Third Person's View
Natapos ang archery competition at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik sina Mirae at Arthur. Sumunod nalang sila Jerah sa mga tao na lumalabas ngayon sa gym. Doon nalang sila mag hihintay sa labas.
"Nasan na kaya yun?" Ani ni Liza habang hinahanap sa paningin ang anino ng dalawa.
"Ayun na sila" Turo ni Jerah sa dalawa na halos magkalayong naglalakad.
Papalapit itong naglalakad sa direksyon nila ng mga walang ekspresyon. Sanay na sila sa ganyang mukha ni Mirae pero kay Arthur hindi. Ano na naman kayang nangyari?
"Ayos lang kayo?" Tanong ni Philipp at tango lang ang sinagot ng dalawa. Napakamot nalang siya ng ulo. Mahirap kausap ang wala sa mood.
"Okano?" Maikling tanong ni Mirae sa mga kaibigan niya kaya nilibot nito ang mga tingin nila sa paligid.
"Diba sumunod sa inyo?" Saad ni Philipp kaya natampal siya sa braso ni Clyde.
"G*go! Ba't mo sinabi? Lagot ka kay Hapon" Buong ni Clyde sa kanya.
Napakunot nalang ng noo si Mirae sa dalawa na nagbubulungan. May itinatago ba ang mga ito sa kanila.
"Sabi niya diretso nalang tayo sa field. Magbibihis lang daw siya" Ani ni Clyde sabay pilit na ngumiti.
Ikinatango nalang nila lahat at dumiretso na sila sa field kung saan maya maya ay magssimula na ang cycling competition.
Ang freestyle motocross ay isang competition kung saan magpapakita ka ng iba't ibang tricks at stunts gamit ang motorbike. Kung sino ang magustuhan ng mga judges ay ito ang panalo.
Umupo sila sa bleachers sa pinakababa kung saan malapit sa kinaroonan ni Kiyoshi. Isa isa silang umupo sa likod ng binata ng hindi man lang nito pinansin ang presensya nila.
Bad mood?
"Mirae, heto nga pala ang gamit ni Kiyoshi. Sayo muna daw hehe" Sabay bigay ni Jerah ng maliit na bag ni Kiyoshi na naglalaman ng bottled water at face towel.
Hindi nalang siya kumibo at pinanood nalang niya ang ginagawa ni Kiyoshi. Chinecheck ang gagamitin nitong motorbike habang hawak ng isang kamay nito ang helmet.
Maya maya pa ay nagstart na ang competition at nag sisimula na namang maghiyawan ang mga tao sa paligid. Hindi man mahilig na makipag socialize ang binata pero madaming humahanga sa kanya dahil sa mala anghel nitong mukha.
"ARE YOU GUYS READY FOR THE CYCLING COMPETITION?" Sigaw ng emcee sa mic na nakapag pawala ng mga studyante.
Kitang kita nila sa paesto nila ang malaking tarpaulin ni Kiyoshi na hawak hawak ng tigahanga nito. Ngunit walang pakialam ang binata sa nakikita nitong pag support sa kanya.
Nagsimula na ang labanan at halos mapaubo sila sa alikabok na humahalo sa hangin ngunit napapahanga nalang sila sa nakikita nilang stunts at tricks ng ibang manlalaro.
Hindi man nila gustong suportahan ang ibang kalaban ni Kiyoshi ngunit napapapalakpak nalang si Clyde dito. Ang inaabangan talaga nila ang gagawing performance ni Kiyoshi.
"Bilang ko yung palakpak mo, patay ka kay Hapon" Pagbabanta ni Philipp kay Clyde.
Hindi nalang ito pinansin ng iba hanggang sa lumipas ang oras at si Kiyoshi na ang magbibigay ng performance.
"GO HAPONNNNN!!!" Sigaw ng mga kaibigan nila except kay Mirae ngunit hindi man lang sila nilingon nito at parang walang narinig. Sinuot na nito ang helmet at sumakay sa motorbike nito.
BINABASA MO ANG
CODE 1391813125
Mystery / ThrillerThis world is like a CODE, different NUMBERS of cases are still unresolved. Many of them tries to find out the answers but in the end, they'll just surrender and even don't find a single clue. CLEVON... The famous and well-known generation of Secr...