Part 23

1.4K 103 11
                                    

TULOG ang bata, si Daniel naman ay nasa library at hinaharap ang ilang papeles. Celine's on the couch, surfing the net on her ipad. Tumunog ang telepono. Inilapag ni Celine ang Ipad at tinungo ang kinaroroonan ng telepono. Galing sa ibaba ng building ang tawag, sa reception desk. "Ma'am, may mga dumating pong sulat. Ipapaakyat ko na po riyan."

"Yes, please. Thanks."

Wala pang dalawang minuto ay mag nagdo-dorbell na. Nakita niya sa safety monitor sa likod ng pinto na ang guwardiya ang nasa labas. Pinagbuksan niya ito ng pinto. "Heto po ang mga sulat, Ma'am."

"Salamat." Tinanggap niya ang mga sobre. Agad din namang nagpaalam ang guwardiya. Karamihan ay puti ang sobre, iyong style pang-business. Kay Daniel ang mga iyon. Pinasadahan ni Celine ng tingin ang mga sobre, binabasa kung kanino galing. Hanggang makita niya ang isang sobre. Kulay pink iyon na may naka-emboss na prints ng cimson roses. Tumaas ang kilay niya. Hindi iyon business letter. At dahil nakatalikod pa ang sobre, hindi niya makita kung kanino galing. Binaligtad niya ang sobre. To: Celine Cavelli ang nabasa niya. May stamps pa iyon. "Para sa akin?" mahinang bulalas niya. "Kanino galing?" Dahil curious, bumalik siya sa sofa. Inilapag sa mesita ang mga sulat at binuksan ang partikular na sulat na para umano sa kanya.

Dear Sunshine,

Bumuka ang labi niya sa pagkagulat. Agad niyang ibinaba ang tingin sa dulo ng sulat, tiningnan kung sino ang nakapirma. Nang makita, ang pagtataka ay nauwi sa pagngiti. At sa kilig. It was no ordinary letter. It's a love letter. Galing kay Daniel. "Oh, jeez!" kinikilig na usal niya, kagat-kagat ang labi. Napuno ng emosyon ang kanyang puso at halos maluha pa siya. To think na hindi pa naman niya nababasa ang sulat. Hindi pa niya alam kung ano ang mga laman niyon. Pero ang aksiyong iyon ng asawa niya ay talaga namang nakaka-touch. Ibinalik niya ang paningin sa sulat.

Oh, Sunshine, wala kang ideya kung ilang trashcan ang napuno ko dahil sa paulit-ulit na pagrerevise ng sulat na ito. I don't know where to start actually. Why, ito ang unang beses na magsusulat ako ng love letter. Yes, love letter. Can you believe that? No? Yeah, me, too. :D Anyway, nakailang daang draft ako hindi dahil hindi ako marunong magsulat ng ganito. Well, that, too. Ha-ha. Seriously, naka-ilang draft ako dahil pakiramdam ko, hindi ko maisalin sa salita ang pagmamahal ko para sa 'yo. I can't find the right words... Hanggang sa magpasya na lang ako na isulat na lang ng isulat ang lahat ng nasa isip ko. So here it goes....

Remember the first time we met? Ah! That was so---

Natigilan siya sa pagbabasa nang sa peripheral view niya ay mapansin niya ang bulto ng katawan ng asawa. Nilingon niya ito. Daniel's carrying a boquet of red roses.

"Why are you crying?!" bulalas nito, binato ng tingin ang hawak niyang sulat. "Madrama ba?"

Natatawang suminghot siya. "Na-touch ako. You wrote me a love letter? That's so sweet!" Lumapit siya rito at yumakap. Daniel returned her embrace. Pagkuwa'y pinahid nito ang mga luha niya. Iniabot nito sa kanya ang mga bulaklak. "For my wonderful wife."

"Awww. Thank you!"

"Nabasa mo na?"

Umiling siya. "Read it to me," paglalambing niya.

"What?" natatawang bulalas nito. "Ako na nga nagsulat, babasahin ko pa?"

Celine saw something peculiar in his handsome face. Agad niyang sinapo ang mukha ng asawa. Celine felt a knotch in her stomach when she saw his cheeks were turning red. Nagba-blush si Daniel! "Oh, my God!" bulalas niya. "You're blushing! You're blushing, Daniel!"

"Err, well...kasi naman---" hindi na ito nakahuma dahil tuwang-tuwa na pinupog na niya ng halik ang asawa. Tila nada-dyahe na tumawa na rin si Daniel. Nang muli niyang hilingin na basahin nito sa kanya ang sulat ay pumayag na ito.

Naupo sila sa mahabang sofa. Naupo paharap sa isa't-isa. Itinuon niya ang kanang siko sa sandalan at sinalo ang mukha. Ginawa niyang komportable ang sarili para mas matitigan ang asawa habang binabasa nito ang sulat na ito rin ang nagsulat. A big smile was plastered on her lips. She loves her man now more than ever. Kinuha ni Daniel ang mga binti niya at ipinatong sa mga hita. Tumikhim ito. Muli ay naging obvious na naman ang pamumula ng mga pisngi nito. Maging ang mga tainga nito ay namumula. What a sight! Muling tumikhim si Daniel. "Okay..."    



---------------------

Naka-VOTE na po kayo? Hehe. Leave a COMMENT!

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon