A/N: Anyway, let me remind you na kapag may mission sila ay code names ang tawagan nila kaya huwag na kayong magtaka. Kapag hindi niyo maalala just look at the characters. That's all, Happy reading!
***
Third Person's View
Hanggang ngayon ay nakatutok padin ang atensiyon ni Mirae sa nagsasalita ngayon sa harapan at kahit wala na sa kanya ang tingin nito ay ginagambala padin siya ng isipan niya.
Parang pamilyar...
Hindi niya malaman ang dahilan pero para bang nakita na niya noon si Mr. Black. Hindi niya lang maalala kung saan at kailan pero sigurado siya na ngayon palang niya ito nakita.
"Let me introduce her to all of you. The women behind this succesful launching of our business and also who celebrates her birthday today, my co-partner, Ms. Brenda Augustin!" Anunsyo ni Mr. Black.
Agad napako ang tingin ni Mirae sa isang rebulto na ngayon ay naglalakad papunta sa gitna. Nakangiti itong naglakad at nakipagbeso kay Mr. Black bago ito nagsalita.
Napayukom ng kamao si Mirae. Iba din itong kabit ng tito niya? Parang kahapon lang ay pumanaw ang anak nito at ngayon ay nasa harapan at abot tenga ang ngiti habang nagsasalita.
Wala man lang bakas ng lungkot ang mukha nito kaya lalong kumukulo ang dugo ni Mirae sa kanya. Napakalakas ng loob nitong humarap sa tao na akala mong hindi namatayan ng anak.
"By 10 pm, there will be an auction for the birthday of your Auntie." Ani ni Rosè habang nakatingin sa cp niya at chinecheck ang schedule para mamaya.
Napalingon si Mirae ng marinig niya ang word na 'Auntie'. Tiningnan siya nito na parang sinasabi na 'don't-you-say-that-again' look. Kaya napilitan nalang siyang ngumiti para hindi makita na parang kinabahan siya sa titig palang nito.
"Dadating din si Mr. Enriquez na target natin at kailangang makuha natin ang case na naglalaman ng kwintas na nagkakahalaga ng bilyong dolyar." Si Arthur na ang nagtuloy ng sasabihin ni Rosè at pagkatapos ay ininom niya ng diretso ang hawak niyang wine glass.
Nagpaliwanag pa ito ngunit hindi na niya ito pinansin at nakinig nalang sa harapan. Dahil sa inis niya ay hindi niya namalayan na nagkalasog-lasog na ang olive sa kanyang martini sa sobrang gigil. Napangiwi nalang ang ibang kaibigan niya dito.
Hanggang sa matapos magsalita ang tita niya at maya maya pa ay sinimulan na ang ribbon cutting. Nagsimula na din silang maghiwa hiwalay para gawin ang kani kanilang parte.
Nagpaiwan naman si Mirae sa table nila dahil pinagbawalan siya ng mga kaibigan dahil nadin kakalabas palang niya ng hospital.
Para namang susunod siya...
Tumayo siya at pumunta sa taong kanina pa niya tinititigan. Walang iba kundi si Mr. Black. Palapit na sana siya dito ng biglang may humarang na pigura sa harapan niya.
Agad na napaangat ang tingin niya dito at nakita niya ang tita niya na pinanlalakihan siya ng mata habang pilit itong nakangiti.
"What are you doing here?" Bulong nito sa kanya sabay hila nito sa kanya hanggang sa makapunta sila sa kakaunti nalang ang tao.
Napataas siya ng kilay dahil sa tanong nito sa kanya. Hindi ba dapat siya ang magtanong nito sa kanya. Sumilay ang ngiti sa bibig niya. Nakipag sabayan siya ng tingin dito.
BINABASA MO ANG
CODE 1391813125
Mystery / ThrillerThis world is like a CODE, different NUMBERS of cases are still unresolved. Many of them tries to find out the answers but in the end, they'll just surrender and even don't find a single clue. CLEVON... The famous and well-known generation of Secr...