Part 4

2.6K 90 4
                                    

L-UM-ANDING ang eroplano sa rooftop ng Cavelli Place, ang isa sa mga establisiyemento na pag-aari ni Daniel. They have a penthouse there. Doon sila tumitigil kapag nasa Maynila sila, minsan ay sa condo ni Daniel sa Alabang. Pareho silang nagpasya ni Daniel na huwag nang bumili pa ng bahay dahil mas nananatili naman sila sa Isla Cavelli. Ang bahay niya noong dalaga pa siya ay inuukopa ngayon ng isang kamag-anak.

Mula sa Cavelli Place ay nagbiyahe sila patungo sa mansiyon nina Marc. Sa pagkakataong iyon ay may driver na silang kasama. Ang yaya ni Christoff ay nakaupo sa passenger's seat. Silang mag-anak ay likuran ng sasakyan. Ganoon lagi ang set-up nila kapag magkakasama silang mag-anak. At tulad ng dati, panay na naman ang pagpapatawa ni Daniel kay Christoff.

Maya-maya pa ay pumapasok na sasakyan sa mansiyon nina Riza at Marc. Nang tuluyang makaparada ang sasakyan ay naghanda na sila sa pagbaba. "Ako na ang kakarga sa pogi na 'to," ani ni Daniel. "'Di ba, pogi ka? Mana sa daddy, 'di ba?"

"Wooh," sabi naman ng sanggol na nanghahaba ang nguso, pagkatapos ay humagikhik ito.

Tumaas ang paningin ni Daniel kay Celine. "He agreed," pagmamalaki nito na hindi maipagkakaila ang katuwaan sa guwapong mukha.

Tumawa si Celine. Napakasuwerte ng kanilang anak dahil si Daniel ang ama nito. She knew he'll do anything for his son. "Ang sabi ni Christoff ay 'Booo!' Paanong hindi siya hahagikhik eh kinikiliti mo nang kinikiliti."

"Wooh," sabi uli ni Christoff.

"Ayan, dad, 'booo' daw," panunukso uli niya. Tawa siya ng tawa. Binalingan niya si Christoff. "Tama ba si mommy, sweetheart?"

The child murmured. "Gaaa."

"Ah, gano'n?" tugon naman ni Daniel na naniningkit ang mga mata sa kanya. He isn't mad though.

Mataginting siyang tumawa. "Joke lang. Tara na ngang bumaba."

Marahil ay namataan na nina Marc at Riza ang pagdating nila kaya sinalubong sila ng mag-asawa kasama ang panganay ng mga ito na si Torie---ang may kaarawan.

"YOU LOOK so happy," sabi ni Marc kay Celine nang lapitan siya nito sa kanilang mesa at maupo sa isa sa mga silya. Dinala ni Daniel sa playground area si Christoff na mukhang giliw na giliw sa mga batang nakapaligid. Si Riza naman ay inaasikaso ang ilang bisita. "Napakagaan ng aura mo, Ce. Para bang nasa mga palad mo ang mundo dahil masaya ka at kuntento."

"I am," tugon niya. "Ikaw rin naman." Isang umaalalang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Paano nga kaya kung natuloy ang arranged marriage sa pagitan nila ni Marc? Anong buhay kaya ang meron sila ngayon?

"Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isipan mo," nangingiting puna ni Marc, nabasa ang iniisip niya.

Tumawa si Celine bago marahang tumango. "Yeah. Buti na lang nakialam ang tadhana, ano? I mean, yeah, alam ko na magiging responsible at mapagmahal na ama ka. Baka nga matutunan pa nating mahalin ang isa't-isa. But we'll never be truly happy, you know. Hindi natin mararamdaman 'yung saya na nakakaiyak. 'Yung parang puputok ang puso mo sa saya..."

"I know. Hindi mo ako titingnan katulad ng kung paano ako tingnan ni Riza. And I'll never look at you the way Daniel looks at you."

"Totoo." And I don't think na magmamahal ako katulad ng pagmamahal ko kay Daniel. Since I met him, he'd been a vital part of me. "Hay, thanks to Destiny. Well, I don't know. There are actually a lot of possibilities. Baka hanggang ngayon ay hindi ka pa rin ngumingiti," tudyo niya. Oo, may tao talagang hindi nakakangiti kapag nawawasak ang puso. And Marc is a living proof. Dahil ang ngiti nitong sumikat sa buong mundo ay naglaho sa loob ng maraming taon. Ganoon nito dinamdam ang naging kabiguan kay Riza.

Tumawa si Marc. "And you're still on self-destruction mode, driven by guilt. Dahil masyado akong subsob sa pagpipilit sa sarili ko na limutin si Riza, hindi ko na napansin kung ano ang nangyayari sa iyo. Baka mabalitaan ko na lang ay naidemanda ka na ng medical malpractice."

"O kaya naman ay nasa isang rehabilitation center na dahil sa pagiging alcoholic," tumatawang dagdag niya." Emotion surged through her. Nag-init ang mga mata niya at halos mamuo ang luha roon kung hindi lamang niya ipinikit-pikit ang mga mata. Kung si Marc ay nawala ang ngiti, siya naman ay nilamon ng guilt na bunga ng kasalanan niya. Siya at ang ama niya ang responsible sa naging paghihiwalay nina Marc at Riza noon.

Ah, napakabuti pa rin ng tadhana sa kanila dahil hindi ito pumayag na hindi sila maging maligaya. Nagkaayos sina Riza at Marc, at siya, dumating sa buhay niya si Daniel. Thank God. Thank God, indeed. "I guess, mararamdaman lang talaga natin ang saya at tunay na pagmamahal sa taong nakatadhana para sa atin. And there's always that one person who will accept you for who you are and would love you unconditionally."

Sa gilid ng mga mata niya, nakita niya ang paglapit ni Daniel. Nilingon niya ito. Karga pa rin nito si Christoff. Bagaman may nakaguhit na ngiti sa labi nito, napansin pa rin niya ang kakaibang emosyon sa mga mata nito. It was intense. Oh, oh. Umaandar na naman ang pagka-possessive ng loko. Tumayo siya at kinuha mula rito si Christoff. Nang makuha ay bata ay muli siyang naupo, si Christoff nasa mga hita niya. Muli niyang sinulyapan ang asawa. And she sould see beyond that cool expression in his eyes. Ang puso ni Celine ay sumirko.

Umupo si Daniel sa silyang nasa kanan niya. "What did I missed here?" kaswal na tanong ni Daniel. Pero muntik nang mapaskilot si Celine nang humaplos at bahagyang pumisil ang palad nito sa kanyang hita. Buti na lang at pabilog ang mesa at mahaba ang telang nakabalot sa mesa. Hindi nga siya nagkamali. Her man is being possessive. He is being territorial. And jealous.

Si Marc ang sumagot. "A lot, actually."

Gusto niyang matawa sa sa selos sa dumaan sa mga mata ni Daniel. "Really?" labas sa ilong na tanong ni Daniel. His hand went further. Tumaas iyon at halos nasasagi na ang kanyang pagkababae. Hindi magiging ipokrito si Celine sa sariling damdamin, ang totoo ay na-a-arouse siya sa ginagawa ni Daniel. It was exciting her. Dahil sila ni Daniel ay may aktibong sex life. Ang kama nila ay laging mainit sa aksiyong nagaganap roon. Lagi na ay parang gutom at hayok na inaangkin nila ang isa't-isa. Oh, holy cow! Ang katotohanang iyon ay lalong nagpapa-excite kay Celine. Lumunok si Celine. Rumaragasa ang pagnanasa sa kanyang katawan. Hindi pinigilan ang sarili, ang isang palad ay pumatong din sa hita ni Daniel. Gusto niyang mapangisi sa nang maramdaman ang tensiyon ng katawan ni Daniel lalo na nang humaplos ang palad niya.

"Yeah," si Marc uli, tila wala namang ideya sa nangyayari sa ilalim ng mesa. "We're just walking down memory lane. Your wife is telling me how much she thank Destiny for giving you to her."

Tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa pinipigilang ngiti. Pero hindi pa siya tapos, tumaas pa ang palad niya at walang hesitasyon na ipinatong iyon sa kandungan ng asawa. Celine grabbed his bulge and squeezed it. Daniel almost gasp. Lumunok ito. Binigyan siya ng tingin na lalong nagpabaga sa apoy na nabubuhay sa katawan niya. Her breast felt heavier. Malakas na humikab naman si Christopher.

"Ahm, Marc, excuse us," aniya. "Inaantok na si Christoff. Patutulugin ko muna at pababantayan sa yaya niya pagkatapos. We'll join you again afterwards."

"Of course," sabi ni Marc. Hindi iyon ang unang pagkakataon na matutulog si Christoff sa guest room ng mga Marquez. "Alam n'yo na kung saan ang guest room na ginagamit ninyo. If you want any assistance..."

"No, no. We can manage," aniya at palihim na kinindatan ang asawa.

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon