Part 20

1.3K 63 0
                                    


"Gusto mong umuwi na tayo sa isla?" tanong niya.

"Are you frustrated with me right now?" balik-tanong nito, hindi sinagot ang tanong niya.

"Siyempre hindi," tugon niya. Her hand went to his face and lightly caress his check. "Baka nakakalimutan mo na doktor ako, alagad ng siyensya. Nagtungo pa nga ako ng ibang bansa at kumausap ng mga dalubhasa para mas maintindihan ko ang sakit mo." Depression is not something to joke around about. It makes some days so hard that the sufferer can't get out of bed. Nanghihina sila na malaking effort na ang maliit na paggalaw. Kaya nga karamihan ay pinalilipas na lang sa pamamagitan ng pagtulog ang nadaramang depresyon. "Don't ever think that you can't express your sadness. Hindi ka nag-iisa, Daniel. I've got your back, okay?"

"I-It was the worst feeling in the world. K-kahit na alam ko na may nagmamahal sa akin, may sumusuporta... p-pakiramdam ko ay hindi pa rin ako makaalis sa kadiliman. H-hindi ko pa rin mapilit ang sarili ko na maging masigla..."

Alam iyon ni Celine. Depression destroys you inside. Ang masama ay kapag nasanay ka na sa pag-iisa at kalungkutan at hinayaan mo na ang sarili mong malunod roon. Naisip tuloy niya ang mga taong may depression pero walang sino man ang nasa tabi ng mga ito. Walang nakakaunawa. Walang nagbibigay ng suporta at pagmamahal. May mga tao pa namang ipinagkakamali ang depression at anxiety sa 'isang masamang araw' lang kahit na hindi.

"Daniel..." Ginagap niya ang palad nito, hinagkan ang likod niyon. "Alam mong hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo na maging masigla. Just let that feelings go away."

"I don't think it ever truly goes away but you do learn to live with it. And the worst thing is when you think you're getting better or it goes away, and then it just comes back to bring you down, again and again. The best thing is having someone, having you beside me, who actually understands me. Malaking bagay ang mga yakap mo, ang ngiti, ang hawak. Malaking bagay ang pagkukuwento mo ng mga masasayang kasaysayan, iyong may mga happy ending. Malaking bagay na pinapakinggan mo ako. Higit sa lahat, malaking bagay na hindi ko ito mag-isang pinagdadaanan. Thank you."

Celine knew Depression is an emotional Cancer. Umaasa siya na sana isang araw ay bibigyang-pansin ng mga tao ang mental illness katulad ng pagbibigay-pansin sa physical illness. Hindi dahil hindi mo nakikita ibig sabihin ay hindi na iyon existing o hindi mahalaga.

"Pero, Celine, w-wala ka pang nakikita. Wala pa ito kumpara sa mga atake ng depresyon ko dati," tila nagbibigay ng babala na dagdag pa ni Daniel.

"Nakita na kitang nagkaroon ng seizure, hindi ba?" May mas malala pa ba roon? God. Ayaw na niyang alalahanin ang sandaling iyon. At ayaw na niyang maulit pa ang sandaling iyon. "Sinabi ko na sa 'yo na mahal kita sa kung sino ka. Mahal ko ang kabuuan mo. Hindi ako mapapagod, Daniel. Hindi."

Tumango lang si Daniel. "Kumain ka na."

"Please kumain ka rin. Lalo kang manghihina kung wala kang food intake. Please?" naglalambing na pakiusap niya. "For me...?"

"Wala akong panlasa." Mahinang sabi nito. "At parang may bara ang lalamunan ko. It was so hard to swallow. Kapag nakalunok naman ako hindi rin tanggapin ng sikmura ko ang pagkain. Isusuka ko rin lang 'yan." Batid iyon ni Celine kaya nga hindi niya ito mapilit na kumain. Pumikit si Daniel. "Ang gusto ko ay matulog," bulong nito. "Pero hindi naman ako makatulog. My mind is restless..."

God. Ano ba ang dapat niyang gawin maliban sa ipakita rito ang pagmamahal at suporta niya? Lilipas din naman ang pananamlay nito, kusa iyong lilipas. Kaya lang kasi mahirap para sa kanya na makita si Daniel sa ganitong sitwasyon na napakahina nito at matamlay. Umaalis lang ito ng kama kapag gagamit ng comfort room.

Umusog siya papalapit sa nakapikit na asawa. Marahang hinaplos niya ang magulong buhok nito, lalo na ang mga hibla na lumalaylay sa noo nito. Marahang humimig si Celine ng isang awitin. All Of Me. Isang kantang akmang-akma ang lyrics sa sitwasyon nila ng asawa.

Sumiksik sa kanya si Daniel. He rested his head between her neck and shoulder. Hinagkan niya ang ulo nito at iniyakap ang mga braso rito. Pagkaraan ng ilang minuto ay naramdaman ni Celine ang marahan at payapang paghinga nito. Mukhang nakatulog na si Daniel. Napangiti si Celine. Salamat sa Diyos at makakapagpahinga na ang kanyang asawa. Sana paggising ni Daniel bukas ay maayos na ang pakiramdam nito. Sana...

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon