Arthur's PoV
"Ano ginagawa niyo dito?" nakakunot ang noo ko habang tinitingnan ang mga ungas na pumapasok sa room namin nila Mimi babes. Lahat tuloy ng atensiyon napunta sa kanila.
Potek! Akala ko ba ayaw nila pumasok dito para bantayan si Mimi babes.
Ngunit ni isa sa kanila ay walang sumagot at dumiretso lang sa mga vacant seat na nakapalibot kay Mimi babes. Tsk!
Napahinto naman sa pagsusulat si Mimi babes sa notebook niya at tiningnan yung mga ungas kong kaibigan.
"Hi Mirae!" masiglang bati ni Philipp tapos todo ngiti pa. Tsk! Bakit ba siya nakangiti sa Mimi babes ko.
Tumango lang ito sa kanya at tumabi si Philipp sa kanya. Nakita kong may dalawang pares ng sapatos ang nakita ko. Tiningnan ko kung sino at nakita ko si Hapon na nakatingin ng masama sakin.
"What?" ano ba problema nung Hapon na yun.
Huminto siya sa harapan nila Jerah at Mimi babes. Napatingin tuloy yung dalawa sa kanya.
"Move." sabi ni Hapon kay Jerah. Aba't itong Hapon nato namumuro na. Ako nga di ako makatabi kay Mimi babes ko tapos siya sasabihin niya move. Tsk.
"Sige hehe... " sabay ngiti ni Jerah at umusog sa kanan. Ayun napagitnaan nila si Hapon. Grabe! Bakit ganun? Kapag ako binabara tapos kay Hapon kay bait bait.
Bale ang pwesto nila...
Philipp... Mimi Babes... Hapon...Jerah
Vacant..........Clyde......... Marcus... AkoPahalf circle kase yung upuan dito kaya tabi tabi na kame. Tsk! Bakit napapayag nila si Mimi babes na tumabi tong mga ungas nato. Tsk!
Pagkaupo nila ay agad na sinarado ni Mimi babes yung notebook niya at tiningnan si Hapon.
Potek! Inlab na ba siya kay Hapon. Hinde hamak na mas gwapo ako diyan ah. Tsk tsk!
"Jerah is my seatmate, please find you another seat" napa 'ohh' naman kame sa likudan. Ngayon lang kase may sumagot ng ganyan kay Hapon.
Nakahanap ka na din ng katapat Hapon ka! *evil laugh*
"I ask her permission and she said yes, what's the matter?" potek! Bakit ba kase sila nag eenglish? Nasa pilipinas kame pero kung makapag salita sila parang foreigner. Shet! Pero mas gwapo padin ako kahit pagsama samahin nila yung mga kagwapuhan nila.
"Is that the proper way to ask permission?" napa 'ooh' na naman kame. HAHAHA! Nakakatawa kase ngayon ko lang nakita si Hapon na hinarap siya tapos babae pa. Ang galing talaga ng Mimi babes ko.
Napahinto sila sa pag aaway nung biglang dumating yung prof namin. Ayun pinakilala pa itong mga ungas na'to at todo kilig pa yung mga kablock namin tsk. Mas gwapo padin ako sa kanila.
Nagdiscuss lang yung prof ng kung ano ano. Di naman ako nakikinig dahil history ang topic potek!
Tiningnan ko nalang si Mimi babes. Bakit napakaganda niya? Kaya bagay kame gwapo ako tapos maganda siya.
Biglang nagpop out sa screen ng watch ko ang isang message. Lahat kame may ganto. Siyempre agent nga diba. Di mo aakalain na spywatch to kase mukang normal lang na relo.
H.Q. 12 pm sharp.
Pagkabasa ko nun ay nakita ko din ang iba na nakatingin din sa relos nila. Ano na naman kaya papagawa nung mga yun?
BINABASA MO ANG
CODE 1391813125
Misterio / SuspensoThis world is like a CODE, different NUMBERS of cases are still unresolved. Many of them tries to find out the answers but in the end, they'll just surrender and even don't find a single clue. CLEVON... The famous and well-known generation of Secr...