Third Person's View
Tahimik si Mirae nakikinig sa lahat ng idinidiscuss sa kanya ng mga elders. Nandito lahat ng parents ng mga kaibigan niya upang ipaalam sa kanya ang magandang balita.
"Kaya ka namin pinatawag dito ay para tapusin na ang training mo." Ani ni Mr. Brine sa kanya.
Hindi man siya makangiti ngunit laking tuwa niya sa kanyang isipan ang mga sinabi nito.
"May tiwala kami sa kakayahan mo Mirae, kaya pumayag kame sa sinabi sa amin ni Kiyoshi..."
Napaiwas nalang ng tingin si Mirae sa narinig niyang pangalan. Bakit ganun? Bakit parang may mali?
Halos umabot ng isang oras ang pag ddiscuss nito sa iba't ibang plano para sa darating na huwebes.
"We're counting on you." Nakipag-shake hands siya sa mga elders at nagpasalamat.
Sa wakas ay natapos din ang pinakahinihintay niya. Certified agent na siya kamukha ng magulang niya. Biglang lumabas ang imahe ng mga magulang niya sa kanyang isipan.
Marahil ay tuwang tuwa ito ngayon kapag nalaman nito na tanggap na siya sa pagiging secret agent.
Tipid siyang ngumiti at nagpaalam na sa elders. Dumiretso siya sa kanyang motorbike at pinaharurot ito. Isa lang ang gusto niyang puntahan ngayon.
Ang mga magulang niya...
Mabilis niyang pinaharurot ito at hindi inalintana ang ang ulan. Ilang minuto din ang lumipas ng makarating siya sa sementeryo kung saan nakahimlay ang mga magulang niya.
Tahimik, payapa at simple lang ang lugar kung saan nakahimlay ang magulang niya. Lumabas ang mapait na ngiti sa kanyang labi ng masilayan niya ang mga magulang niya.
"Mom, dad... I'm here." Aniya sabay alis ng alikabok sa puntod nito kahit na nagpuputik na dahil sa ulan. Hindi niya nalang ito pinansin at kinausap ulit ang mga ito.
"I miss you two, how are you both there?" Unti-unting nagcrack ang boses niya at di na niya mapigilan ang pagpatak ng luha niya.
Ngayon niya lang ulit ito nabisita simula ng mailibing ito. Ayaw na ayaw niyang pumunta dito dahil unti unting bumabalik ang mga scenario kung papaano namatay ang mga magulang niya.
"I wish you two were happy now.
" Agad niyang pinahid ang mga luha sa mata niya."Mom, dad... I finally made it. I promise that I'll kill those who bring death to our clan. I promise..."
Lalong lumakas ang ulan ngunit hindi niya ramdam ang buhos nito. Napaangat siya ng tingin ng may makita siya payong na nakatabing sa kanya upang hindi siya maulanan. Agad siyang napatayo at lumingon sa likod.
Si Kiyoshi...
Nagtama ang kanilang mga mata at parang may kung anong nararamdaman si Mirae na hindi niya malaman.
"Do you want to get sick?" Asar na sabi nito sa kanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"Do you even use your... Mind?" Sabi nito habang sinusuri siya pero napahinto ito sa pagsasalita ng matapat ang tingin nito sa kanyang dibdib. Agad itong ngumisi.
Pervert talaga...
Okay... Halos makita na ang suot niya panloob dahil sa nipis ng shirt na suot niya. Agad naman nakatikim si Kiyoshi ng suntok sa dalaga at tinakpan ni Mirae ang sarili niya.
"Pervert" Sabi niya sabay nag rolled eyes sa binata. Nagsimula na siyang maglakad at iniwan ang binata. Agad naman siya nitong hinabol at sinilong sa payong nito.
BINABASA MO ANG
CODE 1391813125
Mystery / ThrillerThis world is like a CODE, different NUMBERS of cases are still unresolved. Many of them tries to find out the answers but in the end, they'll just surrender and even don't find a single clue. CLEVON... The famous and well-known generation of Secr...