♛️CODE 14♛

27 9 0
                                    

Third Person's View

Alas tres palang ng umaga ng magising si Mirae at mapag pasyahan niyang gawin na ang morning rituals niya.

Nagsuot siya ng gym bra at leggings at suot ang sneakers niya. Itinali niya din ang buhok niya at nagsimula ng lumabas ng kwarto niya. Sabado naman ngayon kaya wala silang pasok.

Tahimik siyang nakababa at may pangilan ngilan na bumabati sa kanya na mga maids at guards na nakapalibot sa buong mansion nila Jerah.

Agad siyang nagpasak ng earphones sa tenga at nagsimula ng mag jogging. Halos trenta-minutos din siyang nag jogging. Tahimik ang subdivision kung saan nakatayo ang mansion nila Jerah.

Halos madilim pa at wala pang araw na sumisikat. Nagtagal ng trenta-minutos bago niya napag-pasyahan na bumalik na sa mansion.

Nang makabalik siya ay agad niya kinuha ang leather jacket niya at pinatakbo ang motorbike niya at dumiretso na siya papuntang Clevon Organization.

Napag isipan niya na doon nalang mag training dahil mas malawak at madaming armas ang pwedeng gamitin kaysa sa training grounds ng mansion nila Jerah.

Sa bilis ng pagpapatakbo niya ay halos kalahating oras niya lang narating ang paanan ng bundok kung saan nakatayo ang Clevon Organization.

"Good morning Ms. Clevon..." Bati ng mga guards sa kanya at mga staff. Tipid na ngiti lang ang iginaganti niya.

Agad siyang dumiretso sa elevator at pinindot ang Underground. Pagkabukas ng pintuan ay agad bumungad sa kanya ang personal assistant niyang si Rosè na halos kita na ang eyebags kahit pa nilagyan ito ng concealer.

"Mirae bitch! Ang aga ah! Ano? Bakit nagawi ka dito?" Pilit na masayang bati nito kahit mamikit mikit na ang mga mata nito.

"I'm doing my responsibility as the heiress. That's why I'm here for my first training." Mabilis na sagot niya. Agad siyang hinila nito sa braso.

"So tara! Naghihintay na ang mga trainors mo. Actually ikaw nalang iniintay nila ang sagot mo hahaha!" Tawa nito sabay flip ng hair at naka skirt na naman ito.

Wala ba itong ibang damit kundi maiikli na halos konti na lang ang natatakpan sa katawan. Magpapa-hila na sana siya ng bigla niyang binawi ang braso niya.

"Oh bakit? Nahihiya ka? Don't be! Actually sila tito lang naman mag ttrain sayo" Sabi ni Rosé at tinaasan lang siya ng kilay ni Mirae kaya napalunok siya. Geez. Natatakot padin siya dito dahil paiba iba ng mood.

Minsan tahimik, minsan mataray!

"What did you do in the last few days?" Tanong niya habang sinusuri siya. Nagpaalam kase ito na 3 days mawawala sa school.

"May bagong project lang. Pinapamonitor samin..." Sabi nito.

"Who?"

"Si Mr. Nicholas, yung business tycoon na illegal na ibenebenta ang mga babae..." Tumango nalang siya sa sinabi nito at nagsimula na silang maglakad.

Mga ilang minuto lang ay nakarating sila sa paanan ng bundok kung asan ang firing range. Agad silang napansin ang isang mid-40s na lalaki. Ang ama ni Philipp, si Luis McKinney.

"Long time no see, Ms. Clevon." Sabi niya kay Mirae at tinap lang ang balikat niya. Agad naman niya ito ginantihan ng tipid na ngiti.

Bago pa man sila magsimula ay nilingon niya si Rosé na halos mamikit-mikit na. Agad niya itong tinawag na narinig naman nito.

"Go have some rest..." Napangiti ito pero agad naman itong sumimangot.

CODE 1391813125Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon