Part 42

1.1K 46 0
                                    

"SUNSHINE, come on, samahan mo na ako," anang baritonong tinig ni Daniel na humahalo sa lagaslas ng tubig sa banyo. Naliligo ito.

"Ikaw na lang. Mabigat ang pakiramdam ko," aniya bago ibinagsak ang sarili sa kama.

Mabilis na nakalabas ng shower room ang kanyang asawa. "Ano'ng ibig mong sabihin na mabigat ang pakiramdam mo? Are you sick?" nag-aalalang tanong nito.

"Daniel," bulalas niya sa hitsura ng asawa. Wala ito ni isang saplot sa katawan maliban sa mga bula na nakakapit sa buhok nito. Ni wala itong pakialam sa tubig na bumabasa sa carpet. Napabangon tuloy siya at pinagmasdan ang kahubdan ng asawa. "Hell..." usal niya sa kakisigang iyon. Parang biglang nawala ang pananamlay niya. Georgeous face, well-define set of strong shoulders and arms, and oh boy, that chiseled-to-perfection torso... And of course, that huge piece of heaven between his thighs. Umaakto siya na para bang iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ang kahubdan ng asawa. He was perfection. Isang obra maestro na kahangang-hanga ang bawat anggulo, hugit, at kurba. "Oh, fuck..."

Daniel, seeing her reaction, chuckled in amusement. "Oh, wife, huwag mo akong i-distract."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Ako pa ngayon ang nangdi-distract?"

"Yes. Because your stare is making me... hard."

She laughs. Ah. Kagabi lang sa yate ay paulit-ulit silang nagniig tapos ngayon ay nagrereact sila na animo miss na miss nila ang isa't-isa. Para silang nag-honeymoon sa yate. Kinantahan at tinugtugan siya ng piano ni Daniel, kumain sila, nagsayaw, nahiga sa top deck ng yate at pinanuood ang mga bituin. Nagkuwentuhan. Nagswimming. Nagniig. Ginawa ni Daniel na perpekto ang gabi nila. Hayan tuloy, mula pa kagabi ay iniisip niya kung anong espesyal na sorpresa kaya ang puwede niyang iganti sa asawa.

Naupo si Daniel sa gilid ng kama. "Daniel, mababasa pati ang kama. Basa na nga ang carpet." Kunwa ay sita niya.

"The hell I care with the bed or with anything." Dinama nito ang kanyang noo. "Sunshine, masama ba ang pakiramdam mo? Mainit ka." Hinablot ni Daniel ang roba nito at isinuot iyon bago siya tinabihan. "Doctor wife, baka kailangan mo ng doctor. Lumuwas tayo."

Natawa siya. "Mainit ang dama mo sa akin kasi basa ka. Okay lang ako. My period is coming kaya mabigat ang katawan ko." Ngumisi siya. "PMS."

"Oh. Hmm. Gustong-gusto mong kumain kapag parating na ang monthly period mo. Any food cravings now? Tell me. Ano ang gusto mong kainin? Chocolates? Fruits? Salads? Or, just hot soup?"

Tumaas ang sulok ng labi niya. Natuwa siya sa narinig. "Napansin mo ang bagay na iyon?"

"Siyempre," tugon ni Daniel. "You're my better half, I know you. Napapansin ko ang lahat, kahit ang pinakamumunting kilos mo. I love watching you, hindi mo ba alam? Ang mga mumunting galaw mo... mga mannerisms... mga bagay na gusto mo at ayaw mo..."

"I'm touched," aniya. "Deeply touched."

"Pero sa totoo lang, may mga pagkakataon na hindi kita mabasa. Hindi ko malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan mo, o kung ano ang gagawin mo. Hindi ka predictable. You're so unique. So full of surprises and flavors... And I just love you. Love the way you are. Wala akong babaguhin ni isa mang bagay sa pagkatao mo. Ganito ba talaga ang pagmamahal?"

Nakagat ni Celine ang labi niya dahil sa kilig. Batid niya na sumusungaw sa mga mata niya ang tuwa. "Marami ng sumubok na ipaliwanag kung ano ba talaga ang pagmamahal. Pero kapag sila mismo ang nakaranas ng pagmamahal, they were suddenly lost of words. Love became unexplainable and mysterious... Jeez—hindi ka ba nilalamig? Tapusin mo na muna ang paliligo mo."

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon