Part 41

1.2K 49 0
                                    

KUNTENTONG pinagmamasdan ni Celine ang mga anak na sina Hugo at Christopher. Naroon sila sa playroom—ang napakalawak na silid sa mansiyon kung saan napakaraming mga laruan na child-friendly. Parang tindahan na nga ng mga laruan ang silid na iyon. Hapon na niyon, kagigising lang ng mga bata at mataas ang enerhiya para maglaro. Si Daniel ay nasa library at abala sa pagbabasa ng ilang papeles.

"Hugo, kiss mommy," ani ni Celine kay Hugo bago inilapit sa bata ang kanyang pisngi. Nanghaba naman ang nguso ng bata at dinampian ng halik ang kanyang pisngi. Lumawak ang ngiti niya. Sa pagkamangha niya, kahit sa napakaikling panhaon, ay napalapit agad sa puso niya si Hugo. Bungisngis kasi ang bata. Masayahin. Noong mga unang araw lang ito nagligalig pero agad ding nakapag-adjust. Ang mas nakapagpapamangha sa kanya ay ang pagkaaliw ni Hugo kay Christopher. He likes being with Christoff. Pakiramdam nga niya ay masuwerte si Christoff dahil nagkaroon ito ng big brother sa katauhan ni Hugo.

Hanggang sa magulat na lang siya nang dumilim ang kanyang paningin. Someone put a blindfold on her. "Hey," bulalas niya. Hindi siya nagpanic. Paano ay agad nanuot sa ilong niya ang amoy ng taong nagsuot sa kanya ng blindfold, si Daniel. Tumaas ang kamay niya at inapuhap ang ulo nito. "Ano'ng ginagawa mo, handsome?"

Tumawa si Daniel. Matunog ang halik na ikinintal nito sa kanyang pisngi. "May sorpresa ako sa 'yo," anito.

"Anong sorpre—Ayy!" tila niya nang umangat ang katawan niya sa lupa, binuhat siya ni Daniel. Otomatik na ipinulupot niya ang mga braso sa batok nito. "Ang mga bata," natatawang wika niya.

"Narito na ang mga yaya nila. Don't worry." Naramdaman niya nang humakbang na ang asawa. "Excited ka ba?"

"Oo. Akala ko ay busy ka sa mga papeles?" tanong niya.

"I was. Kilala mo ako, kaya kong mag-multi-task."

"Right," pagsang-ayon niya. O kaya naman, kahit hindi ito mismo ang mag-asikaso ay magiging posible pa rin ang ano mang sorpresa nito. Ang kailangan lang nitong gawin ay mag-utos at lahat ay susunod. Oo, lahat ay tarantang susunod sa nais na mangyari ng isang Daniel Cavelli. "Daniel nasaan na tayo? Nasa labas ba tayo ng mansiyon?" naitanong niya nang nagiging matagal yata ang paglalakad ni Daniel. Isa pa ay naaamoy niya ang hanging-dagat. "Is the sun already set? Ibaba mo na ako. Kaya ko namang maglaka—"

Daniel silenced her with a hot kiss.



BAGAMAN may piring ang mga mata, ramdam ni Celine ang mga nangyayari. Sumakay nga sila ng motorboat. Pagkaraan ng tantiya niya ay dalawang minuto ay tumigil ang pag-andar ng makina ng bangka. Binuhat siya muli ni Daniel, naglakad ito. Ang pinakamalapit na isla sa kanila ay may layong tatlumpong minuto kung sasakay ng pump boat. Kaya ang hula ni Celine ay nasa yate sila. Sa yate na iniregalo at ipinangalan sa kanya ng asawa. Nakumpirma niya ang hinala na nasa yate nga sila nang tila umakyat sila ng hagdan.

"Narito na tayo," ani ni Daniel bago dahan-dahan siya nitong ibinaba. Pagkuwa'y pumosisyon ito sa kanyang likod. "Handa ka na?"

"Oo."

Inalis ni Daniel ang piring niya. Ang unang sumalubong sa kanyang paningin ay ang napakaraming bulaklak. Tama siya, nasa yate nga sila. Nang igala niya ang paningin ay napansin niya ang isang pandalawahang-tao na mesa. Inayos iyon para sa isang romantic dinner. Sa isang panig ng yate ay may piano. Lumawak ang ngiti niya. Payapa ang dagat at kapansin-pansin sa kabilang dako-roon ang kulay kahel na isinabog ng lumubog na araw. The setting was indeed romatic. "Wow," usal niya bago nilingon ang asawa.

"A simple treat for my lovely wife." May hawak itong tangkay ng bulaklak na tila orchids. Maingat na isiningit iyon ni Daniel sa kanyang tainga bago dinampian nito ng halik ang kanyang noo.

Yumakap siya rito. "I love it. Thank you."

"Anything for you, my Sunhine," anito. "Halika," inalalayan siya nito patungo sa may piano. Gusto mong maupo, or dito ka sa harap?"

"Dito na lang ako sa harap. Gusto kitang makita," tugon niya. Daniel could play piano well. Noong unang masaksihan niya ito na tumutugtog ng piano ay lalo yata siyang na- in love sa asawa. Nakakamangha kasi ang husay nito, lalo na ang emosyong ipinapaloob nito sa bawat tugtog. And, yes, pakiramdam niya ay lalo pa yatang nag-umapaw ang sex appeal ni Daniel dahil roon.

"Okay." Inukopa ni Daniel ang upuan. Siya ay ipinatong ang siko sa piano at sinalo ang kanyang mukha sa mga palad, lovingly watching her husband. Ipinatong ni Daniel ang mga daliri sa keys ng piano. Pagkatapos ay napakasuwabeng gumalaw ng mga daliring iyon. Tila may sariling buhay ang malalambot na daliring iyon at perpekto ang koordinasyon.

Daniel's feeling the song. Bahagya itong nakapikit at mahinang iginagalaw ang ulo. Nagsimulang umihip ang hangin, inilipad-lipad niyon ang buhok niya at ng asawa. Gamit ang isang kamay, tinipon niya ang sa kanya. Ayaw niyang magkaroon ng abala sa panonood niya sa asawa. God! But he was so beautiful. So mesmerizing. Kaninong puso ba naman ang hindi matutunaw sa isang Daniel Cavelli—The man that was sinfully gorgeous and oozing with sex appeal? The man with powerful, naughty eyes and wicked, luscious lips. Ah! Hindi niya masisisi ang sarili kung bakit bukod sa mahal niya ito ay pinagnanasaan pa.

Nag-angat ito ng ulo at hinuli ang kanyang paningin. Halos mapalunok siya sa emosyong nakasungaw roon. Pagmamahal. Pagmamahal ni Daniel para sa kanya. At masidhi ang emosyong iyon. "What would I do without your smart mouth? Drawing me in, and you kicking me out..." Literal na dumaan ang kilabot sa katawan ni Celine at nanindig ang kanyang balahibo sa napakalamig at maemosyong pag-awit ng asawa. Kumakanta si Daniel mula sa puso nito at ramdam na ramdam niya iyon. Oh, goodness! She was completely under the spell of those powerful eyes. "You've got my head spinning, no kidding, I can't pin you down. What's going on in that beautiful mind. I'm on your magical mystery ride. And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright..."

Hindi napigilan ni Celine ang sarili at lumigid siya sa puwesto ng asawa. Si Daniel ay hindi pinuputol ang koneksyon ng mga mata nila. Celine swallowed hard. Yumuko siya at walang pag-aalinlangan na iangkin ang labi ng asawa. She was so turned on and there was no stopping her now.

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon