Third Person's View
Matapos ang nangyaring insidente na iyon ay agad madaming mga studyante ang nagpanic kaya ang iba ay may natamo na sugat at muntik ng magka-stampede. Buti nalang ay agad itong sinolusyonan ng mga staffs ng skwelahan.
Sa kabilang banda ay agad idineretso sa hospital ang lahat ng mga kasali sa ginanap na paligsahan. Hindi man nagpapanic ang mga kaibigan ni Jerah ay sobra ang kaba nito dahil sakto sa pwesto ni Jerah nalaglag ang mga bakal na nanggaling sa taas ng stage.
"Tara na dumiretso na tayo sa hospital!" Agad na nag aya ang mga kaibigan niya para tignan kung ano ang lagay ng kaibigan nilang si Jerah.
Hindi na kase nila ito nakita at mabilis ang pangyayari. Hindi din sila pinalapit ng mga staffs ng Brine. Agad na dumiretso ang mga kaibigan niya sa parking lot. Pinauna na ni Mirae ang iba. Nang makalayo ito ay agad siyang bumaba sa motor niya.
Gusto man niyang sumama para tignan ang lagay ni Jerah pero may bumabagabag sa kanya. Simula ng mag simula ang sportsfest ay walang nangyayaring aksidente. Maliban sa pananakot sa kanya ng hindi pa nakikilalang tao.
Nasa isip niya ay hindi iyon aksidente lamang kundi may nagplano nito at aalamin niya ngayon kung sino.
Bumalik siya sa gym at nakita niya ang nakapalibot na mga imbestigador at pulis na sinusuri ang pangyayari.
"Miss bawal po kayo dito..." Papasok na sana siya ng bigla siyang hinarangan ng mga pulis.
Agad niyang ipinakita ang bagong ID niya na naglalaman ng impormasyon na siya ay isang secret agent. Nang mabasa ito ng mga armadong pulis ay agad itong tumabi at pinadaan siya.
"Kayo na pala ang anak nila Raze?" Tipid niya nalang itong nginitian.
Bumalik tuloy ang lahat ng pangyayari na parang kahapon lang. Parang apoy na lumaganap ng panahong iyon ang pangalan ni Mirae. Dahil sa kasong ipinataw sa kanya matapos ang aksidenteng iyon ay mainit sa kanya ang mata ng media. Buti at tinulungan siya ng pamilya ni Jerah at malaki ang pasalamat niya sa mga ito na lumaki padin siya ng normal.
Lumipas ang panahon na unti unti ng nababaon sa limot ang pangalan niya dahil ipinalabas na patay na ang buong angkan ng clevon at sinabing ka apyilido niya lang ang mga ito. Malaki ang ginhawang nakuha niya dito. Konti nalang ang nakakaalam kung sino siya. Dahil para sa ibang opisyal ng gobyerno ay isang nalang kasaysayan ang pangalan nila. Ang alam ng iba ay ang mga kaibigan nalang nila Raze ang may hawak ng lahat ng pag-aari ng Clevon.
Kahit masama ang pakiramdam niya ay pinilit niyang makapunta sa kinaroroonan ng stage kung saan nangyari ang aksidente.
Sinuri niya ang bawat paligid ganun din sa itaas ng stage. Hindi naman siya pinigilan ng mga staffs dahil busy ito sa pagsusuri sa paligid. Napakunot ang noo niya ng may may mali sa mga bakal na nakita niya sa itaas ng stage.
Maluwang ang mga tornilyo dito na pinagkakabitan nito kaya agad siyang nagtanong sa mga staffs na agad naman siya nitong sinagot.
"Bago po namin simulan ang event ay dinuoble po check namin ang lahat. Sabi po nung staff na nasa itaas ng stage ay may bigla nalang pumukpok sa ulo niya at agad siyang nawalan ng malay. Hindi niya din daw nakita kung sino iyon." Paliwanag nito.
Agad siyang kinabahan. Hindi kaya pati ng mga kaibigan niya ay madamay na din? Hindi siya papayag. Hindi baleng siya nalang ang mapahamak huwag lang ang mga kaibigan niya.
Agad siya ulit umakyat sa nasabing itaas ng stage at masasabi niyang malinis ang pagpplano nito dahil pati ang pulis ay walang mahanap na fingerprints ng suspek.
BINABASA MO ANG
CODE 1391813125
Mystery / ThrillerThis world is like a CODE, different NUMBERS of cases are still unresolved. Many of them tries to find out the answers but in the end, they'll just surrender and even don't find a single clue. CLEVON... The famous and well-known generation of Secr...