Third Person's View
Isang linggo na din ang nakalipas ng matapos ang misyon nila. Ngayon na din ang araw kung saan ang flight nila papuntang Greece.
Kasalukuyan na ngayong nasa airport sila Mirae at iniintay nalang ang oras para makasakay sila sa designated airplane ng mga sections.
"Please do headcounts guys, double check lang baka may kulang pa na kaklase natin." Announce ng president ng klase nila na sinunod naman nila.
"Teka, hindi ba sasama si Liza?" Si Rosè habang may hawak hawak na panibagong pagkain.
Nasaan yung donut na hawak nito kanina?
"Oo nga nasaan ba yun? Hindi ko pa nakikita yun simula pagkadating natin." Sabat naman ni Clyde habang hawak hawak ang phone niya at naglalaro ng mobile legends.
"Bakit miss mo na si Liza?" Tukso ni Philipp sa kanya na nakapag pagulat sa kanya kaya namatay ang hero niya sa game.
"Hays! Lumayo ka nga sakin namamatay tuloy ako eh. Malas kang katabi! Chu!" Inis na taboy nito sa kanya na ikinatawa naman ni Philipp.
"Anong malas ako? Baka ikaw! Tignan mo 0-10-2 yung standing mo! Mahiya ka naman sa ka-team mo. Quit ml ka na!"
At doon na naman nagsimula ang away ng dalawang unggoy sa grupo. Napapailing nalang sila at tinatampal ang sariling noo dahil sa kahihiyan ng dalawang unggoy na ito.
Paano nga ulit nila ito naging kaibigan?
Ilang sandali pa ay innanounce na ang kanilang flight kaya isa isa na silang nagsitayuan sa kanilang upuan at sinimulang maglakad at sundan ang kanilang prof.
Nakapamulsang naglalakad si Mirae sa kanyang pants habang may nakapasak na earphones sa kanyang tainga. Nauuna siyang maglakad sa kaniyang mga kaibigan dahil naririndi siya sa ingay nito.
Parang ilang dekada hindi nagkita?
Kahit na may nakapasak na earphone sa kanyang tainga ay rinig niya padin ito kahit todo na ang lakas ng volume ng music niya. Napairap nalang siya sa kaingayan ng mga ito.
Napahinto siya ng may isang kamay na nag abot sa kanya ng bottled water. Napangiti siya dahil siguradong si Kiyoshi ito.
Nawala ang ngiti niya ng malaman niyang si Arthur pala ang nagbibigay sa kanya ng inumin. Tatanggi na sana siya ngunit inilagay na nito sa kanyang kamay ang bottled water.
"Okay ka lang?" Tumango lang siya sa tanong nito at pinokus nalang ang atensyon sa dinadaanan niya.
Problema niya ay si Kiyoshi.
Pagkatapos kasi nitong sabihin ang mga katagang iyon ay agad na tumawag ang ama nito dahil may mahalaga daw itong sasabihin. Iyon ang natandaan niyang huling pag uusap nila at kahit nakauwi na sila ng bansa ay tahimik lang ito na pakiramdam niya ay lumalayo ito at may itinatago na namang sikreto ito sa kanya.
"May problema ka ba sa atin--- sa akin? Kase parang ramdam ko na lumalayo ka sakin." Anito at saka nagpakawala ng buntong hininga.
"I'm not, why did you ask?" Sa ilang araw na pag uwi nila ng bansa ay ito ang sumasabay at nakadikit sa kanya. Nag iba pa nga ng upuan si Kiyoshi at hindi na sa kanya nakatabi.
Ngunit parang pakiramdam niya kapag kasama niya si Arthur ay iba ang pakiramdam niya kaysa sa pakiramdam niya kapag kasama niya ang ibang mga kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
CODE 1391813125
Mystery / ThrillerThis world is like a CODE, different NUMBERS of cases are still unresolved. Many of them tries to find out the answers but in the end, they'll just surrender and even don't find a single clue. CLEVON... The famous and well-known generation of Secr...