Part 39

1.1K 57 1
                                    


ONE MONTH LATER

"SUNSHINE?" sabi ng tinig ni Daniel kasabay ng katok sa pintuan ng library. Mabilis na tumayo si Celine at tinungo ang pinto.

"Yes, love?" malakas na tugon niya, hindi nag-abalang buksan ang pintuan. Nakita niya ang paggalaw ng seradura ng pintuan. Mukhang sinusubukan nitong buksan ang pintuan.

"Bakit kailangan mong mag-lock? Ano ba ang ginagawa mo d'yan? Are you okay?" sunod-sunod na tanong ni Daniel. He seemed curious and concerned. "Open the door," utos nito.

Inalis niya sa pagkaka-lock ang pinto at binuksan iyon, sapat lamang para ilabas ang kanyang ulo. Inikutan niya ng mga mata ang asawa. "Nagpaalam ako na may gagawin ako, right? At sinabi ko rin na ayokong maistorbo. Na puwede lang akong istorbuhin kung tungkol sa mga bata o kaya may importante kang kailangan sa akin. So, honey, may kailangan ka ba, o ang mga bata?"

Hindi nito sinagot ang tanong niya. "Ano ba ang pinagkakaabalahan mo diyan?" Balik-tanong nito habang sinusubukan ni Daniel na sumilip sa loob pero tumatawang hinarangan at pinigilan niya ito.

"Wala. Huwag kang sumilip," aniya. She's actually busy doing some surprises for him.

"Celine," anito, and gave her a straight face. Tila ba sinisindak siya. Pero tinaawanan lang niya ang asawa. And then she burst into uncontrollable laughter when Daniel made faces. Kung ano-anong facial expression ang ginawa nito. "What are you doing? Let me take a peek, please---e?" pangungulit nito, nagmamakaawa ang mukha. Ah! There's still so much kid in this man. Marami pa rin siyang nadidikubre na ka- inlove in love sa asawa. Sa paglipas ng mga araw ay lalo lang siyang nahuhulog rito.

Natatawang lumabas siya ng silid, isinara niya ang pinto bago yumakap sa asawa. Tiningala niya ito. "Alis na. Iniistorbo mo ako," nakalabing wika niya.

Daniel chuckled. He cupped her face with his hands and planted a kiss on her lips. "Actually, dinalhan lang kita meryenda. There." Iminuwestra nito ang tray na nakapatong sa stand na nasa gilid ng pintuan. Hindi niya iyo napansin. There are sandwiches, juice, and a bowl of mixed nuts. "Baka kako nalilipasan ka na ng gutom sa sobrang busy mo."

"Ahhh," touched na wika niya. "Thank you!"

"And I missed you," mahinang sabi nito habang nakatitig sa kanya.

Tumaas ang sulok ng labi niya. "You missed me, huh? Ilang oras pa lang tayong hindi nagkikita."

"Oh, dearest," niyakap siya nito ng mahigpit. "Alam mong hangga't maaari ay ayaw kitang alisin sa paningin ko."

Kinikilig si Celine. Her heart was dancing. Para siyang nakarinig ng musika sa sinabi ng asawa. Masyadong vocal si Daniel sa damdamin nito sa kanya and she loves it to her core. Malaking bagay na hindi lamang ipinaparamdam ni Daniel ang pagmamahal nito kundi inuusal. It was priceless.



SA WAKAS ay natapos na rin ni Celine ang ginagawa. Kuntentong pinagmasdan niya ang malaking glass jar na may nakasulat na 'I love you because...' Sa loob ng jar ay may mga makukulay na binilot na maliliit na papel. Sa bawat papel na iyon nakasulat ang mga kadugtong ng 'I love you because...' Hindi makapaniwala si Celine sa dami ng nagawa niya. Napuno niya ang malaking glass jar. I guess hindi talaga ako mauubusan ng dahilan kung bakit mahal ko si Daniel... Siguradong maa-appreciate iyon ng asawa dahil pinaghirapan niya iyon ng husto. Ah, oras na para ibigay ito sa kanya. Hindi na siya makapaghintay sa magiging reaksiyon nito. Yakap sa isang braso ang glass jar, binuksan ni Celine ang pinto at lumabas. Para lamang mapasinghap sa nakita. There lays a trail of rose petals!

She bit her lower lip. Pero hindi niya napigilan ang pagguhit ng ngiti. "Ang lalaking iyon talaga o," kinikilig na usal niya. Naglakad siya sa nakasabog ng rose petals. Hula niya ay patungo iyon sa kanilang silid. At hindi nga siya nagkamali dahil doon siya humantong. She giggled. Ano kaya ang nasa loob ng silid namin? More roses? Or, maybe Daniel is planning to give me a strip tease, or a lap dance perhaps? Natawa siya sa huling naisip. Ipinasya niyang buksan na ang pinto, dahan-dahan.

Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Tama siya, marami ngang roses. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang isang tila romantic dinner table. Si Daniel ay nakahilata sa kama. Tila ba nainip na ito sa kahihintay sa kanya kaya ibinagsak na ang sarili sa kama kaya ang resulta ay nagulo ang kung anong inayos nito sa ibabaw ng kama gamit ang mga rose petals. Pero na-trace pa rin ang hugis ng puso na ginawa gamit ang mga petals. Agad bumangon si Daniel ng makita siya.

Nakasimangot ito, or at least iyon ang gusto nitong ipakita dahil gusto nitong maglambing siya rito. Pagbibigyan niya ang asawa. Nilapitan niya ito. Iniabot rito ang bitbit niyang glass jar.

"Ano 'yan?" animo walang ganang tanong nito. "Napanis na ako kahihintay. Lumamig na ang dinner, at---" natigilan ito at hindi nakaligtas sa kanya ang dumaang emosyon sa mga mata nito nang makita at mabasa ang nakasulat sa jar.

"Ito? Hmm. Ito lang naman yong pinagkaabalahan ko. See?" Itinuro niya ang nakasulat sa jar. "Wanna know some of the reasons why I love you?" Binuksan niya ang takip ng jar at kumuha ng isang nakabilog na papel. Binasa niya iyon. "I love you because..." hindi niya naituloy ang pagbabasa. Ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya. Bakit iyon pa ang nabunot niya? Iyong isa sa mga pilyo at sexy na salita? Kunsabay, marami-rami rin yata siyang nagawa na tungkol sa sex at sexuality.

Daniel got curious. "Because...?" Ang masama niyan, naging pilyo na ang ekspresyon ng mukha nito. Tila ba dahil sa pamumula ng pisngi niya ay nabasa na agad nito ang tumatakbo sa kanyang isipan. "You love me because...?"

Inabot niya rito ang maliit na papel. "Ikaw na ang magbasa."

Nakataas ang sulok ng labi na umiling ito. "Read it," nakangising wika nito bago kinuha mula sa kanya ang glass jar.

Lumunok siya. Tumikhim at sinalubong ang pilyong tingin nito, "...because you're insanely big. Damn."

Hindi tumawa si Daniel. Sa halip ay binitiwan nito ang glass jar bago mabilis na sinakop ang distansiyang nakapagitan sa kanila. And then he kiss her, hot and passionately. 

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon