Part 9

1.7K 74 0
                                    


NAALIMPUNGATAN si Celine dahil sa tila tumatagos sa kanyang mga buto na titig. Pagkatapos niyon ay naramdaman niya ang pamilyar na init ng palad ni Daniel na dumampi sa kanyang panga at humaplos roon. Iminulat ni Celine ang kanyang mga mata. Agad sumalubong sa paningin niya ang paningin ng asawa. Pareho sila na patagilid nakahiga. Si Christoff ay nasa gitna nila at mahimbing pa rin ang tulog. "Good morning," usal nito bago maingat na umabante at hinagkan ang noo niya. Dumampi rin ang labi nito sa ilong niya, at sa labi, siyempre.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Celine. Wala na ang ulap na tumatabon sa mga mata ni Daniel. Thank God. Maybe last night was just an episode of a normal mood swing. "Good morning." Magkaugnay pa rin ang mga mata nila, nag-uusap sa lengguwaheng sila lamang ang nakakaintindi. Sa pamamagitan ng mga mata ay tinanong, sinisiguro niya kung ayos lang ba ito. Tumango si Daniel. Ah. Hindi na nila kailangan pang pag-usapan kung ano ang nangyari kagabi. "Mahimbing ang naging tulog ko. Ni hindi ko namalayan kung umungot ba si Christoff."

"Mahimbing rin ang tulog ng anak natin. He's a very sensitive person I guess," natatawang komento ni Daniel. "Alam niyang pagod ka at alam din niya na may mood swing ang daddy niya."

"Ikaw. Nakatulog ka ba?"

"Not much," kibit-balikat na tugon nito. "But I feel so energized right now. Come on, get up. Mukhang papasikat na ang araw. Samahan mo akong manood."

Hindi siya nag-atubili na bumangon. Iyon ang unang pagkakataon na panonoorin nila ang pagsikat ng araw. Daniel carefully put Christoff on his crib. Para hindi ito malaglag kung sakaling magising ito. Gumagapang na kasi ang bata. "Hindi mo na kinamumuhian ang pagsikat ng araw?" maingat na tanong niya habang tinutungo nila ang terrace. Napansin niya na bahagyang basa roon. Umulan yata kagabi. Bahagyang hinila ni Daniel ang divan na hindi inabot ng ulan. Naupo ito. "Come," anito. Naupo siya sa espasyong nasa pagitan ng nakabukang mga hita nito. When she was settled, Daniel wrapped his arms around her. Siya naman ay kusa pang sumandal sa dibdib nito. "Hindi ko masabi kung kinamumuhian ko pa nga ba ang pagsikat ng araw o hindi na," tugon nito sa tanong niya kanina. Bahagya ng lumilitaw ang araw pero hindi umaabot ang sinag niyon sa kinaroroonan nila kaya safe pa rin iyon para kay Daniel. "You know, ang pagsikat ng araw ang nagpapaalala sa akin na kailanman ay hindi ako magiging normal. Na kailanman ay hindi mararanasan ang maglakad sa ilalim ng sikat ng araw. But that was fine. Matagal ko ng tinanggap ang kondisyon ko. Lalo na noong malagay sa kritikal ang buhay mo, I've made a deal with Him."

"Alam ko," sabi niya. Napupuno ng emosyon ang kanyang dibdib. Paano ba niya malilimutan ang araw na iyon? Patay na siya at ang kaluluwa niya ay susunod na sana na nakakaakit na liwanag na iyon pero pinigil siya ng tinig ni Daniel... "N-noong inire-revive ako ng mga doktor, y-you've..." Pumiyok ang boses ni Celine. Agad nanlabo ang mga mata niya dahil sa luhang namuo roon. "Y-youve traded... with God. Kahit hindi ka na maging normal, kahit hindi ka makalakad sa ilalim ng sikat ng araw basta mabuhay lang ako." How unselfish is that?

Humigpit ang yakap sa kanya ni Daniel. "I love you. Kaya kong ipagpalit ang lahat para sa inyo ni Christopher. N-nagsimulang magkaroon ng kabuluhan ang buhay ko ng dumating ka. Nagkakulay ang mundo ko. Excited akong gumising knowing that you were beside me. Suddenly my heart, my whole being, is filled with love and joy that I never knew existed. Dumating si Christopher at nadoble ang saya at pagmamahal. Mas makulay ang mundo. Mas may kabuluhan ang buhay."

"Ako man, Daniel. Ganyan din ang nararamdaman ko. We can't have it all. Pero nasa tabi ang isa't-isa, masaya ang pamilya natin. Nagmamahalan tayo. Iyon lang ang importante..."

"KAILAN ANG balik ninyo sa isla?" tanong ng kaibigan niyang si Luka. Nasa isang mall sila sa Pasay. Tapos na silang mag-shopping. Kasama niya si Christoff at ang yaya nito. Si Daniel ay hindi sumama dahil may kakatagpuin din umano itong tauhan. Kumakain na sila ngayon sa isang Korean Restaurant.

"Baka bukas," aniya. "Wala na akong speaking engagements, si Daniel naman ay malilinis na rin ang schedule so balik isla na uli kami." Madalang na humaharap si Daniel sa mga business dealings nito, maliban na lang kung importante iyon.

Tumango si Luka. Pagkuwa'y masusing tinitigan siya nito. "Look at you. Mukhang madali kang nakapag-adjust sa mundo ni Daniel. Hiyang ka, girl."

Nagkibit-balikat si Celine. "Hindi naman talaga ganoon kahirap mag-adjust," aniya.

"Yeah? Hindi mo nami-miss ang mga bagay na ginagawa mo noong wala pa si Daniel sa buhay mo? You used to be an outdoor person..." Isa si Luka sa malalapit na kaibigan na nakakaalam ng kondisyon ni Daniel. Gulat na gulat ito noong unang malaman na may Porphyria si Daniel. Pero dahil doctor din ito tulad niya ay mas madali itong nakaunawa.

"Ewan ko," natatawang tugon niya. "Ganoon siguro talaga kapag bukal sa puso mo ang ginagawa mo. Madali lang ang lahat. Makakaya mo ang lahat ng pagbabago. At hindi lang naman ako ang nag-a-adjust. Si Daniel din. Actually, pakiramdam ko nga, na-appreciate ko lang ang buhay ko noong magka-pamilya ako."

"Kunsabagay nga. Isang tulad ba naman ni Daniel ang makasama mo, sino ang gugustuhin pang lumabas ng bahay?" Kinindatan siya ni Luka. Hindi maipagkakaila ang panunudyo sa mga mata.

Celine laughs. Siyempre ay alam niya kung ano ang nais ipakahulugan ni Luka. Daniel is every inch a man. Guwapo, makisig, at talaga namang makatawag pansin ang sex appeal. Para itong diyos na kahit na sinong babae ay magkukumahog sa pagtalon sa kama nito para ialay ang sarili rito. He is an alpha male. Isang lalaki na kayang gisingin ang sensuwalidad ng sino mang babae. Taglay nito ang klase ng appeal na nagreresulta ng paglulumikot ng isipan ng mga babae. Siya man, noong unang makilala ito. Nagwala ang hormones niya para kay Daniel. Naimagine niya na inaangkin siya nito sa isang-libo at isang paraan. She imagined hin taking her, branding every inch of her with his kisses and touches.

"And look at our dear Christoff..." Anang tinig ni Luka na pumukaw sa daloy ng isipan niya. Marahang sinundot ng daliri ni Luka ang tungki ng ilong ng bata na noon ay abala sa pagsupsop sa hinlalaki nito. "My God, Ce, maraming puso ang luluha dahil sa inaanak kong ito. Daniel na Daniel!"

She silently agreed. Kamukhang-kamukha nga ni Daniel si Christopher. 

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon