Part 35

1.2K 55 0
                                    


"KUMUSTA SI Daniel?" Pilit mang itago ang pag-aalala, alam ni Lino na nasa mukha niya iyon. Kababa lang niya ng helicopter. Alam ni Celine na darating siya kaya inantabayan nito ang pagdating niya. Papasok na sila ng mansiyon.

"Matamlay. Halos hindi makaalis ng kama," tugon ni Celine. Ang mga gamit nito ay naipadala na niya sa silid ni Lino. "Nagpahanda ako ng pagkain. Kumain ka muna," anito nang makapasok sila sa mansiyon.

Umiling siya. "Salamat pero kumain na ako sa eroplano." Pinag-aralan niya si Celine. Napakatapang ng panlabas nito pero alam niyang puno ng pag-aalala ang puso nito.

"K-kanina ay suka siya ng suka." Nag-iwas ng mga mata si Celine. Batid niyang nagpapakatatag lamang ito. Parang siya. Hindi siya kailanman nasanay sa mga atake ni Daniel. He was always nervous and worried. And frightened for him.

Inabot ni Lino ang palad ni Celine at binigyan ito ng sumusuportang pagpisil. Hindi sila sa hagdan nagtungo kundi sa elevator—ipinalagay iyon ni Daniel sa mansiyon noong maaksidente si Celine at binilinan ng mga doctor na hindi siya puwedeng mag-akyat panaog ito sa matatas na hagdan. "Lilipas din ang episode na ito." Si Lino ang pumindot ng elevator. Pumasok sila.

"I know. I know these kind of things will happen. Hindi ko lang maialis ang pag-aalala sa puso ko. Siyempre. Mahal ko kasi siya." Pilit na ngumiti si Celine. "And thank God we have Christopher. Siya ang nagpapangiti sa daddy niya."

"Nakikini-kinita ko nga," nangingiting wika niya. Bumukas ang elevator. Lumabas sila. Ilang hakbang lang ay master's bedroom na pero hindi muna siya umabante para pumasok.

"Oo. Gustong-gusto niyang kinakausap ang ama niya kahit hindi naman maintidihan ang inuusal na salita. He likes just being with him. Gumagaan ang pakiramdam ni Daniel kahit papaano."

"Hindi lamang si Christopher ang nagpapagaan sa dibdib ni Daniel kundi pati ikaw. Alam mo iyon, hindi ba?" aniya.

Tumango si Celine. Pagkuwa'y nanahimik.

"Celine, what is it?" tanong niya. Tila may gusto itong sabihin sa kanya. Lamang ay nag-aatubili ito. "Puwede mong sabihin o itanong sa akin ang lahat, alam mo iyon hindi ba? Lalo na kung tungkol kay Daniel."

"K-kagabi..." mahinang usal nito. Again, Celine hesitated. Naghintay siya. "I... I f-found him sleeping under the rain, n—naked."

"What?"

"G-gusto kong itanong sa iyo kung nangyayari ba talaga iyon? I understand that people suffering from Porphyria might suffer neuropathy, depression, and anxiety... N-natatakot lang ako, Lino, paano kung saktan niya ang sarili niya?" Sinubukan ni Celine na itaboy ang namumuong luha sa pamamagitan ng pagpikit-pikit.

Nahaplos ni Lino ang kanyang panga. "Minsan ko na rin iyong nasaksihan, him wandering in the forest, naked. Hindi alam ni Daniel na ginagawa niya iyon." Ayaw mang gamitin ni Lino ang terminong 'nasisiraan ng ulo' pero parang ganoon na nga ang lumalabas. Nawawala ang lohikal na daloy ng isipan ni Daniel. Sabi nito ay may naririnig daw itong tinig sa isipan nito. That particular episode frightened him, it scared the hell out of him. Kung siya nga at natakot, si Celine pa kaya ang hindi?

"After this episode, hihimukin ko si Daniel na magpa-check up uli kahit hindi pa schedule ng check up niya."

"Gawin mo. Pagdating sa sakit niya ay lagi namang nakikipagkooperasyon si Daniel," aniya.

Pagkuwa'y iminuwestra na ni Celine ang master's bedroom. "Let's go see him. Tiyak na matutuwa si Daniel kapag nakita ka." 


"ANO ANG balak mo? Ninyo." tanong ni Lino. "Kay Hugo?"

Sumulyap muna sa kanya si Daniel. "Kunin siya," siguradong tugon nito. Naroon sila sa sala kasama si Gido para pag-usapan ang tungkol sa bata na ang pangalan pala ay Hugo.

Napabaling si Celine sa asawa. Akala niya ay napag-usapan at napagkasunduan na nila ni Daniel ang bagay na iyon. Kikilalanin ni Daniel ang bata, bibigyan ng pagmamahal at atensiyon, at magkakaroon ng kung ano ang meron si Christopher.

"Gusto kong sa akin lumaki si Hugo. Kasama namin ni Celine at Christopher," dagdag pa nito.

"Daniel, hindi iyon ganoon kadali. Hindi papayag ang ina niya," aniya. "Kahit dalhin mo pa sa korte ang laban. Alam mong nasa batas na dapat ay nasa piling ng ina ang bata kung ito ay wala pa sa pitong taong gulang. Hindi ba, Gido?"

Tumango si Gido. "Ganoon nga sinasabi ng batas. Malibang mapatunayan na hindi mabibigyan ng ina ng magandang buhay ang bata, o, malalagay sa panganib ang buhay ng bata dahil sa aspetong phsycological ng ina."

"I will get him. Sa kahit na anong paraan," matigas na sabi ni Daniel. "Palabasin siyang incompetent, o kahit na ano just to win my case. Kahit gumamit pa ako ng blackmail."

"Hindi mo iyon magagawa," umiiling na wika ni Celine.

"Magagawa ko. Kaya kong gawin," matigas na saad ni Daniel. Pagkuwa'y pinukol siya ng malamig na tingin. "Bakit? Ayaw mong ikaw, tayo, ang magpalaki sa kanya?"

Shit. Pakiramdam niya ay bigla siyang naipit. "Daniel hindi iyon ang punto ko. Inilalagay ko lamang ang sarili ko sa sitwasyon ni Ciara bilang ina."

Tumikhim si Lino. "Sa tingin ko, ibibigay ni Ciara ang bata kay Daniel." Napamata si Celine kay Lino. "Kung nabasa ninyo ang pahabol na report, nakalagay sa imbistigasyon na may cancer si Ciara. Malala na. I think her days were numbered kaya kinontak niya si Daniel para dito iwanan si Hugo."

"Hindi namin alam ang tungkol riyan," aniya, nagtatanong ang mga matang ipinukol kay Gido.

"Nasa report iyon, kasama ng DNA result na ibinigay ko noong..." nagpreno sa pagsasalita si Gido. "...noong huling punta ko dito. I think nabanggit ko rin iyon noong unang mag-usap kami ni Daniel. Pero kung nakita ninyo iyong mga litrato sa e-mail, hindi maipagkakaila na may sakit doon si Ciara. Tama marahil si Lino na balak ibinigay ni Ciara ang pangangalaga kay Hugo sa ama nito dahil walang malapit na kamag-anak si Ciara. Teenager pa lang ay solong namumuhay na ito. Hindi malaman kung may mga kamag-anak pa ba, o wala na."

Oo nga pala. Hindi na nga pala niya nabasa ang buong report dahil sa pagwawala ni Daniel. Tanging ang DNA result ang nakita niya. At wala rin namang siyang alam tungkol sa mga pictures na nasa e-mail umano ni Daniel.

"Wala pa lang magiging problema kung ganoon," ani Daniel. "Kontakin mo siya, Gido. We'll see her as soon as possible."

"Sige." Nang tumunog ang telepono ni Gido ay nagpa-excuse ito para sagutin iyon. "What?" mataas at may bahid ng pag-aalala ang tinig nito kaya naman nakuha nito ang mga atensiyon nila. "Sige, sige. Ikaw muna ang bahala riyan." Nagmadali si Gido na bumalik sa upuan nito. "Ang tauhan ko na inutusan kong magbantay sa mag-ina—kina Ciara at Hugo, ang sabi ay isinugod daw sa hospital si Ciara. Must be her Cancer."

"We need to see her now, Daniel," ani ni Celine. "Baka walang tumitingin ngayon kay Hugo."

Umayon si Daniel. 

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon