingan na punong puno ang mga kamay ng pagkain. Napailing nalang sila sa nakikita nila ngayon na hindi magkanda dala sa hawak ng mga ito.
Sa kabilang banda naman ay nagniningning ang mga mata ni Rosè sa nakikita niyang mga foods na hawak hawak ng mga kaibigan niya.
"HUWAHH! PENGE AKO AH!" Masayang sigaw nito sabay kuha ng isang box ng pizza na hawak ni Clyde.
"HOI! SAKIN YAN DI KA NAMAN NAGPABILI EH!" Reklamo nito kaya't napairap nalang si Rosè sabay tampal ng pera sa mukha ni Clyde.
Hindi niya inaasahan ang ginawa nito kaya nagulat siya at mahinang napamura sa ginawang pang aapi sa kanya ng dalaga.
BINABASA MO ANG
CODE 1391813125
Mystery / ThrillerThis world is like a CODE, different NUMBERS of cases are still unresolved. Many of them tries to find out the answers but in the end, they'll just surrender and even don't find a single clue. CLEVON... The famous and well-known generation of Secr...