♛CODE 40♛

36 1 0
                                    

Third Person's View

Walang emosyon na nakatingin si Mirae sa kanyang veranda ng kanyang kwarto habang nakatingin sa papalayong sasakyan ng mga kaibigan niya paalis ng mansion.

Matapos ang pag uusap nilang iyon ay agad siyang dumiretso sa kwarto niya ng hindi man lang pinapansin ang tawag ng mga kaibigan niya at tinatanong kung ano ang nangyari.

Nalaman niya nalang na aalis na ito ng sambitin iyon ni Aegus matapos siyang bigyan ng tasa ng tsaa kanina lamang.

"Milady, you look upset today. Is there any problem?" Ani nito at sinalinan ng panibagong tsaa ang tasa ng kape niya.

Hindi niya sinagot ang tanong nito at muling sumimsim ng tsaa. Napangiti ng palihim si Aegus kahit hindi ito sumagot.

Silence means yes...

"Your birthday is coming soon, Milady. May I ask what do you want for your birthday?" Si Aegus na na ulit ang bumasag sa katahimikan habang nakikita nila ang unti unting paglubog ng araw.

Ibinaba ni Mirae ang tasa ng tsaa niya at pinag salikom ang mga kamay niya.

"I want them dead... And when I said them, I meant all of them. Their families and relatives. I want them to suffer from death. I want them to taste hell" Mahinahon ngunit napatiim bagang siya matapos niyang sabihin iyon.

Ngiti lang ang iginanti sa kanya ni Aegus at nagpaalam na ito upang asikasuhin ang hapunan niya.

Tahimik lang ang naging hapunan sa mansion at tanging kakaunting kalampag lamang ng pinggan ang maririnig sa paligid.

Agad namang natapos ang hapunan na iyon at dumiretso na ulit sa kwarto niya upang makapag pahinga. Ngunit sa hindi inaasahan ay may nakita na naman siyang tray na naglalaman ng isang basong gatas at kapirasong papel.

Agad niyang binuklat ang papel tsaka binasa iyon at mahigpit niyang hinawakan ang papel upang malukot ng kaunti ito.

To: Mirae

I glass of milk to calm you down, sweetie. I just saw you and your guy talking earlier in the middle of the woods. He's right, stay away from him until it's early...

From: M. C. C

Nalukot niya ang papel na iyon at inilibot ang paningin sa paligid. Napakatimik ng lugar na ito ngunit may itinatago itong sikreto.

"Who are you? Why don't you show yourself?... What is your connection with me?" Aniya habang nililibot ang paningin sa paligid.

Walang siyang nakuha ni isang sagot kaya pumasok nalang siya sa kanyang kwarto. Tahimik naman na lumabas ang isang pigura na nakatago sa madilim na parte ng hallway at pinulot ang nakalukot na papel na tinapon ni Mirae bago ito pumasok sa kwarto.

Napangisi ito at inilingon ang tingin sa likod niya dahil sa naramdaman niya ang presensya ni Aegus.

"Until when are you going to hide from her?" Tanong ni Aegus sa kaharap nitong pigura.

"I knew that she's wise enough to find out anytime soon. I won't be bothered to do it, I'll just give her a clue" Anito at tinapik ang balikat ni Aegus bago ito naglakad paalis.

"Take care of her..." Huling sambit nito bago naglaho ulit sa dilim.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CODE 1391813125Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon