Part 21

1.2K 69 1
                                    

NAALIMPUNGATAN si Celine nang maulinigan niya ang pag-ingit at marahang pag-iyak ni Christopher. Bumangon siya mula sa kinahihigaang sofa. Sinulyapan ang asawa na payapa pa ring natutulog. Alas onse na ng gabi. Daniel's been sleeping for almost eight hours now. Hindi na nga niya ito tinabihan dahil baka magising ito kapag sumampa rin siya sa kama. Tinungo ni Celine ang connecting door na nakabukas at dinaluhan ang anak. "Hey, sweetheart..."

"Ma-ah," he murmured. Sumisigok-sigok pa ito. "Ma—maa."

Kinarga niya ang anak. At inihimlay sa kanyang dibdib. "Shhh. Don't cry baka magising ang daddy. Nagugutom ka ba, ha?" magiliw na tanong niya. Naupo siya sa rocking chair at ineksamin ang diaper nito. Basa iyon pero walang dumi. Celine decided to change his diaper. Pagkatapos ay pinadede niya ito. Kabaligtaran sa inaasahan niya na matutulog muli ang bata, mulat na mulat ang mga mata ni Christopher. Nakatingin ito sa kanya habang dumedede. Nag-init tuloy ang mga mata niya nang maisip niya na paano kaya kung namana ni Christopher ang sakit ng ama? Hindi napigilan ni Celine ang emosyon, tumulo ang mga luha niya. It would surely break her heart. Sino ba namang ina ang may gusto na makitang nahihirapan at may sakit ang anak niya? Kaya nga saludo siya sa mga magulang ni Daniel. Of course, she would love and protect her child no matter what. Pero ibang usapin kung nakikita mong may dinaramdam ang anak mo. Walang lunas ang Porphyria. Kaninong pusong-ina ang hindi madudurog kapag sumusumpong ang mga atake?

Bumuga siya ng hangin para pagluwagin ang damdamin. Pinahid niya ang mga luha. Celine kissed her child's head and held him close to her heart. Lalaki kang mabuting anak, Christoff. And you would also love your father unconditionally. Poprotektahan natin ang daddy mo, Christoff. Mamahalin at aalagaan. Hindi tayo mapapagod. Hindi natin siya susukuan.

Dahil naiipit marahil sa yakap niya, umingit ang bata. "Sorry," natatawang wika niya bago niluwagan ang pagkakayakap. Tumigil sa pagdede ang bata. The child giggled. Inaabot ang buhok niya. "What? You want to play with mommy? Ha?" Ngumiti ang bata. Nanghaba ang nguso nito na para bang sumisipol. Kiniliti niya ito. Mahina lang ang hagikhik nito noong, hanggang sa lumakas iyon. Na kahit simpleng 'bulaga' ay tinatawanan nito.

Hanggang sa lumitaw sa may pintuan ang bulto ng katawan ni Daniel. Magulo ang buhok at nakapaa. Still shirtless. Kung kanina ay para itong lantang halaman, ngayon ay tila nadiligan at naarawan ang halamang iyon. Masigla na uli ang kanyang asawa. Para na uli itong makapangyarihang nilalang na walang sino mang kinatatakutan. She gave her alpha male a hearty smile. Daniel grinned back. "Christoff, guess who's on the door." Iniharap niya ang anak sa may pintuan. "It's daddy!"

Nagkakawag ang bata pagkakita sa ama. "Daa—dyyyy."

"Hello, little king," sabi ni Daniel bago malalaki ang hakbang na pumasok at nilapitan sila. Daniel kissed her head. Pagkuwa'y kinuha nito sa kanya ang bata at marahang itinataas sa ere. Tuwang-tuwa naman si Christopher. He was giggling and laughing. Tumataba ang puso ni Celine sa eksenang iyon. Siguradong naka-record ang sandaling iyon sa CCTV, kukuha siya ng kopya niyon katulad ng iba pang videos na kinuha niya at ikino-compile. Balang-araw ay mapapanood ni Christopher ang mga videos na iyon and he would know how much his father loves him. Pero kahit walang videos, walang duda na malalaman ni Christopher na mahal na mahal ito ng ama. Dahil ipinaparamdam at sinasabi ni Daniel ang pagmamahal nito.

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon