Part 14

1.4K 69 0
                                    


"I've... I've found your parents. Biological parents."

Sa loob ng ilang sandali ay hindi makahuma si Celine. "A-ano?" tanong niya, sinisiguro kung tama ang narinig. Pakiramdam ni Celine ay nanlaki ang ulo niya. Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig bago hinagisan ng bomba. Cruel. Just cruel.

"I think you heard me just fine," alanganing tugon naman ni Daniel. "Ipinahanap ko ang mga magulang mo at nakita ko na sila. Sila ang pinuntahan ko kanina."

Nag-iwas ng mga mata si Celine. Sa kumpirmasyong iyon ay hindi niya alam ang mararamdaman o iisipin. Para bang namamanhid siya. Bumangon siya at nagmamadaling nagbihis.

"Sunshine..."

"B-baka nagising na si Christoff. B-babalik na ako sa mansiyon. If you're not ready yet, sumunod ka na lang," mabilis na humakbang siya paalis. Pero nahawakan siya ng asawa at sa isang iglap ay nakakulong na siya sa mga bisig nito. "B-Bitiwan mo ako," aniya.

"No. Sunsh—"

"Sabing bitiwan mo ako!" hiyaw niya bago itinulak si Daniel at nagkumawala sa presong bisig nito. Nang makaalis ay dali-daling tumakbo siya. Natutuliro. Walang partikular na deriksiyong tinutumbok. Ang gusto lang niya ay makalayo at mapag-isa.

"Celine!" sabi ng tinig ni Daniel na tila humahabol sa kanya.

Patuloy na tumakbo si Celine. Hanggang sa maramdaman niya ang pagguhit ng sakit sa mga binti niya. Napupuwersa marahil ang mga binti niya. Ang binti niya na tinaniman ng medical screws para alalayan ang mga na-damage na buto noong maaksidente siya. Bumalong ang luha sa mga mata niya; hindi batid kung para sa nasasaktang binti ang mga luha niya o sa sumasakit ding damdamin. Humina ang pagtakbo niya hanggang sa tuluyang huminto siya. Napahawak siya sa isang puno. "Ahh!" impit na hiyaw niya sa tila karayon na tumutusok sa buto niya sa paa. The pain shot thought every fiber of her being like hell. Mariing kinagat niya ang labi niya. Hanggang sa hindi niya kayanin ang pagtayo. Unti-unti siyang napaupo. fiber of her being like hell. iya sa lupa.-mage na buto noong maaksidente siya. anhid siya. BumangonAyaw paawat ng mga luha niya sa pagtulo.

"Celine!" sabi nang humahangos na tinig ni Daniel. Agad siya nitong dinaluhan at niyakap.

"Daniel..." umiiyak na isinubsob niya ang luhaang mukha sa dibdib nito.

"I'm sorry. I'm sorry," hindi magkandatutong wika nito habang pinapawi ang mga luha niya.

Muling gumuhit at tumusok ang mga tila karayom na sakit sa binti niya. Napangiwi siya. "A-ang binti ko... s-sumasakit," hindi niya napigilang hindi sabihin sa asawa ang dinadamdam. "Napuwersa yata," sabi niya at muling namalibis ang mga luha niya. Gusto niyang tadyakan ang sarili sa naging kapabayaan niya. Hindi dapat siya tumakbo na parang kabayo. Nawala sa isipan niya ang bagay na iyon dahil ang gusto lang niya ay makalayo.

"What?" Lalong bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Daniel. Kinarga siya nito. "Dadalhin kita sa hospital," anito. At hindi siya tumutol. Doktor siya at batid niyang kailangang maeksamin agad ang binti niya at maisalilim iyon sa x-ray para malaman ang pinsala at maagapan agad iyon.

Nang makarating sa mansiyon ay parang hari na nambulahaw si Daniel ng mga nagpapahingang tauhan. And everybody was jumpy. Lahat ay natataranta sa pagsunod. Get the pilot! Ihanda ang helicopter! Get Christopher! Ring the hospital! at kung ano-ano pang utos. Sa loob lamang ng kalahating oras ay nasa himpapawid na muli ang helicopter.

"Konting-tiis na lang, ha? God, I'm sorry..." ani ni Daniel na hindi binibitiwan ang palad niya.

"Hey." Inabot niya ang pisngi ng asawa at hinaplos iyon. He was so rigid. Masyado itong nag-aalala at tensiyunado. Natatakot tuloy si Celine na baka atakihin ito ng depresyon. "Huwag kang masyadong mag-alala. I will be okay. Kasalanan ko ito. I've been careless. Tumakbo ako at napuwersa ang binti ko."

Nagngalit ang bagang ni Daniel. "Hindi ka tatakbo at matutuliro kung hindi dahil sa sinabi ko. Binigla kita. Ni hindi man lang ako nagpasikot-sikot. Ni hindi man lang kita inihanda sa balita. Para bang sinukol kita at hinagisan ng bomba ng ganoon na lang. I've been cruel. Damn it. Kapag may masamang mangyari sa iyo—"

Iniharang niya ang isang daliri sa labi nito para patigilin ito sa paninisi sa sarili. "Hindi natin gusto ang nangyari. Please don't trouble yourself too much. As a matter of fact, nawala na ang kirot sa binti ko..."

Marahang tumango si Daniel. He leaned forward and planted a kiss on her head. Pagkatapos ay niyakap siya nito. Muling namalibis ang mga luha niya nang marinig niya ang malakas na pagtambol ng dibdib nito. Natatakot talaga si Daniel. Nag-aalala. And it means so much to her.

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon