Part 46

1.1K 48 1
                                    


"DANIEL!" nag-aalalang napasunod si Celine sa asawa. Naabutan niya ito sa hallway. Paroo't-parito sa paglalakad. Pagkuwa'y muling naupo sa tabi niya at tila aburido na inihilamos ang mga palad sa mukha. Sina Peter at Guido na ansa hallway ay halatang may ideya na rin sa nangyayari kay Daniel. They gave her an encouraging look. Agad siyang lumapit rito. "D-Daniel..."

"Sunshine..." The tension in his voice was unmistakeable. Tiim ang labi ni Daniel. Naninigas ang tensiyunadong mga panga. Halatang nagbabago ang mood ni Daniel. Anxiety was lurking in his eyes.

"Gusto mong umuwi na muna tayo? Sina Lino at Gido na muna ang bahala rito," pagyayakag niya.

Tumiim ang bangang ni Daniel. Halata ang pagtatalo ng emosyon sa mga mata ni Daniel. Hindi nito gustong iwan ang kaibigan pero batid din nito na nagbabago ang mood nito. Aatake ang depresyon. "H-hindi ko mapigilan..." frustrated na wika nito bago ikinuyom ang mga kamao. "Damn it, Damn it," gigil nitong dagdag.

"Alam ko. Alam ko," umuunawang tugon niya. Calm down, Daniel. Please calm down..."P-puntahan na muna natin ang mga bata. Baka hinahanap ka na rin ng mga anak mo." Binalingan niya sina Peter at Gido. "Kayo na muna ang bahala kay Lino," aniya.

Nagtinginan, nagpalitan ng sulyap sina Peter at Gido. May tahimik na mensahe ang mga mata ng mga ito. Pero puno na ng pag-aalala ang puso ni Celine para intindihin pa ang bagay na iyon. "Sige na, Daniel. Kami na ang bahala kay Lino," sabi ni Peter.

"Hindi namin siya iiwan. Maasahan mo kami," ani ni Gido.

"Thanks, guys. Tayo na, Daniel," aniya.

Mariing pumikit si Daniel. Umiling ito. "N-no. Y-you stay here. A-ako na lang ang uuwi."

"Pero..."

"Please," tugon nito. "K-kaya ko ang sarili ko. Dito ka na lang muna. Mas... mas kailangan ka ni Lino dito," kumislap ang mga mata ni Daniel sa luha.

Nagmatigas si Celine. "Ganito na lang, Ihahatid. Pagkatapos tsaka ako babalik dito sa hospital." Kailangan niyang makasiguro na ligtas na makakauwi ang asawa. "Please? Gusto ko ring makita ang mga bata."

"Okay," pagsang-ayon na rin ni Daniel. Tinawagan ni Celine ang driver at sinabing uuwi sila.



"ANO'NG iniisip mo?" tanong ni Celine sa asawa. Malapit na sila sa Cavelli Place. Alas otso na niyon ng gabi. "Buksan mo sa akin ang isipan mo, Daniel. You know I got your back. You know you can count on me," aniya. Nananahimik na naman kasi ito. Napansin niya na ang mga kamao nito ay kuyom, halos mamuti at lumabas ang mga buto sa diin ng pagkakakuyom. Inabot niya ang palad nito. Pilit niyang pinagsasalikop ang kanilang mga daliri. Hindi naman nagmatigas si Daniel. He accepted her hand. Dinala niya ang palad nito sa labi niya at dinampian ng halik. "Daniel open up to me, please, sweetheart. Sabihin mo sa akin kung ano ang tumatakbo sa isipan mo."

"Natutuliro ako," ani ni Daniel. "L-Lino's the brother I never had. N-ni minsan, hindi ako pinag-alala ni Lino. Lagi na ay malakas siya, matatag, at kontrol ang sitwasyon. I... I always look up to him. Always depend on him. N-ngayon lamang nagkakaroon ng sariling buhay at sariling oras si Lino para sa sarili niya tapos...tapos h-heto at... a-at n-nanganganib ang buhay niya." Malakas na bumuga ng hangin si Daniel para pagluwagin ang kalooban. "H-how cruel life can be?"

Nag-init ang mga mata ni Celine. Hanggang sa tuluyang malaglag ang mga luha sa mga mata niya sa emosyong iyon ng asawa. "Mabuting tao si Lino. Ililigtas siya ng Diyos," she assured him.

"Ma'am, Sir, narito na po tayo," anunsiyo ng driver na si Lando.

Pagtingin ni Celine sa labas, nakita nga niyang naroon na ang kotse sa pribadong parking area ng Cavelli Place. Sila lamang ang gumagamit noon. Bagaman kasya ang tatlong sasakyan roon. Naroon na rin kasi ang pribadong elevator na derektang patungo sa penthouse.

"You go ahead, Lando," sabi ni Daniel. "Iwanan mo na kami ni Celine." Agad namang tumalima ang driver. Bumaba ito ng sasakyan at lumabas sa pintong ang lalabasan ay ang pinaka-lobby ng Cavelli Place. Nasundan niya ng tingin ang driver. Mula roon ay doon na ito sasakay ng elevator patungo sa unit ng pamilya nito na malapit sa penthouse. "C-Celine..." medyo naghahabol ng hininga na tawag-pansin sa kanya ni Daniel. Muling itinuon ni Celine ang atensiyon sa asawa. Nakita niya itong binasa ng dila ang nanunuyong labi. Tila nadoble ang tensiyon sa aura nito. Naagaw din ng pansin niya ang palad ng asawa na nasa kandungan nito. Daniel was holding, caressing, squeezing his manhood. And it was already hard. Ibinalik ni Celine ang paningin sa mukha ng asawa. "It's... It's mania..." usal nito bago muling lumunok. Sa liwanag ng ilaw ng sasakyan ay nakita ni Celine ang dagling pag-aapoy sa pagnanasa ng mga mata ng asawa.

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon