Part 17

1.4K 73 2
                                    

HUMAKBANG si Celine papalapit sa sofa. Nananabik ang mga ito sa kanya, nakikita niya iyon. Para bang napakatagal na hinintay ng mga ito ang sandaling iyon na pagtatagpo nila. At nasorpresa siya sa ganoong pakiramdam na bumabangon din sa kanyang dibdib.

Naupo si Celine. Ang nanginginig niyang palad ay nasa ibabaw ng kanyang mga hita. Paano ba magsimula? Paano simulang usalin ang mga tanong niya? Huminga ng malalim si Celine. Hindi siya galit, at hindi niya gustong magalit. Puno ng pagmamahal ang puso niya kaya walang lugar doon ang galit.

"A-Angel," pag-iyak ng matandang babae. Sa gulat ni Celine ay lumuhod ito sa harap niya, gagap ang mga palad niya. Tumangis ito. At hindi iyon kayang makita ni Celine. Automatic na naglandas muli ang mga luha niya. Parang pinipisil ng kamay na bakal ang puso niya. Kaya hinawakan niya ang gilid ng magkabilang braso nito at itinayo. Pero hindi na siya pinakawalan ng matanda at mariing niyakap. "H-hindi ka namain masisisi kung magalit ka. K-kung puno ng pagdaramdam ang puso mo..."

Ipinikit ni Celine ang kanyang mga mata. Ang labi niya ay nanginginig. Oo, minahal siya ng mga Hampton pero iba pala ang init ng katawan ng isang ina. Iba pala ang yakap ng taong nagdala sa 'yo sa sinapupunan nito sa loob ng siyam na buwan. Mayroong hindi maipaliwanag na puwersa na nagbibigkis sa kanila. Hindi nagmatigas si Celine, natagpuan niya ang sarili na gumaganti ng yakap at umaamot ng mas maraming init. Tuluyan niyang pinakawalan ang damdamin niya at umiyak nang umiyak. Ang sunod na namalayan niya ay apat na silang magkakayakap.

"B-BIKTIMA ako ng... ng p-panggagahasa. N-nang mabuntis ako ay iniwan ako ng nobyo ko, itinakwil ako ng mga magulang ko...P-parang gumuho ang mundo sa oras na iyon. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa." Hilam ang luha na pagkukuwento ng nanay niya. "N-nag-iisa ako, walang karamay. Halos hindi ko maitawid ang pang-araw-araw na buhay."

Napapikit si Celine. Nakikini-kinita niya sa isipan ang sitwasyong iyon ng nanay niya. Maging ang luha ay tumutulo rin. Papaano nga ba mabuhay kapag tinalikuran ka ng lahat?

"N-nanganak ako sa squatter's area, sa isang maliit na silid na inuupahan ko. Nagkaroon ako ng... ng b-breakdown. Wala sa sariling naglakad-lakad ako. Hanggang sa umiyak ka dahil sa gutom. Halos mangitim ka at tumirik ang mga mata mo. M-may nakita akong mag-asawa at... at w-wala sa sariling ibinigay kita, puwersahang inilagay sa bisig ng babae. Nasisiraan na ako ng bait. Sabi ko— " Humagulhol. Hirap na hirap na alalahanin ang sandaling iyon. Ang matandang lalaki ay nasa tabi nito, hinahaplos ang likod nito. Kinakalma ang nanay niya. "H-hindi ko sigurado kung sinabi kong kapag hindi ka nila kinuha ay papatayin kita o mamatay ka sa piling ko. Sabi ko kunin ka na nila dahil kako amerikano ang nanggahasa sa akin kaya... kaya sigurado ako na magiging maganda kang bata. N-na may lahi ka..." Napatingin si Celine sa matandang lalaki. Sa nanlalabo sa luhang mga mata, nakita niyang nakayuko ito. Kung ganoon ito ang nanggahasa sa nanay niya? "S-sabi nong babae kapag hindi ko daw ibinigay ang tunay kong pangalan ay hindi ka nila tatanggapin. Kaya ibinigay ko ang pangalan ko at tumakbo na ako. Pero hindi ko kinaya. Hindi ko pala kayang ipamigay ka. Bumalik ako. Mabilis na tumakbo ako pabalik... p-pero wala na kayo. Wala ka na—a."

"T-totoo. Totoong ginahasa ko siya," basag ang tinig na wika ng matandang lalaki. Isinubsob nito ang mukha sa mga palad at humagulhol. "P-pero hindi ako pinatulog ng konsensiya ko. Hindi ako tinantanan. Hindi ko alam kung paanong napunta ang kuwintas niya sa jacket ko noong gabing lapastanganin ko siya. The necklace has a locket. There was a picture in it and her name was engraved in it. Hindi na ako nagkaroon ng katahimikan simula noon. I... I look for her. S-sa isang kumbento ko siya natagpuan. Ang sabi ng mga madre, isang taon din umanong nakulong sa isang mental institution si Anna, ang nanay mo..."

"W-what?" hindi makapaniwalang tanong niya, tutop ang bibig. Mental Institution?

Marahang tumango ang nanay niya. "Hindi ko kinaya..." humagulhol ito pero agad ding kinalma ang sarili. "Pero hindi ako tuluyang bumigay. Kinapitan ko ang pag-asam na makikita ko uli ang Angel ko. Na babalik siya sa piling ko. Tinulungan ko ang sarili kong gumaling. Nang magawa ko at makalabas ng institusyon ay inampon ako ng mga madre. Tumutulong ako sa mga gawain sa kumbento. Sila ang tumulong sa akin para tuluyan akong gumaling. Para kapitan ko Siya. At patuloy na umaasa na isang araw... isang araw ay magku-krus muli ang mga landas natin. N-na mayayakap kita. Na masasabi ko sa 'yong mahal kita at hindi ko sinasadya na mawalay ka sa akin. Hindi ko sinasad—ya!" she sobbed.

"Nay," pagsingit ng luhaan ding kapatid niya. "Uminom muna kayong tubig. Kayo rin ho, tatay. A-ate..."

Uminom sila ng tubig para kahit papaano ay magluwag ang pakiramdam nila.

"S-sumuko ang tatay mo sa batas," pagpapatuloy ng nanay niya. "Sa likod ng rehas na bakal ay pinagdusahan niya ang kasalanan niya. Sundalo ang tatay mo. Dahil sa kaso niya ay agad siyang tinanggal sa katungkulan at inalisan ng mga benipisyo. N-naubos ang... ang pera niya sa paghahanap sa 'yo. H-hinanap ka niya, Angel. Ipinahanap ka niya pero mailap ang tadhana. Paano ka nga ba namin makikita kung hindi ko naman nakilala, ni namukhaan ang pinagbigyan ko sa 'yo?" pagtangis muli ng nanay niya. "N-nang makalaya siya ay hindi siya tumigil hangga't hindi ko siya napapatawad. Hanggang sa... hanggang sa mahulog na rin ang loob namin sa isa't-isa. At si, Paula, ang naging kapatid mo. Sabi ni Daniel nadikit daw ang pangalan mo kay Marc Marquez pero ni hindi namin nakita man lang ang litrato mo sa TV. Kung sana ay nakita man lang namin ang mukha, malalaman ko agad na ikaw ang anak ko."

Maaari nga na malaman nito na siya ang anak nito kung nakita ng mga ito sa TV ang mukha niya. Bakit hindi siya makikilala, gayung malaki ang pagkaka-hawig nila ni Paula.

"H-hindi ka nila nalimutan, Ate," sabi naman ni Paula. Bumabaha ang luha sa silid na iyon. "Lagi nilang ikinukuwento sa akin na may ate ako. Na isang araw ay makakapiling ka namin. Hindi rin nila itinago sa akin ang kuwento kung bakit ka nawalay sa amin. Ate, mahal ka namin..."

Celine cried. And cried. Napakahirap naman pala ng pinagdaanan ng pamilya niya. Sino nga ba siya para magdamdam?

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon