♕CODE 19♕

22 7 0
                                    

Third Person's View

Second day na ng sportsfest at heto ang magkakaibigan nasa tambayan nila Kiyoshi at Mirae kahapon at ginigisa ng tanong si Mirae. Sinumbong siya kahapon ng bwisit na hapon na 'to sa mga kaibigan niya.

"Sino ang nagbigay sayo nun?" Kanina pa sila nag tatanungan pero wala silang matanggap na matinong sagot kay Mirae kundi puro pambabara.

"Someone..." Sagot niya nalang kaya mga napa-facepalm nalang ang mga kaibigan niya. Kanina pa kase niya sagot yun.

"Ehhh! Pano nga namin malalaman yung someone na yan kung hindi mo sasabihin samin kung sino?" Naiinis na tanong ni Arthur dahil paulit ulit lang ang sagot nito.

"Akala ko ba letters yung nasa loob, nagsasarili ka na naman eh." Napatingin naman si Mirae kay Jerah na seryosong nakikipag usap sa kanya. Madalang lang itong magseryoso lalo na kung tungkol sa kaligtasan niya.

Hindi siya sumagot. Ginagalang niya si Jerah, para nadin itong tumayong magulang niya. Barahin niya na lahat wag lang si Jerah.

Nahagip naman ng paningin niya itong si Kiyoshi na seryoso lang din na nakatitig sa kanya at walang bahid ng emosyon ang makikita mo dito.

Napabuntong hininga nalang siya marahil 'di naman nasagot si Mirae. Halos mag-iisang oras na silang nag gigisahan sa ilalim ng puno.

"I don't know who it was but..." Paninimula niya. "But I saw someone wearing a cap during the board competitions." Aniya.

"So bitch... Hindi mo kilala kung sino yun?" Tanong naman ni Rosè sa kanya na ikinatango niya nalang.

"Kapag nalaman ito ng mga elders, tiyak na patay na naman tayo nito." Sabi ni Clyde na ikinatango naman ni Marcus.

"Ang malala baka gawin tayong bodyguard ni Mirae." Iiling iling na sabi ni Philipp.

"I'm willing..." Ngisi ni Kiyoshi kay Mirae kaya sinamaan niya ito ng tingin pabalik. Demonyong hapon nato. Kahapon lang gigil na gigil ito sa kanya ngayon naman kung makangisi parang aso.

"Andetu lang pala kayu" Nagtatakbo na sabi ni Liza papalapit sa kanila. Hingal itong nakapunta sa harapan nila at napahawak nalang ito ng tuhod.

Natigil naman ang pag uusap nila about sa fake bomb. Kung maaari ay iwasan nilang pag usapan sa harap iyon ni Liza dahil baka madamay pa ito sa ginagawang pananakot kay Mirae.

"Baket nga pala kayu andeto? Mag llunch na ah. Tara kaen na tayu!" Aya nito sa kanila at ngumiti nalang mga ito sa kanya at sinundan na siya.

"Baket tahimek kayu? Anyari?" Tumigil sa paglalakad si Liza sabay palupot ng braso kay Mirae. Nginitian lang siya ng tipid nito

"Kong naheherapan ka paden sa tagalug. Mamaya tuturuan ulet keta" Masayang sabi nito na ikinatawa niya nalang ng mahina.

Dumirecho na sila sa field kung saan nakakalat ang mga foodtruck. Agad na silang umorder at kumain dahil nag announce na isang oras nalang bago magsimula ang palaro.

"Ano nga pala ang laban ngayon?" Pambabasag ni Philipp sa katahimikan. Ayaw na ayaw kase nito ng tahimik.

"Archery, Field hockey, Football, Freestyle motocross and Tennis." Sabat ni Marcus kaya napatigil sa pagkain lahat ng mga kaibigan niya.

"Pre suntukin mo nga ako baka nag hhallucinate lang ako na nagsalita si Marcus." Si Clyde sabay lapit ng mukha niya kay Philipp.

*Boogsh!*

CODE 1391813125Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon