Part 57-ending

3K 206 48
                                    

EPILOGUE

NAPAPAILING na lang si Celine sa sarili. She can't help but stare, admire, and drool over Daniel—her alpha male husband.

Naroon sila sa isang parang sa isla. Pahapon pa lang. At, oo, may sikat pa ng araw. Pero hindi nakahadlang ang sikat ng araw para hindi nila i-enjoy ang oras na iyon. They were spending quality time with their kids. Ang mga bata ay naglalaro at panay habol sa mga tutubi na dumadapo sa mumunting damo at bulaklak. Sila ni Daniel ay naroon sa malaking open chalet, doon nakasilong. Si Daniel ay nag-iihaw ng barbeque, hotdogs, at kung ano-ano. Siya ay nakasunod ang paningin sa mga bata. Na paminsan-minsan ay binabato din niya ng sulyap ang asawa. Damn but he's getting more gorgeous each day. He's getting hotter than ever. Tulad na lang ng oras na iyon na nakasuot lamang ito ng kaswal na puting pang-itaas at shorts. Nakatalikod ito sa kanya but, oh, boy... the broad back, the powerful set of shoulder, the round and firm butt, the strong set of long legs... Napapabuntong-hininga na lang si Celine sa paghanga.

"You are staring," narinig niyang wika ni Daniel. Walang pag-aakusa ang tinig nito bagkus ay amusement ang naroon. "Nararamdaman ko. Tumatagos ang titig mo, Sunshine."

Natawa siya. "Because you are so hot!" tugon niya.

Daniel chuckled. Binitiwan nito ang hawak na tongs at humarap sa kanya. He smiled at her. Pagkuwa'y nilapitan siya, sinapo sa mga palad nito ang mukha niya. Tinitigan siya. Oh, that stare. That heart-warming kind of stare. "Have I told you lately that I love you?" seryosong tanong nito.

Napahagikhik siya. "Sa pagkakatanda ko, kasasabi mo lang kanina. Mga isang oras na ang nakakaraan."

"I love you," usal nito. Hahagkan na sana siya ni Daniel nang marinig nila ang pag-iyak ng isang matinis na tinig. Pareho silang napalingon ni Daniel sa kinaroroonan ng mga bata.

It turned out na nadapa si Elizabeth o Eliz, ang kanilang tatlong taung gulang na bunsong anak. Yes. Biniyayaan uli sila ng isa pang anak. Isang babae. Isang mala-anghel na batang babae.

Si Hugo at Christoff ay tinakbo ang kinaroroonan ni Eliz at tinulungan itong tumayo, "It's okay, it's okay..." pag-alo ni Hugo habang pinapagpagan pa ang bistida ng kapatid. Si Christoff ay pinahid naman ang luha ng kapatid bago ibinigay rito ang nahuling tutubi.

Nagkatingin sila ni Daniel at kuntentong ngumiti. Isinandig ni Celine ang likod sa dibdib ng asawa. Otomatiko naman na iniyakap ni Daniel ang mga bisig nito sa kanya. Ah, ito ang kanilang masayang pamilya.

Napapikit siya ng maramdaman ang dampi ng halik ng asawa sa kanyang ulo. Humigpit ang yakap ni Daniel sa kanya. "Sunshine. You're my sunshine... you're my love, my life, my home, my everything. Salamat at dumating ka sa kumplikadong buhay ko. Ikaw lang hanggang sa huli, Sunshine."

"Ikaw lang hanggang sa huli, Daniel. Ikaw lang..."

Six years had passed. Anim taon na silang nagsasama. May mga atake pa rin si Daniel, mga atakeng hindi na niya mabilang, pero sa lahat ng pagkakataon ay nasa tabi lang siya ng asawa. Magkasama at hawak-kamay nilang hinaharap ang mga pagsubok. Lino is married now. Marc and Riza has four kids already. Si Hugo ay legal na nilang inampon. Siya ay hindi na lamang Responsable Driving ang advocacy, nagpapalaganap na rin siya ng awareness tungkol sa depression. Ginawa na rin niyang misyon na lumawak ang kaalaman ng mga tao tungkol sa mental illness. At, oo, gumaling na rin ng tuluyan ang mga binti niya kaya madalas na rin silang maghabulan ni Daniel sa tabing-dagat kapag maliwanag ang buwan.

"Daniel...?" Suminghot-singhot siya. "Ang iniihaw mo?"

"Oh!" Mabilis na binalikan nito ang iniihaw. "Opps! Sunog na ang hotdog. Ikaw kasi eh..."

"Ako?" natatawang tanong niya. Nilapitan niya ito. Niyakap mula sa likuran. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat nito. And then she tease him, ipinaloob niya ang isang palad sa loob ng damit nito. "Hmm." She murmured. Suminghot-singhot siya bago bahagyang idiniin ang mga ngipin sa earlobe ng asawa.

Daniel groaned. "Sunshine, stop," anito. "Kung wala lang sa paligid ang mga bata, I'll take you right here, right now. Mamaya, humanda ka sa akin," anito. At siguradong hindi lang iyon basta banta.

Tawa ng tawa si Celine. Lumayo na siya. Mahirap na at baka ibalik sa kanya ni Daniel ang panunukso niya. Kapag ang asawa pa naman ang nanudyo at nang-akit ay wala siyang magawa kundi magnasa para rito.

"Kids," tawag niya sa mga bata. Kinawayan niya ang mga ito. Si Daniel ay nasa tabi na niya. "Halina kayo. Let's eat..." aniya bago tinapunan ng sulyap ang asawa.

Nagsidatingan na ang mga bata. "Mommy! Daddy!"

Pareho silang umupo ni Daniel at ibinuka ang mga bisig. Pumaloob roon ang mga bata. Pagkaraan pa ng ilang sandali ay nakapalibot na sila sa isang picnic blanket at kumakain. Nang mapatingin siya sa asawa, nahuli niyang nakatitig ito sa kanya. The love lurking in his beautiful eyes was overflowing, unmistakeable. At damang-dama ni Celine ang damdaming iyon. "I love you," he mouthed at her. "So much."

She smiled fondly. Inusal din niya ang mga salita ng pagmamahal. Batid ni Celine na mababasa din ni Daniel sa mga mata niya ang katotohanan sa mga salitang iyon. Mahal niya ito. Mahal ng buong puso. At ang pagmamahal na iyon lamang ang panghahawakan nila. Pagmamahal na hindi magmamaliw hanggang sa huling pintig ng puso nila. Theirs was a rare kind of love. Rare because it was everlasting...

Dahil kapag dumating ang huling pintig ng puso, kapag hinugot ko ang huling hininga ko... then I will see you again in the next life, sa muling pagpintig ng puso ko, sa muling paghinga ko sa mundong ito. I will still love you, my complicated alpha male. I will always love you. "Always..." bulong niya sa hangin.

"Always..." pag-ayon naman ni Daniel.

Wakas


------------------

Thank you so much for reading! Ano po masasabi ninyo? Paki-Vote na lang po. At kung ma-a-appreiate ko kung magsi-share kayo ng alin mang story ko sa friends ninyo. :) 'Til next novel. God bless us all!

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon