Part 8

1.6K 71 0
                                    

"ONE AND a half million from that table!"

The crowd gasped collectively. Maging si Celine ay napasinghap. Ang huling bid ay isang milyon pero itinaas iyon ni Daniel sa isa at kalahating milyon. Sa halip na isang milyon at isang daang libo—dahil isandaang libo ang naging pattern ng pag-akyat ng bid—itinaas agad iyon ng kanyang asawa sa isa at kalahating milyon. Tulad ng sabi ni Daniel ay marami ngang lumahok sa bidding ng helmet ni Marc pero nang umabot na ng isang milyon ay unti-unting nawala ang mga ito. Si Daniel at isa pa ang natitirang nagtutunggali.

"One point six million, anybody?" tanong ng nagpapa-bid. Walang umimik. Kapag wala nang nag-bid sa halagang iyon ay si Daniel ang panalo sa bidding. Sure alam ni Celine ang plano ni Daniel na lumaban para lamang pataasin ang presyo ng item pero hindi niya inakala na aabot ng ganito kalaki ang bid. "So, one point five million, going once, going tw—"

"Two million!" sabi ng isa.

Tinanggap ng announcer ang bid. "Two million it is. Going once, going—"

"Three million," ani ni Daniel. Napatanga si Celine sa asawa. Noon niya napagtanto na parang may mali. May kung anong emosyon sa mga mata ni Daniel na minsan na niyang nakita. Kumabog ang dibdib niya.

"Four million," agad na sabi ng isang bidder. Muli ay namangha at napasinghap ang lahat na ang atensiyon ay nasa tagisan na nina Daniel at ng sa pang bidder. Apat na milyon para sa isang helmet?! Walang duda na fanatic ni Marc Marquez ang nagbi-bid. He'll do anything to have a piece of his idol.

Batid ni Celine na hindi magpapatalo si Daniel dahil sa kondisyon nito ngayon. Inapuhap niya ang palad nito at marahang pinisil iyon. Sinulyapan siya ni Daniel, na para bang noon lang nito napuna na naroon siya. Mukhang noon rin lang nga nito napuna kung ano na ang nangyayari. Lumunok ito bago naging malikot ang mga mata. Umaatake ang mood swing ng asawa niya, sigurado na siya roon.

"Four million. Going once... going twic—e... going thric—e." The announcer said the final word pero wala ng lumaban kaya technically panalo na ang nag-bid ng four million. "And...four million pesos it is! Congratulations," bati ng announcer sa nanalong bidder.

"DANIEL..." Alanganing tawag niya sa asawa. Nakauwi na sila. Hindi umiimik si Daniel, ni walang isang salita na namutawi sa labi nito. Pagkababa ng kotse ay dere-deretso na ito sa kanilang silid at humiga. Matamlay ito. May ulap na tumatabon sa mga mata. Pagkaraan ng ilang segundo ay tila spring na lumundag ng kama si Daniel at derederetsong tinungo ang banyo. Napasunod si Celine. Hindi pa man siya nakakapasok sa banyo ay rinig na niya ang pagduwal ng asawa. Pagsusuka. Alam ni Celine na isa iyon sa mga idinudulot ng Porphyria. Naabutan niya ang asawa na nakaupo sa lapag, nakatunghay sa inidoro at patuloy na inilalabas ang mga laman ng tiyan. Dinaluhan niya si Daniel at hinaplos ang likod.

Makalipas ang ilang sandali ay tumayo si Daniel. He flushed the toilet. Pagkuwa'y nagmumog at naghilamos. Kumuha naman si Celine ng face towel at tinuyo ang basang mukha ng asawa. Naisip ni Celine kung ayos lang kaya na tanungin niya ang asawa ng 'are you okay?' gayong halata naman na hindi ito okay. Daniel is feeling sick. Palabas na sila ng banyo nang muling pumihit si Danil at doon sa lababo inabutan ng pagsuka. Ang tanging nagagawa lang ni Celine ay haplusin ang likod ni Daniel at iparamdam rito na naroon lang siya sa tabi nito.

Nang makatapos sa pagsusuka ay halatang hinang-hina na si Daniel. Inalalayan ni Celine ang asawa hanggang sa makahiga ito sa kama. Tinanggal niya ang suot nitong sapatos at medyas. Inalalayan din sa paghuhubad ng coat at polo. "Gusto mo ng mainit na sabaw? Or anything to eat?" malumanay na tanong niya. No, hindi siya magpa-panic. Marami na siyang kaalaman sa sakit ng asawa.

"Just get Christopher," usal nito. Sa hina ng tinig ay muntikan ng hindi iyon umabot sa pandinig ni Celine.

"Okay," aniya bago lumabas ng silid at pinuntahan ang nursery. Kapag umaalis sila ng isa o dalawang oras lamang ay iniiwan na nila ang bata sa yaya nito. Lagi naman nilang itsini-check ang kondisyon nito at siyempre ang mahihigpit na bilin sa yaya.

Si Christoff ay gising na gising. Nasa crib ito at naglalaro. Ang yaya naman ay nakaupo sa isang silya at nagbabantay. "Ma'am, nakarating na po pala kayo?" anito ng mapansin siya.

"Oo. Puwede ka ng pumunta sa silid mo at magpahinga, ako na ang bahala kay Christoff. Itatabi namin siya sa pagtulog. Salamat." Narinig marahil ang tinig niya, hinahap siya ng mga mata ng bata. Nang makita siya ay sumilay ang ngiti sa labi nito bago nagkakawag, nagpapakuha sa kanya. Kinarga niya ito at pinupog ng halik.

Bumalik siya ng master bedroom karga ang anak. Patagilid nang nakahiga si Daniel. "Hello, Daddy," aniya bago ibinaba ang bata sa kama. Hindi nakaligtas sa kanya ang manipis na ngiting gumuhit sa labi ni Daniel nang gumapang si Christopher papalapit rito. Christopher climed on Daniel's body. Nang makalapit sa may mukha ng ama ay pinisil-pisil ang ilong ni Daniel. "Daa—a. Daaa." The child giggle. Hindi gumagalaw si Daniel bagaman, nakaalalay ang isang kamay nito sa bata. "Wooh."

Si Celine ay kumuha na ng damit na pampalit sa suot niya. Habang nagbibihis ay hindi niya maiwang maalala ang unang beses na nakita niyang ganito ang kondisyon ni Daniel. Sa totoo lang ay wala pa nga ito kesa sa unang atake na nasaksihan niya. Ang atake kung saan halos mamilipit si Daniel sa sakit ng tiyan. Daniel was so edgy then. Ngayon ay matamlay lang ito at tahimik.

Sino nga ba ang mag-aakala na ang lalaking ganito ka lakas at halos sambahin ng mga kababaihan ang pisikal na anyo ay may hindi pangkaraniwang sakit?

"Ga—ah," usal ni Christoff bago idinikit ang mukha sa mukha ng ama. "Gaaaa. Dyyy." He looks as if he was cheering up his father. Kunsabagay, sa tuwina ay masigasig si Daniel sa pakikipaglaro at pagkausap sa anak. Kaya ngayong nananahimik ito marahil ay nahiwatigan ng bata na may dinaramdam ang ama nito.

"Hey," tawag niya sa asawa. He looks so vulnerable. "I love you." Sa mga ganitong pagkakataon, dapat na marinig ng kanyang asawa na mahal niya ito. Na sa tuwina ay nasa tabi siya nito. Kahit na ano pa ang mangyari.

"I love you, too. I'm... I'm usually like this. Bigla-bigla na lang inaatake ng mood swings, abdominal pain, vomiting, and some crazy things. B-bigla na lang akong nalulungkot at nananamlay kahit walang dahilan," tugon naman ni Daniel na may pilit na ngiti sa labi. Ang mga mata nito ay natatabingan ng kung anong ulap. Ni hindi niya mabasa kung ano ang iniisip ng asawa.

"Hindi mo kailangang magpaliwanag," aniya.

Pilit na ngumiti si Daniel, nasa mga mata ang pasasalamat. Binalingan nito si Christoff at hinaplos-haplos.

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon