Part 56

1.8K 56 0
                                    


SA CONDO unit ni Daniel sa Alabang sila tumuloy. Medyo memorable para kay Celine ang condo unit na iyon dahil doon siya noong dinala ni Daniel noon. Dito nagsimula ang pisikal na ugnayan nila ni Daniel. Dito rin niya unang nasaksihan ang atake ng grabeng pananakit ng tiyan ni Daniel.

Dinaanan nila sa bahay ng mga magulang niya sina Christopher at Hugo. Pagkatapos noon ay dumeretso na sila sa condo. Bago sila makarating ng condo ay tulog na uli ang dalawang bata. Ang dalawang yaya ay sa kabilang unit—na siyang tinutuluyan ni Lino—muna nila pinatuloy. Gusto kasi ni Daniel na sila lamang munang pamilya sa unit na iyon.

Si Daniel ay nakaupo sa gilid ng kama, nakatunghay sa natutulog na mga bata.

"Daniel," tawag-pansin niya sa asawa. Nag-angat naman ito ng ulo at tinapunan siya ng sulyap. He lightly smiled at her. Nilapitan niya ang asawa. Naupo rin siya sa gilid ng kama. "Gusto mong pag-usapan natin si Hugo?" maingat na tanong niya.

"Ano ang dapat nating gawin, Sunshine?" mahinang wika nito.

Ano ang gagawin nila kay Hugo? Kung siya ang tatanungin, gusto niyang ampunin ang bata kung wala na itong kamag-anak na mapupuntahan pa. Kaya lang, naiintindihan rin naman niya na magiging tagapagpaalala kay Daniel ang bata, tagapagpaalala ng panloloko at katrayduran ng ama nito. "A-ano ba ang nararamdaman mo kay Hugo?" balik-tanong niya.

Daniel chuckled. Napailing ito. "Sinasagot mo ng tanong ang tanong ko. Hinuhuli mo ako. Okay. Listen. Sa mga araw na nakasama natin si Hugo, napalapit na rin siya sa akin. Ang ideya na may kuya si Christoff, kuyang mahal siya at poprotektahan siya, ay nakakatuwa..."

"Right. Parang kayo ni Lino," aniya.

"Right," nakangiting pagsang-ayon ni Daniel. "Honestly, I feel no hate towards Hugo. Walang alam si Hugo sa kasalanan ng mga magulang niya. Biktima rin lang siya ng pagmamanipula. So, iniisip ko na... well, maybe, we could adopt him? Alam ko na napamahal na rin si Hugo sa 'yo. At alam ko rin na iyan ang nais mong mangyari. It's fine with me, Sunshine."

Naiyak si Celine. Naiiyak siya sa katotohanang mabuti talaga ang puso ng lalaking mahal niya. Napaksuwerte niya. "T-talaga nga ba?"

Gamit ang hindi naka-cast na kamay, tumaas ang palad ni Daniel ay pinahid ang mga nakawalang luha niya. "Yes. But first, aalamin muna natin kung walang kamag-anak na maghahabol kay Hugo. Papaimbistigahan ko rin ang abogado at yaya ni Hugo kung may kinalaman din ang mga ito sa plano ni Gido. We'll adopt Hugo legally. Tatratuhin natin sila ng pantay ni Christopher. Mamahalin. Aalagaan. Kapag nagkaisip na si Hugo, sa atin mismo niya malalaman ang mga nangyari. Is that okay with you?"

"Oh, Daniel!" naiiyak na bulalas niya. She was speechless. Hindi niya napigilan ang sarili at pinaliguan ng halik ang mukha ng asawa. Pagkuwa'y mahigpit na niyakap niya ito. "I love you. Mahal na mahal na mahal talaga kita."

"Aw! Aw, Sunshine," pag-aray ni Daniel. Mabilis na humiwalay si Celine. Nakalimutan niya ang may sugat na balikat ng asawa. "Ang sugat ko. Aw," nakangiwing wika nito.

"Sorry, sorry..." hindi magkandatutong wika naman niya.

"Aw. Masakit talaga. You need to kiss me para mawala ang kirot," anito bago pinahaba ang nguso.

Malakas na natawa si Celine. "Kiss lang ang gusto mo?" pilya niyang tanong. Kinindatan pa niya ito.

Lumunok si Daniel. Ang nanunuksong mga mata ay biglang sumeryoso. Desire flickered in them. "Hindi lang halik, Sunshine. Marami akong gustong gawin mo sa akin," bumaba ang boses nito, gumaspang. "I want you. I want to bury myself deep into you." His intense stare make her stomach shudder. "I want to brand you mine, every inch of you. And I want you to kiss every inch of me. I want you screaming my name in pleasure. I want to see your face delirious with pure rapture. Gusto kong marinig ang mga ungol mo. Oh, damn it, Sunshine, nababaliw ako sa 'yo."

She laughs. Iyong mapang-akit na tawa. Oh, goodness, siya ang dapat na mang-aakit pero siya yata ang biglang hindi mapalagay. Siya ang biglang nanuyo ang lalamunan at ramdam ang pagragasa ng mga nabubuhay na dugo. "Paano 'yan, mahal ko, you're injured..." tukso pa niya, pinasasabik ito. Iyong kasing sabik niya. Damn but her nipples were already stiff, her insides were already in fire with overwhelming wanting.

Umungol naman ito. "Then you take charge."

"Ah, Daniel," she breathe. Ang dibdib niya ay taas-baba na. "Hindi ako makikipagtalo sa bagay na iyan," pilya niyang tugon. "I will make you very very happy

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon