Part 34

1.2K 64 0
                                    


"Panaginip lang iyon."

Kumalma siya. Pagkauwa'y nanlaki ang mga mata nang mapagtanto niya na may dinaramdam nga pala si Daniel. Kumuha ng distansiya si Celine at hinaplos ang mukha nito, sinuri ang nakapalibot na aura. Daniel is back. Iyon nga lang, matamlay ito.

Hinuli ni Daniel ang palad niya na humahaplos sa pisngi nito at hinawakan iyon. "W-what happened?" Nasa anyo nito ang pag-aatubili. "Bu—Bukod sa p-pagwawala ay ano-ano pa ang mga ginawa ko?"

Naumid ang dila ni Celine. Dapat ba niyang sabihin sa asawa pinuwersa siya nito? Na natagpuan niya itong walang-saplot na nangangaligkig sa ilalim ng ulan, kulog, at kidlat na para bang hindi alam ang ginagawa? "N-nothing that scares me," pagkakaila niya. "Nilagnat ka kagabi. Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon?"

"Nanghihina hindi lamang katawan ko. P-parang pati isipan ko ay walang lakas." Poor Daniel... "Did I hurt you?" malamlam ang mga mata na usisa pa rin nito. Halatang hindi ito matahimik. Naitanong tuloy ni Celine kung lagi bang ganoon ang asawa: hindi matandaan ang ilang ginagawa kapag inaatake. "Did I frightened you? Gumawa ba ako ng mga bagay na nagdulot ng takot sa 'yo?" dagdag tanong pa nito.

"N-no," aniya sabay iling. Pero oo, natakot nga siya. Nakadama ng maliit na takot sa ginawa ni Daniel. Sino ba ang hindi matatakot? "No."

Daniel's eyes wavered. "Nagsisinungaling ka... Ito," Itinaas nito ang braso niya kung saan halata ang ilang pasa. "Ako ang may gawa nito, hindi ba? I fucking hurt you," kumislap sa galit ang kanina ay matamlay na mga mata ni Daniel. Naalarma si Celine. Hindi sa kanya nagagalit si Daniel kundi sa sarili. "Ano'ng ginawa ko, Celine? Did I hit you?" gigil nitong tanong. "Did I fucking hit you?!" mataas ang tinig na tanong nito.

Nanginig ang labi ni Celine. Nanlabo ang mga mata niya, kasunod niyon ang pag-agos ng luha niya. Mabilis naman niya iyong pinahid. Baka lalong ma-upset si Daniel sa pag-iyak niya. Umiling siya. "You...you d-didn't hit me. Hindi mo iyon magagawa sa akin, Daniel."

"I forced you." Sa pagkakataong iyon ay hindi patanong ang pagkakausal ni Daniel. He said it as a matter of fact. Bumangon si Daniel, naupo sa gilid ng kama. Ang kamao ay mariin ang pagkakakuyom. "Ilang beses? Isa? Dalawa? Tatlo?" Sa diin ng pagsasalita ni Daniel tila ba gagawa ito ng bagay na makakasakit sa sarili nito. Paparusahan nito ang sarili dahil sa ginawa sa kanya. At hindi iyon mapapayagan ni Celine.

Agad nakadalo si Celine. Niyakap ito mula sa likuran, isinubsob ang mukha sa likod nito. Hindi malaman ni Celine ang sasabihin. Ah! Ano nga ba ang dapat usalin sa sandaling iyon? Sabihin rito na ayos lang? Na nauunawaan niya ang lahat? Bumaba si Celine sa kama. Hinarap niya si Daniel, naupo siya sa pagitan ng nakabukang mga hita nito. Sinapo ni Celine ang mukha ni Daniel. Tensiyunado ang panga sa galit. Ang labi ay tiim. Salubong ang mga kilay. Iniiwasan nito na tingnan siya. "H-hey..." basag ang tinig na sinubukang hulihin ang mga mata ng asawa. Nagtagumpay naman siya. "Mahal kita? Narinig mo? Mahal kita at hinding-hindi mo ako matatakot sa mga ganoong bagay. I love you, Daniel," aniya bago inangkin ang labi nito. Ang pagmamatigas ni Daniel ay natunaw sa halik niya. Tinanggap nito ang uhaw na labi niya at tumugon sa kaparehong intensidad.

Sinapo rin ni Daniel sa mga palad nito ang mukha niya. "Even if I love you, even if you mean the world to me, even if you're my life mauunawan ko kung... kung hindi mo matatagalan ang isang tulad ko." Kumislap sa luha ang mga mata ni Daniel. "M-mauunawaan ko kung g-gusto mong umalis at iwan ang madilim kong mundo. H-hindi ako magagalit sa 'yo kung iiwan mo na ako. I am a complicated case, after all. Hindi na ito dapat maulit. Handa akong palayain ka—"

Umiling siya. "Tumigil ka, Daniel!" matataas ang tinig na sighal niya sa asawa. "Iyan na ang huling pagkakataon na sasabihin mo iyan. Ayaw ko ng marinig pa iyan, naiintindihan mo? Bakit ano'ng palagay mo sa akin? Tatakbo palayo sa mga pagsubok sa pagsasama natin?" marahas na pinahid niya ang mga luha niya. "Sapalagay mo, parang switch ang pagmamahal ko? Na naka-on kapag okay ka, at naka-off kapag dumaranas ka ng episode? You're underestimating me," emosyonal niyang wika. Ang sakit at pagdaramdam na naranasan niya kagabi ay hindi niya makapa sa kanyang dibdib. "I love you. Mahal kita ng buo, mahal ko ang buo mong pagkatao. Don't push me away." Nalaglag ang mga butil ng luha ni Daniel. Pinahid iyon ni Celine. Masyadong insecure si Daniel kaya nasasabi nito ang mga bagay na iyon. "Makinig ka sa akin, okay? Magpalakas ka para makaluwas na tayo ng Maynila at ng... at ng makilala mo na ang panganay mo. Sasamahan kita, Daniel. Narinig mo? Sasamahan ka namin ni Christopher."

Nanginig ang labi ni Daniel. "P-paano kung... paano kung hindi umayos ang lahat?"

"Don't think too much." Masyadong nag-iisip si Daniel kaya siguro ito inatake. "Kinontak ka ni Ciara, ibig sabihin ay gusto niyang magkaroon ka ng papel sa buhay ng anak ninyo. Everything will be all right." Hinagkan niya ang noo nito at niyakap. Makaraan ang ilang sandali ay bumitiw din siya. "Ikukuha kita ng mainit na sabaw, ha?"

"Hindi ako makakakain. Mamaya na lang siguro." Bumalik si Daniel sa paghiga at pumikit. Ipinatong nito ang isang braso sa ibabaw ng noo.

Nakakaunawang tumango siya. "Alam ko na. You wanna see your son and kiss him good morning? Gusto mong kunin ko si Christopher? Alam mong mahal na mahal ka ni Christoff..."

Nagmulat ng mga mata si Daniel. Gumuhit ang manipis na ngiti sa labi. Sumungaw ang pananabik sa anak. "Please," anito.

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon