Part 19

1.2K 53 1
                                    

MAGKALAPAT ang mga ngipin na ngumiwi si Daniel sa muling pagguhit ng sakit. God! It felt like hell. Pakiramdam niya ay lantang-lanta na siya dahil na-drain na lahat ng lakas ng kanyang katawan. Umungot si Christoff, kasunod ang pag-iyak.

Bumangon siya para hayaan si Celine na kunin ang kanilang anak at patahanin ito. Pero nakita niya ang luhaang mukha ng asawa. Uminit lalo ang ulo niya. "Don't cry, for Pete's sake!"

"I can't help but cry. Dahil wala akong magawa para sa 'yo," balik nito habang kinukuha ang bata.

"Damn it. Damn it," usal niya. Hindi mapigilang ikuyom ang mga kamao at ipukpok iyon sa upuan. Napaigtad si Celine na noon ay kandong-kandong ang bata at bahagyang iniuugoy. "Sorry," he said. Mariing inihilamos niya ang mga palad sa mukha bago iyon pinadaan sa sariling buhok at humigpit ang hawak roon. Napo-frustrate siya at patuloy na pinapatay ng sakit ng tiyan.

"Da—da, Da—dyyy," sabi ni Christoff. Tila gustong magpakarga sa kanya. Umungol si Daniel. Hindi niya kayang kargahan ang anak. Wala siyang lakas, baka mabitiwan lang niya ito lalo't malikot na rin ito.

"S-sorry son, daddy can't hold you now," sabi ni Celine. "Hush. Bukas na lang uli kayo maglalaro ni daddy, ha?"

Muling umalon ang sakit na halos mapasigaw na si Daniel. "Oh, God," he said and cursed under his breath. Kung puwede lang na mawalan na siya ng malay sa sandaling iyon para hindi na niya maramdaman ang sakit. Sakit na parang pumipilias sa buong pagkatao niya. The pain was so blinding.



SANA NAMAN kumain na siya ngayon, ani ni Celine sa isipan habang pumapasok sa master's bedroom, bitbit ang tray ng pagkain ng asawa. Pagkauwi nila kagabi ay humupa rin ang pananakit ng tiyan ni Daniel. Iyon nga lang matamlay ito. Walang gana. Lilipas na ang buong araw pero naroon lang ito sa kama, nakahiga pero hindi natutulog. At hindi rin kumakain si Daniel.

"Daniel," tawag-pansin niya sa asawa nang makapasok siya sa silid. Nasa kama si Daniel, ang mga mata ay nakatutuok sa kisame. Halos nangingitim na ang paligid ng mga mata nito dahil wala pang tulog. Tanging ang pang-ibabang pajama lamang ang suot nito. Inilapag niya sa mesita ang tray. "Kain na tayo. Ako ang nagluto. Paborito mo ang mga ito," masiglang pagyayaya niya.

"I can't eat," mahinang tugon nito. "Ikaw na lang ang kumain."

Lihim na bumuntong-hiningasi Celine. Mukhang mabibigo na naman siyang pakainin ito. Kapag sinabi pa namannitong 'ayaw' ay ayaw talaga. Lumapit siya sa kama, sumampa roon, at nahiga ngpatagilid, paharap sa asawa. Batid ni Celine na dapat niyang habaan ang kanyangpasensiya dahil espesyal na lalaki ang asawa niya. Isinalikop niya ang palad sapalad ng asawa. Tumagilid din ng higa si Daniel. Malamlam ang mga mata na tinitigansiya. Ni hindi siya makangiti... 

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon