♛CODE 16♛

28 6 0
                                    

Third Person's View

Halos takbo na ang ginagagawa niyang lakad para lang makapunta agad sa room nila. Pagkabukas niya ng pinto ay agad siyang napabuntong hininga ng makita niya ang hinahanap niya.

"Oh Raciel, aga mu naman." Tawag sa kanya nito habang may kinakain na sandwich.

Agad naman siyang lumapit dito at inilahad niya ang kamay niya sa harap nito.

"My notes..." Sabi ni Mirae na agad namang nagets ni Liza at napatango tango pa ito.

"Balak ku sanang euwe para dun nalang kupyahen yung liktyors mo." sabi nito at agad naman nitong ibinigay sa kanya ang black notebook niya. Agad siyang napabuntong hininga. Akala niya nawala na talaga ang notes niya.

Importante kase sa kanya ito dahil nandito lahat ang mga informations at possible suspects sa pagpatay sa angkan niya.

"Did you open this?" Sabi niya habang binuklat niya ang notebook niya at hinahanap kung merong nawala o hindi.

"Ah hende pa naman..." Sabi nito habang nakatutok lang sa pagkain nitong sandwich.

Nakakunot lang ang noo ni Mirae habang tinitingnan niya ang black notebook niya. Para kaseng nabuksan ito. Masyado kase siyang masinop sa gamit kaya pati mga gamit niya alam niya kung ano ang itsura at ayos nito.

Hindi niya nalang pinansin at agad niyang nilagay sa bag niya ang black notebook niya at kinuha ang isa pang notes niya.

"Here you can take it home..." Sabi nito sabay lapag ni Mirae ng notes niya sa table ni Liza.

"Tenkyo ha?" Nginitian siya nito ng pagkatamis tamis kaya't ginantihan nalang niya ito ng tipid na ngiti.

Maya maya pa ay biglang nabuksan ng pinto ng room nila at iniluwa doon ang mga kaibigan nila. Agad naman itong umupo sa tabi nila habang suot suot ang P.E uniform nila.

"Palit ka na Mirae, 5 minutes nalang bago next sub natin hehe..." Kalabit sa kanya ni Jerah na agad niya namang ikinatango.

Tumayo na siya at agad niyang naalala ang katabi niya na parang walang dalang P.E uniform.

"Come..." Aya niya kay Liza at tinuro pa nito ang sarili niya at tumango naman siya bilang tugon.

Dumiretso sila sa locker room at binuksan niya ang locker niya at kinuha ang 2 P.E uniforms niya. Buti nalang mayroon pa siyang isa. Terror masyado ang instructor nila lalo na pag hindi sila nakasuot ng P.E uniform. Dean office agad ang pasok mo kapag ganun.

"Pamele mo?" Biglang sabi ni Liza at sinusuri ang isang family picture na nakadikit sa loob ng locker niya.

"Yeah..." Maikling sagot niya at mapait na ngumiti.

"Ang ganda naman ng mame mu? Tas ang gwapu den ng dade mu? Ang kyot niyo naman. Gosto ko silang mamet" Tuloy tuloy na sabi nito habang nakangiting nakatingin sa kanya ngunit napatahimik nalang si Mirae sa sinabi nito.

"They're gone." Seryosong sabi niya na agad namang nagpawala ng ngiti kay Liza.

"Ay sorreh." Sabi niya at nginitian niya nalang ito ng tipid.

"Its fine, let's go." Pag-iiba niya ng topic at inaya na niyang magpalit ng damit si Liza. Masyado silang napatagal sa locker room baka biglang dumating ang intructor nila at tarayan na naman sila nito.

***

Someone's PoV

"Boss, masyadong mautak ang anak ni Raze. Alam na niyang kasabwat yung tita niya..." Sabi ng isang tauhan niya sabay galaw ng pawn sa chess board.

CODE 1391813125Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon