♕CODE 31♕

15 5 0
                                    

HAPPY 1 YEAR AGENTS!

A/N: Sana subaybayan niyo siya hanggang dulo, ala pa tayo sa kalahati haha. More readers to come~

---

Third Person's View

Lumipas ang linggo na parang normal na lang na araw iyon. Walang death threaths, walang problema at walang ibinibigay sa kanilang misyon. Papatapos na ang buwan ng hulyo at ilang buwan nalang bago sumapit ang ika-18 kaarawan ni Mirae.

Naka cross-arms lang si Mirae habang nagddiscuss ang prof nila sa harapan. Nababahala siya dahil walang nangyayaring masama sa kanya.

Hindi siya masaya...

Diba ito ang hinahanap niya? Tahimik at normal na buhay na parang isang normal na estudyante na ang pinoproblema ay school works nila?

Hindi niya alam pero may iba siyang nararamdaman sa mga nangyayari ngayon? Hindi kaya may pinaplano ang kalaban nila?

Una na diyan ang tita niya, simula ng matapos ang libing ng anak nito ay hindi siya ginambala nito. Nung nakaraang araw ay tumawag ang family lawyer nila at sinabing umalis na ang tita ko sa mansion at lumipad papuntang abroad.

Dapat siyang matuwa sa magandang balita na iyon dahil maaari na siya ulit doon makapunta at tumira ng walang gumugulo sa kanya .

Ikalawa, hindi nagbibigay ng mission ang mga elders sa kanila kahit na ang sabi ng mga kaibigan niya ay halos araw araw silang may misyon. Nakita pa nga ni Rosè ang tambak na documents sa table ng ama ni Jerah ngunit parang hindi man lang ito ginagalaw.

Ikatlo, dapat siyang matuwa dahil walang itinatagong sikreto sa kanila si Liza. Normal padin ito kagaya ng unang kilala nila dito. Nagdala pa nga ito ng ilang magazine na pinapatunayan niyang model siya.

At ang huli, binigyan niya ng pagkakataon si Enriquez na bumalik sa organisasyon at bilang kapalit nito ay ito ang magiging mata at tenga nito para malaman niya kung ano ang mga plano nito at mga hakbang para patayin siya.

"Any problem?" Napalingon siya sa gilid niya at tinignan si Kiyoshi na nakatingin pala sa kanya.

Iiling na sana siya ng biglang ipinatong ang braso nito sa balikat niya at tsaka siya tinap.

"Everythings gonna be fine soon, don't think too much, we're here for you." Pagccheer sa kanya nito at napabuntong hininga siya upang huwang ng alalahanin ang mga gumugulo sa isipan niya.

"Bawal PDA dito." Masungit na singit ni Arthur sabay tanggal sa braso ni Kiyoshi. Nagdeath glare pa siya dito bago nito tanggalin ang kamay nito.

"Sabihin mo lang kung nagseselos ka bro..." Si Philipp saka siya umakbay dito na may papalawak na ngisi sa labi.

Agad na namula ang pisngi at tenga niya na agad na nakita ni Clyde kaya pati ito ay sumali na din sa pang aasar sa kanya.

"W-what?! I'm not..." Aniya at tinanggal ang pagkakaakbay ni Philipp sa kanya.

"Bro, love expert ako. Huwag mo akong niloloko lalo na at namumula ang pisngi at tenga mo! HAHAHA!" Asar ni Clyde.

Napapairap nalang si Rosè dahil katabi niya ang maiingay na unggoy na ito at ayaw tumigil. Nakukulili na siya sa ingay nito na parang matsing kung tumawa.

Napapasapo nalang ng ulo si Marcus sa kalakasan ng topak ng mga kaibigan niya sa ulo. Minsan naiiisip niya kung papaano siya nakakatagal sa dalawang to.

Habang si Liza at Jerah naman ay parang walang naririnig na kantyawan sa likod at nagpaligsahan pang mag drawing sa notebook na akala mong mga grade school.

CODE 1391813125Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon