♕CODE 27️♕

25 7 0
                                    

Third Person's View

Mabilis kinaladkad ni Arthur ang katawan ng isang waiter papasok sa janitors room at mabilis niyang pinagpalit ang kasuotan nila. Inaayos niya ang bowtie niya ng may magsalita sa earpiece niya.

"010 double time."

Sinigurado niyang nakalock ang pintuan bago umalis. Pagkatapos nito ay dumiretso siya sa bartender para kumuha ng mga drinks at maingat niyang sineserve sa mga guest habang hinahanap ng paningin niya si Mr. Enriquez na ano mang oras ay papunta na dito.

Hindi naman siya nabigo ng makita niyang magbukas ang pintuan nitong function hall. Napakunot ang noo niya ng wala itong dalang brief case.

Mabilis siyang pumunta sa kinaroroonan ni Mr. Enriquez at sinadya niyang bungguin ito at niyang nakabit ang isang bug sa likod nito. Nagtagumpay naman siya. Nilingon siya nito ng may halong inis sa mukha.

"Tingnan mo dinadaanan mo kung ayaw mong matanggal sa trabaho!" Ani nito at yumuko siya para humingi ng tawad.

"Sorry, sir."

"Tsk! get out of my sight, Piece of sh*t!" Tumalikod na ito at naglakad na papunta sa kinaroroonan nila Mr. Black kasama ang mga kasosyo nito.

"Bug deployed..." Ngisi niya sa earpiece.

Ilang minuto ang lumipas at inanunsyo na magsisimula na ang auction. Kaya unti unting nagsisibalikan na ang mga tao sa function hall.

"In position."

Nagsimula na ang auction at tahimik lang na nakaupo si Mirae habang pinaglalaruan niya sa kanang kamay niya ang bread knife.

Pokus ang atensyon niya sa nagaganap na auction ng maramdaman niyang may umupo sa gilid niya. Nakita niya sa peripheral vision niya na si Rosè na pinapaypayan ang sarili.

"Where did you go?" Tanong niya dito ng hindi man lang niya ito nililingon at diretso padin ang tingin niya sa gitna.

"Diyan lang, grabe ang dami kong inentertain na oldies. Sumakit brain cells ko! Pang world war 2 na yata yung pinag uusapan nila eh hindi pako buhay nun!" Mahabang sabi nito sabay ikot ng mata at kinuha ang make up kit at nag retouched. Napataas ng kilay si Mirae.

Kulang...

"Is that so?" Humarap siya dito habang walang tigil sa paglalaro ng bread knife sa kamay niya. Makahulugan siyang ngumiti dito.

Napatigil naman ito sa ginagawa at napakurap ito ng ilang beses bago ngumiti ng pilit.

"A-ah oo..." Ani ni Rosè ngunit nagulat siya ng madiin nitong pinaglaruan ang bread knife sa plato niya para makalikha ito ng ingay. Napangiwi ito sa tunog nito.

"You know I hate lies." Mahina lang niya itong sinabi ngunit katumbas naman nito ang malakas na kabog ng dibdib ni Rosè.

"I-i saw Liza a while ago..." Sabi nito kaya itinigil niya ang paglalaro ng bread knife at ngumiti siya dito.

"What about her?" Gusto niyang malaman kung bakit at ano ang ginagawa ni Liza dito.

"Uhm... Model siya ng watch industry ni Mr. Black" Kita naman niya na nagsasabi ito ng totoo kaya tumango nalang siya at nanuod nalang ulit ng auction. Napahinga naman ng maluwag si Rosè.

"Background check her." Huli niyang sabi dito at tumango nalang ito bilang pagsang ayon.

Sa kabilang banda naman ay nakadisguise naman si Kiyoshi as one of the bodyguards ni Mr. Black at kanina pa siya dito sa backstage at hindi niya mahanap ang sinasabing brief case na naglalaman ng kwintas.

CODE 1391813125Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon