Third Person's View
Nung makapasok sila Jerah at Mirae ay agad tumingin sa kanila ang gawi nila Arthur.
"Mimi babes!/Hello Mirae! Hello Jerah!" sabay sabay na bati nila Arthur at Philipp. Ngunit hindi sila pinansin ng dalawa at pati si Jerah ay seryoso din ang mukha.
Habang ang iba naman ay may iba't ibang pinagkakaabalahan. Si Clyde ay naglalaro sa phone niya habang si Marcus naman ay tahimik lang na nagbabasa ng libro at si Kiyoshi naman ay poker face na nakatingin sa kanila.
Pagkaupo ng dalawa ay agad na sumubsob sa table si Jerah at natulog habang nilabas naman ni Mirae ang earphones niya at nakinig lang sa music. Pinapakinggan niya ang narecord niya kagabi na sinasabi ng Nanny niya.
Bigla nalang may kumalabit sa kanya at lumingon sa kung sino man ang may pakana nito. Si Kiyoshi.
"I heard your Nanny died last night" tiningnan lang niya ito pero hindi niya mabasa ang ekspresyon ni Kiyoshi.
"So?" tinaasan niya ng kilay ang binata kaya't napangisi ito.
Sumubsob nalang din siya kamukha ni Jerah para wala ng magtanong sa kanya at natulog. May kalahating oras pa naman bago magsimula ang klase nila.
Nang dumating ang prof nila ay hindi nagising ang dalawa. Kinalabit naman ni Marcus si Jerah at nagising naman ito. Nagkukusot pa ito ng mata at tumingin kay Marcus.
"Bakit?" ang cute lang ng way niya na magkusot ng mata. Natigilan tuloy si Marcus.
"Prof" hindi talaga nakakausap ng maayos si Marcus. Laging one word ang sinasabi niyan. Sa sobrang tahimik nito ay mapagkakamalan mong pipe.
"Hindi ako prof" nakakunot na sabi nito kaya't natawa ng palihim si Clyde at napahagalpak naman ng tawa si Philipp at Marcus.
"Sabi niya andyan na si prof" napapailing na sabi ni Philipp.
"Pagpasensyahan niyo na si Jerah dati pa talaga may pakpak yung isip niyan" pabirong sabi ni Arthur ngunit pinatulan naman siya ni Jerah.
"Talaga? Buti pa isip ko may pakpak. Gusto ko din itry lumipad" nagpigil naman ang iba sa pagtawa.
Habang si Mirae ay natutulog padin at parang mahimbing ang pagkakatulog nito. Hinawakan naman ni Kiyoshi ang buhok nito at inamoy.
Hmm... baby's scent.
Sabi ni Kiyoshi sa isip niya ng maamoy niya ang pabango at buhok ni Mirae. Ngunit sa kalagitnaan ng pagamoy nito sa buhok ni Mirae ay may biglang umapak sa paa niya.
"Did i allow you to touch my hair?" nagising ito at tumingin kay Kiyoshi. Napa 'ohh' naman ang mga kaibigan nila na nasa likudan nila habang si Arthur naman ay naiinis sa nakikita niya. Napangisi si Kiyoshi sa sinabi ng dalaga.
"You've great scent. I like baby's scent" mapanuksong sabi nito. Nakatanggap tuloy siya ng suntok kay Mirae na lalong nakapag paingay sa mga kaibigan nila.
Napangisi nalang si Clyde, napahinto naman sa pagbabasa si Marcus at si Philipp naman ang tiga 'ohh' na akala mo reporter. Nagpipigil naman ng galit sa gilid si Arthur.
"Pervert" sabi nito na nakakuha ng lahat ng atensiyon ng lahat ng kaklase nila. Nagbulungan ang mga ito.
Hindi na nakatiis si Arthur at binato ng libro sa ulo si Kiyoshi. Napa 'ohh'na naman si Philipp na akala mo nang aasar. Lumingon sa kanya si Kiyoshi at sinamaan ng tingin.
BINABASA MO ANG
CODE 1391813125
Mistero / ThrillerThis world is like a CODE, different NUMBERS of cases are still unresolved. Many of them tries to find out the answers but in the end, they'll just surrender and even don't find a single clue. CLEVON... The famous and well-known generation of Secr...