Part 48

1.2K 51 0
                                    

NAALIMPUNGATAN si Celine sa paggalaw ng kama. Si Daniel pababa ng kama. Agad nagising ang diwa niya. Nagmulat siya ng mga mata. Sa malamlam na liwanag ng night lamp, nakita niya ng pumasok ito ng built-in cabinet. Paglabas ay may suot na itong pantalon at akmang isinusuot ang isang polo shirt. "Hey," pagkuha niya sa atensiyon nito. Itinaas niya ang isang kamay, pinalalapit ito sa kanya.

Si Daniel, nang makitang gising siya, ay agad nakasampa ng kama. "Hey." Yumuko ito at dinampian ng halik ang noo niya. "Magaan na nga akong gumalaw at kumilos, nagising ka pa."

She gave him a light smile. "Ganoon siguro talaga kapag sanay na kang yakap at katabi ng mahal mo," tugon niya. Natutuwa siya na masaya na mukhang lumipas na ang atake ni Daniel. He seemed all right. Mabilis na sinulyapan niya ang wall clock at nakita niyang alas kuwatro na ng umaga.

"How do you feel?" nag-aalalang tanong nito, sinusuklay ng mga daliri ang buhok niya. Hindi maitago ang pag-aalala sa guwapong mukha. "A-about last night? Are you hurt? Sore?"

Itinaas niya ang isang palad, idinampi sa labi ng asawa ang hintuturo bago marahang hinaplos ang labi nito. "I am fine," paggarantiya niya rito. Bagaman, oo, masakit nga ang katawan niya. And she was a liitle sore. Papaanong hindi gayung walang kapaguran na inangkin siya ni Daniel. Mula sa masikip na sasakyan hanggang sa parking lot, sa elevator, at sa bawat sulok ng silid nila. Aaminin niya, marahas si Daniel. He was wild, undecisive, and dominant. Tama ito sa babalang ibinigay sa kanya na may mga pagkakataon nga na ang sariling kaligayahan lang nito ang iniintindi. Bagaman may mga pagkakataon na passionate ito. He took her tirelessly, sex after sex, fuck after fuck. Lovemaking after lovemaking. Naghalo ang mga pawis nila, nagsanib ang mga ungol, nag-isa ang mga katawan. Hindi siya makapaniwala sa tagal, lakas, at haba ng resistensiya ni Daniel. He was always hard and hungry. "Medyo masakit ang katawan ko, oo. And I'm also a little sore, yes. But aside from that, I am perfectly fine, Daniel. Perfectly fine." Mula sa hinahaplos na labi, pumaloob ang palad niya sa buhok ng asawa sa likod ng ulo nito. "Masaya akong hindi mo idinistansiya sa akin ang sarili mo. I love you. You and your imperfections," aniya.

Kumislap sa pagmamahal at kasiyahan ang mga mata ni Daniel. "I... I don't know what else to say. Hindi ko mahanap ang tamang salita para ipahayag ang damdamin ko."

"Kahit simpleng 'I love you' ay okay na," nakangiting tugon niya.

"Oh, Sunshine..." Daniel's lips quivered. Namula ang mga mata nito sa pagbabanta ng luha. "I love you. I love you so much," puno ng pagmamahal na usal nito. Tumagos iyon sa puso ni Celine. Tumagos hanggang kaluluwa niya. Maaaring kumplikadong tao ang kanyang asawa pero kailanman ay hinding-hindi matatawaran ang pagmamahal nito sa kanya.

"I love you, too. Oh," Si Lino nga pala! Bumangon siya at hinagilap ang cellphone niya.

"Pinakialaman ko ang cell phone mo. Alam kung sa 'yo muna sila mag-uulat," sabi ni Daniel.

"At...?" kinakabahan niyang tanong.

Nag-iwas ng paningin si Daniel. "W-walang balita. Walang text, ni miscall. K-kaya nga pupunta na ako sa hospital."

Mabilis siyang bumangon. "Magbibihis lang ako. Puntahan natin siya."

"No, Sunshine. Ako na lang. Manatili ka na lang rito at magpahinga." Nilingon niya ito at tinaasan lang ng kilay ang asawa. Natatawang napakamot ng ulo si Daniel. "Sabi ko na nga ba at hindi ka magpapaawat."

She grinned. "Kaya balak mong umalis na lang habang tulog pa ako?"

Simpatikong ngumiti ito. "Yes, sorry. Pagkatapos kasi ng nangyari kagabi, akala ko ay hindi mo kakayaning lumakad man lang," pilyong sabi nito. "I rocked your world, remember?" Sinisikap magbiro ni Daniel kahit puno ng pag-aalala ang puso nito para sa kaibigan.

"Baliw," pagsakay naman niya bago pumasok sa built-in cabinet.

"Baliw sa 'yo," pahabol na tugon naman ni Daniel. Maluwang ang ngiti na napailing na lang si Celine. Pagkuwa'y tahimik na umusal siya ng panalangin at pasasalamat para kay Lino at sa mabilis lamang na episode ng depresyon ni Daniel.

"TATAWAGAN ko mamaya si Nanay at pakikiusapan sila na pumarito muna para siyang tumingin sa mga bata habang nasa hospital tayo," ani ni Celine. Nakapagbihis na siya at handa na. "Or, ang mga bata muna ang ihabilin natin sa kanila tutal matagal na rin nilang gustong hiramin ang mga bata."

"Oo, sang-ayon ako. Please, do that," ani Daniel. "Mas mapapanatag ang loob natin kung may kapamilya na kasama ang mga bata kesa sa mga yaya lang. Handa ka na?"

"Oo. Tayo n—" natigilan si Celine. Napatingin siya sa mukha ni Daniel. "Narinig mo iyon?" Ang narinig na paglagabog at tila pagtili ang tinutukoy niya.

Hindi sumagot si Daniel. Ang hintuturo nito ay inilapat sa nakatikom na bibig sa aktong pinatatahimik siya. Marahang tinungo ni Daniel ang salansan ng ilang libro. May iniangat itong isang libro at sa isang iglap ay umabante ang isang partisyon ng rack. Tila sekretong drawer iyon. Mula roon ay nakita niyang may dinampot si Daniel. Baril. Natutop ni Celine ang bibig. Hindi niya alam ang tungkol sa sekretong drawer na iyon. Pero hindi iyon ang panahon para mag-usisa siya lalo pa at naulinigan nila ang pag-iyak ni Christopher.

"Tawagan mo ang security nitong building," utos sa kanya ni Daniel. Ginawa niya. Pero mukhang may problema sa linya ng telepono. Sinubukan niyang tumawag gamit ang cell phone.

"Walang signal," aniya. "Daniel, umiiyak si Christopher," nag-aalalang wika niya. Naalala niya ang mga monitor sa silid ng mga bata at sa labas ng silid nila. Walang lumabas sa CCTV ng sala at sa iba pang CCTV. Pero natutop niya ang bibig ng sa monitor ng silid ng mga bata ay bumulaga roon ang dalawang yaya na nakatali at may busal sa bibig. Umiiyak ang mga ito. "G-God... Daniel..." May nanloob sa kanila, iyon ang malinaw. Sinabotahe ang mga CCTV para hindi nila makita ang mga nangyayari sa labas ng silid. "A-ang mga bata. A-ang mga anak natin..." hintakot na bulalas niya.

Tiim ang bagang ni Daniel. "Manatili ka lang dito," anito bago tinungo nito ang pinto. Dahan-dahang binuksan iyon at...

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon