♕CODE 35♕

23 4 0
                                    

Third Person's View

"Sh*t!"

Nasa kalagitnaan ng daan si Kiyoshi at nagmamaneho papunta sa kinaroroonan ni Mirae ng biglang mag-error ang computer na ginagamit na nagsisilbing tracker kung nasaan si Mirae.

Hininto niya ang sasakyan sa kalagitnaan ng liblib na lugar. Malayo na ito sa siyudad kung saan sila naka-stay. Nasipa niya ang gulong ng kanyang kotse sa inis saka hinilot ang sintido niya.

Iniisip niya kung papaano siya ngayon makakapunta doon. Hindi niya naman nakabisado ang daan dahil nakatutok siya sa pagmamaneho. Hindi naman siya makakahingi ng tulong sa kaibigan niya lalo na kay Clyde na hacker nila. Siguradong busy din ito sa mission nito.

"G*ddamn it Mirae! Where are you?" Nahilamos niya ang palad niya sa kanyang mukha dahil nasira ang plano nila.

Napatiim bagang siya ng makaisip siya ng paraan. Ayaw niyang humingi ng tulong sa kanila pero ito nalang ang solusyon para matunton at maisalba si Mirae.

Siguradong may kapalit iyon kapag humingi ng tulong sa kanila ngunit nanganganib ang buhay ni Mirae kaya hindi na siya nagdalawang isip na i-dial ang number nito. Nakatatlong ring ito bago sinagot ng kabilang linya ang tawag niya.

"Come here, five minutes and track her now!" Hindi na siya nag intay ng sagot nito at basta basta nalang binaba ang tawag.

Pumasok siya sa ulit sa loob ng kotse at naghintay. Makalipas ng ilang minuto ay nakita niya sa rear mirror niya ang isang humaharurot na motor papunta sa kinaroroonan niya. Huminto ito sa tapat ng pintuan ng kotse niya at tinanggal ang helmet nito sa ulo. Agad na ngumiti ang lalaking nasa harapan niya.

"Long time no see, Yosh." Anito .

"Did you track her?"

Nagulat ito sa inasal nito at itinaas nito ang dalawang kamay bilang pagsuko.

"Woah, easy bro! Didn't you miss me?" Anito at sumilay ang ngisi sa labi nito na lalong nakapag painis sa kanya.

Ang nasa harapan niya ngayon ay isa sa mga kaibigan niya dito sa Japan na si Daichi Asahi. Mas matangkad ng kaunti kay Kiyoshi at matipuno kagaya niya at may malaporselanang kutis dahil half Japanese at half American ito.

"If something happens to her because you're too f*ckin' slow, you're dead!" Ani ni Kiyoshi saka ito sinamaan ng tingin. Binuksan niya na ulit ang makina ng sasakyan.

Napailing nalang ito sa inasal ng kaibigan niya. Hindi naman siya naninibago dahil madalas mainit sng ulo nito kapag umuuwi ito ng bansa dahil pinapabalik ito ng sariling ama para gawin ang responsibilidad nito. Ngunit ngayon niya lang ito nakitang uminit ang ulo ng dahil sa babae, ngayon lang ito naencounter at naninibago siya sa kaibigan niya.

"Chill bro, I'll lead the way."

Mabilis na nitong sinuot ang helmet saka pinaharurot ulit nito. Agad naman siyang sinundan ni Kiyoshi.

***

Mirae double checks her gun its ammunition before opening the door. She only saw a dark hallway as she slightly opens the door. Then peeks outside to see if there are hostiles and saw two guards at the other door. Suddenly, the one of the guard saw her.

"What do you think you're doing?" The guard shouted and aimed the gun at her.

"He summon both of you, c'mon in" Both guards calmly holster their weapons and approached towards at her position.

CODE 1391813125Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon