♕CODE 25♕

28 8 0
                                    

Third Person's View

"Advance birthday gift for you... Auntie." Sabay tapon niya sa ulo ng anak nito sa kinaroroonan niya. Agad itong napatayo at nag histerikal.

"MY DAUGHTER!" Malakas na iyak nito dahil sa nakikita niya ngayon. Pinatay ni Mirae ang anak niya.

Napangisi nalang si Mirae dahil sa kaawa awang mukha ng tita niya. Nilingon siya nito na wala pading tigil ang pag iyak at pulang pula ang mukha dahil sa galit.

"ANONG GINAWA MO SA ANAK KO?! MAGBABAYAD KA! HINDING HINDI MO MAKUKUHA ANG MANSYON DAHIL SAKIN NA'TO! SAKIN!!!" Bulyaw sa kanya nito at napailing nalang siya.

"Why don't you ask your daughter?" Ngisi niya dito sabay dampot sa ulo ng anak nito. Wala siyang pakialam sa amoy nitong umaalingasaw at hindi pa siya nasiyahan dahil idinilat pa ni Mirae ang mata nitong nakapikit.

"Ask her, Auntie..." Sabay lingon niya dito at napangisi nalang siya. Halatang bakas ang takot sa mukha pero agad naman nitong kinuha ang baril sa table ng sala at pinaputukan siya nito kung saan hawak niya ang anak nito.

Nabaril siya sa braso kaya nabitawan niya ito ngunit hindi niya ininda ang sakit at ngumisi pa.

"PAPATAYIN KITA! KATULAD NG PAGPATAY NG TITO MO SA ASAWA KO" Ani to sabay tutok ng baril sa kanya.

Napakunot ang noo niya. So, may asawa ito?

"Hindi mo alam?" Sabay tawa nito ng mapakla. "Makinig ka sasabihin ko sayo."

"Masaya kameng pamilya noon kasama ang asawa at anak ko. Kahit simple lang buhay namin masaya kame. PERO YUNG TITO MO ANG MAY KAGAGAWAN SA LAHAT KUNG BAKIT NASIRA ANG PAMILYA NAMIN. NASANGKOT LANG NAMAN SA GULO ANG ASAWA KO. ANG TARGET NG TITO MO ANG BOSS NG ASAWA KO PERO ANO... NADAMAY SIYA. NAMATAY ANG ASAWA KO NA WALANG KALABAN LABAN. KAYA GUMAWA AKO NG PARAAN PARA PAIBIGIN SIYA. Hindi naman ako nabigo diba? Minahal ako ng tito mo na hindi niya alam na ako ang asawa ng pinatay niya. Malaki ang tuwa ko dahil namatay na siya at ikaw pa ang may gawa!!" Ngisi nito sa kanya.

Hindi siya nakakibo at tahimik lang. Pero napayukom ang kamao niya dahil sa huling sinabi nito. Hindi siya ang pumatay sa angkan niya. Hinding hindi niya kayang gawin iyon.

"Pero masaya padin ako at pinatulan ako ng tito mo. Tingnan mo, maganda na ang buhay ko ngayon at lahat ng luho binigay niya. Kahit hindi ko naman siya minahal pabalik." Dugtong pa nito.

Agad nitong kinasa ang baril na nakatutok sa kanya. Ngumisi pa ito sa kanya.

"Kaya ngayon... PAPATAYIN NA KITA!" babarilin na sana siya nito ng magsalita siya na nakapag patigil dito.

"Shoot me then, kill me and the goverment will turn you down..." Taas noo na sabi ni Mirae at hindi alintana ang pag agos ng dugo sa kanang braso niya.

Nakita niya ulit ang pagtulo ng luha nito at pagpipigil ng galit na patayin siya.

"Let's have a deal..." Aniya dito na nakapag pangisi sa kanya.

"Leave the mansion and I will not bother you anymore..." Napayukom ito ng kamao. "Or you want to taste hell like your daughter..." Unti-unting sumilay ang ngisi niya.

"DEMONYO KA!"

"Think wisely... Auntie." Huling sambit niya bago siya tumalikod dito at naglakad palabas.

"PAGBABAYARAN MO LAHAT NG GINAWA NIYO SA PAMILYA KO! ARGH!!!" Rinig pa niyang sigaw nito bago siya tuluyang makalabas ng mansion.

Sinuot niya ang leather jacket niya at pinaharurot ang motor. Hapon na ng makaalis siya ng mansion. Agad siyang dumiretso sa hospital kung saan naroroon ngayon ang mga kaibigan niya.

CODE 1391813125Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon