Part 7

1.7K 66 0
                                    


"...If you're drunk, don't drive at all. Don't take chances, don't dare take the risk of ending up in hospital, or in jail and not being able to drink ever again. Sa mga inang tulad ko, dapat na magkaroon tayo ng aktibong parte sa para maipaintindi natin sa mga anak natin ang panganib na dulot ng iresponsableng pagmamaneho. Awareness should start at home. Thank you."

Masigabong palakpakan ang ibinigay kay Celine nang matapos siyang magsalita. Si Daniel ay agad tumayo at lumapit sa entablado para alalayan at salubungin siya. Niyakap siya nito at hinagkan ang kanyang ulo. "You did great. As always," anito. "I'm so proud of you."

"Thank you," nakangiting tugon niya.

"Ladies and Gentlemen," anang emcee. "Let's give another round of applause to our gorgeous crusader, Doctor Celine Cavelli." Muli ngang dumagundong ang masigabong palakpakan. Sinagot iyon ni Celine ng ngiti at binigkas ang pasasalamat.

Maya-maya ay magkakaroon ng auctions. Ang kikitain sa auctions ay mapupunta sa pondo ng samahan. Ang iba ay mapupunta sa ilang foundation na konektado sa kanila. Bilang pakikibahagi, si Riza---na sikat na photographer--- ay nag-donate ng isang obra nito. Si Marc ay nakibahagi rin. Isang helmet na pag-aari nito noong nangangarera pa ang iniambag nito. Sigurado siya na magkakandarapa ang mga tagahanga ng dalawa sa mga items na iyon.

Tinungo na nila ang mesang laan sa kanila. "You're a very effective speaker. Lahat ay nakikinig sa 'yo. Lahat ay nakatingin sa 'yo. Nasa iyo ang lahat ng atensiyon," mahinang sabi nito pero malinaw na nakarating sa pandinig niya.

Nang marating ang mesa nila, ipinaghila siya ng asawa ng silya niya. Naupo siya. "Hmm. Do I sense a hint of jealousy there?" tudyo niya. Nakasunod ang tingin rito habang tinutungo ang sariling upuan.

Tumawa si Daniel. Naupo na rin ito. "Hindi ko mapigilan," pag-amin nito. "But, I'm not implying na nasa iyo ang atensiyon nila dahil lang sa nakakabighani kang pagmasdan. No. You really did great. Marami kang naimumulat na mga mata dahil sa ginagawa mo. Maraming buhay ang naliligtas. I'm really proud of you."

Inabot ni Celine ang palad ng asawa na nasa ibabaw ng mesa. Agad naman na ibinuka ni Daniel ang palad at tinanggap ang palad niya. "Maraming salamat sa suporta, Daniel."

"Honestly, noong una mong sabihin sa akin ang plano mo, pinagbigyan lang talaga kita sa gusto mong mangyari. But when I heard you talk? I was thunderstrucked. Maging ako ay maraming natutunan sa 'yo. Naipangako ko sa sarili ko na ibibigay ko sa 'yo lahat ng suporta ko sa proyekto mong ito. You're awesome. I think dapat palawigin ang campaign. Dapat na mas maraming conference pa ang maisagawa, lalo na sa mga teenagers. Mas maaga silang maging aware, mas mabuti. Para kapag sila na ang nasa harap ng manibela mas responsable na sila. Don't worry about the funds. Nariyan ang Cavelli Charities na ikaw ang presidente. I can also look for sponsors."

Binitiwan niya ang kamay ng asawa at dinala ang palad niya sa pisngi nito. "Salamat."

"Kahit ano para sa 'yo, Sunshine," anito. "I love you."


"LADIES AND GENTLEMEN, the auction will start in two minutes..." anunsiyo ng emcee. "Kindly check your brochure of the featured items and..."

"Dapat kang lumahok," kunwa ay utos ni Celine sa kanya. Dinampot nito ang booklet na nasa mesa at iniabot sa kanya. Sa booklet na iyon nakalathala ng mga bagay na ipapa-auction sa pagtitipong iyon. Nakasaad doon ang kumpletong impormasyon ng bawat item.

Daniel chuckled. Tinanggap niya ang booklet at mabilisang pinasadahan ng tingin ang mga naroon. "Okay. I think I'll fight for this one." Itinuro niya ang helmet ni Marc. Ang helmet na iyon ay ilang beses na isinuot ni Marc sa mga karera nito kaya maituturing na valuable item iyon. He looks at his wife. Hindi siya nabigo sa inaasahan na magiging reaksiyon nito. Celine was shock. Wala nga naman siyang amor sa motorcycle racing kaya bakit niya gugustuhin na makuha ang bagay na iyon?

"Bakit iyan? I heard nagpadala ng representative ang negosyanteng si Roman Custudio para diyan. And God knows kung sino pang taga-hanga ni Marc ang nagpadala ng emisaryo para lamang sa helmet na iyan."

"I know," nakangising tugon niya sa asawa. "Tagahanga siya ni Marc and he'll get this item come what may. Sa tingin ko rin ay hindi lang si Roman ang naghahangad na makuha iyan lalo pa at inianunsiyo ni Marc ang tungkol sa auction. Makikita mo mamaya. Ito at ang kay Riza ang kikita ng malaki."

"Aha!" Ngumiti ng maluwang si Celine. Nakuha na nito ang gagawin niya. "Lalaban ka sa auction nang sa gayon ay tumaas ang presyo niyan? And when you think the price is high enough you'll concede and let Roman get the helmet?" Marahang tango ang isinagot ni Daniel. Nangingiting umiling-iling naman ito. "Wise move. Uhm, sasaglit lang ako sa ladies room, okay."

"Do you want me to go with you?" tanong niya.

Natawa ito. "Hindi na."

"Okay." Nang makaalis si Celine, inilabas ni Daniel mula sa inside pocket ang cell phone niya at binasa ang ilang mensahe na dumating kaninang nag-e-speech si Celine. Nasa asawa kasi ang buong atenisyon niya kaya hindi niya ininda ang mga dumating na text messages kahit na mahinang nagba-vibrate ang telepono. Alerto lang naman siya sa cell phone kapag hindi sila magkasama ni Celine.   

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon