Part 32

1.1K 64 2
                                    


ANG MGA malalakas na tunog ng kulog at kidlat na pumasok sa pandinig ni Celine ang gumising sa kanya. Napabangon siya. Sa paggalaw na iyon ay naramdaman ni Celine ang kirot sa iba't-ibang bahagi ng katawan, lalo na sa punong-katawan. Bunga ng pagiging marahas ni Daniel ang mga kirot at sakit na iyon.

Wala si Daniel sa tabi niya. Nag-init ang mga mata niya hanggang sa tuluyang mamuo ang mga luha roon. Daniel used her over and over again. Pinuwersa siya nito. Masakit ang katawan niya pero hindi naman siya sinapak o sinuntok ni Daniel. Maririin lang ang mga hawak nito. Walang pag-iingat, walang respeto, walang pagmamahal. Hindi na siya magugulat kung bukas ay may mga pasa ang katawan niya.

Isinubsob ni Celine ang luhaang mukha sa kanyang mga palad. Tahimik siyang umiyak. She was experiencing emotional torture. Subalit sa kabila niyon ay hindi nawawala ang pagmamahal niya kay Daniel. Hindi nito sinadya ang ginawa. Kapag umayos na ang pakiramdam nito alam niyang pahihirapan nito ang sarili dahil sa nagawa. No, she won't give up on him. Hindi siya mahinang babae na tatakbo at aalis sa isang mahirap na sitwasyon. Si Daniel ang lalaking pinangakuan niya na makakasama sa sakit at kalusugan, sa hirap at ginhawa. Mahal niya ito. Pasubok lamang ito.

Bumangon si Celine. Isinuot ang nighties na nakita, pinatungan iyon ng roba ni Daniel. Nasaan na kaya si Daniel? Ano na kaya ang ginagawa nito sa sarili? Tinungo niya ang silid ni Christoff pero wala ang asawa roon. Wala rin sa basement. O, sa lugar na madalas nitong tigilan kapag gusto nitong mapag-isa. Sa kuweba kaya pumunta si Daniel? Kumuha ng payong si Celine at naglakas loob na lumabas ng mansiyon. Umuulan pa naman, kumukulog, at kumikidlat.

"Oh, God," bulalas niya sabay pikit nang gumuhit ang matalim na kidlat, kasunod niyon ang dumadagundong na pagsabog ng kulog. "D-Daniel, Daniel nasaan ka na ba?" Dahil sa lakas ng hangin at ulan ay walang nagawa ang payong ni Celine. Nabasa pa rin siya. Nagpatuloy sa paglalakad si Celine. Madalas ay napapaupo siya, sumasandal sa puno, ipinipikit ang mga mata at itinatakip ang mga kamay sa magkabilang tainga sa tuwing kumikidlat at kumukulog. Malapit na sa kuweba si Celine nang matigilan siya at manlaki ang mga mata. Nang kumidlat kasi ay bumaha ang liwanag at nakita ni Celine ang isang pigura. Hubad na pigura na patagilid na nakahiga sa may putikan. "Daniel!" bulalas niya. Alam niyang si Daniel iyon, sinasabi ng tibok ng puso niya.

Dinaluhan niya ang asawa. "D-Daniel!" pag-iyak niya. Namamaluktot ito, nangangaligkig sa ginaw. "Oh, God!" Ano ba ang ginagawa nito sa ilalim ng masungit na panahon at hubad pa? Naglakad ba ito habang tulog?

Nagmulat ng mga mata si Daniel. Tiningnan siya pero parang tagus-tagusan ang tinging iyon. Lalong napaiyak si Celine. Inilapit niya ang mukha sa mukha nito at umiyak nang umiyak. Daniel please labanan mo ang depresyon mo. Ibalik mo na ang dating ikaw... "I love you. Mahal kita, Daniel. Mahal ka namin ni Christopher, ng anak mo."

Lumingon si Daniel sa paligid. "W-what I am doing here?"

Hindi ko rin alam, Daniel, gusto sana niyang isagot. "D-Daniel, uwi na tayo. H-halika na. Iuuwi na kita..." Hinubad ni Celine ang roba at kahit nahihirapan ay nagawa naman niyang maipasuot iyon sa asawa. "K-kaya mo bang maglakad, ha? Kaya mo ba ang sarili mo?"

Tumango si Daniel. Tumayo ito. Pero mabuway ang may putik na katawan. Nangangaligkig ito. Inalalayan naman ni Celine ang asawa. Ipinatong niya ang isang braso nito sa balikat niya at inalalayang maglakad. "Y-you're going to be all right," nagpipigil ng emosyon na wika niya.



"ANG LAMIG, ang lamig lamig," paungol na wika ni Daniel habang namamaluktot ito. Patuloy pa rin sa panginginig ang katawan at napakataas ng lagnat ni Daniel. "Hmm—m."

Nalinis na ni Celine ang katawan ng asawa. At nabigyan ng gamot sa lagnat. Sa loob ng ilang sandali ay eepekto na ang gamot. Bagaman, pinag-iisipan niya kung ibabyahe ang asawa patungo sa hospital sa Maynila. Bilang doctor masasabi naman niya na hindi naman nanganganib ang buhay nito. "Shhh. It's okay. Aayos na ang pakiramdam mo maya-maya," aniya habang hinihigpitan ang yakap sa asawa. Napakataas ng temperatura nito na parang gustong mapaso ni Celine.

"Celine would get tired of me, I know," tila nagdedeliryo na wika nito. Dala iyon ng mataas na lagnat nito. "Alam ko nasaktan ko siya. Hindi ko sinasadya, hindi ko sinasadya," sumigok si Daniel.

Si Celine naman ay nag-init ang mga mata at tuluyang nalaglag ang maiinit na luha roon. "Hindi mapapagod si Celine. Hindi siya mapapagod na mahalin ka, Daniel," umiiyak na tugon niya.

"I c-can't help it. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. P-parang may demonyo na bumubulong sa isip ko. Inuutusan akong gumawa ng mga bagay na hindi maganda. Sabi niya...s-sabi niya hindi na daw masasaktan si Celine kapag sinaktan ko ang sarili ko. Natutuliro ako. H-hindi ko alam ang gagawin."

Kinilabutan si Celine. Nanindig ang mga balahibo niya. Depression is destroying him inside. Iyon ba ang dahilan kung bakit parang wala ito sa sarili? "H-huwag kang makinig sa kanya. Mas masasaktan si Celine kapag sinaktan mo ang sarili mo. Kay Celine ka lang dapat makinig, ha? Kay...kay Celine lang..." Nanakit ang lalamunan ni Celine dahil sa hagulhol na hindi mabigyang laya.

"K-kay Celine lang..." sabi nito sa pagod na tinig. "Kay Celine lang. God I hurt her. Sinaktan ko siya," anito, naglalandas ang mga luha sa mga pisngi. He looks so vulnerable.

"S-she understands," umiiyak na tugon niya. "N-naiintindihan ka niya."

"C-can you tell her I love her? I love her so much." Nang maramdaman niya ang pagpatak sa balat niya ng maiinit na luha ni Daniel ay parang gustong mamatay ni Celine.

"I...I w-will tell her. Alam naman niya ang bagay na iyon, Daniel. Alam niyang mahal mo siya. At mahal na mahal ka rin niya. Naiintindihan mo? Mahal ka rin niya."

"Mahal ako ni Celine. Mahal niya ako kahit minsan para akong halimaw. Mahal niya ako ng buo." Humina ang tinig ni Daniel, tila hinihila na ng antok. "N-naniniwala akong mahal ako ni Celine..."

"Shhh. Matulog ka na, Daniel. Magpahinga ka na..."

Gumaan ang paghinga ni Daniel, mukhang nakatulog na. Nawala na ang panginginig ng katawan nito. Nang masiguro ni Celine na mahimbing na ang tulog ng asawa ay maingat na bumaba siya sa kama. Nagtungo sa banyo at doon pinakawalan ang mga hagulhol niya.

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon