Part 40

1.2K 51 1
                                    

Amsterdam

"ANO?!" bulalas ni Lino sa report na natanggap. Napatayo pa siya mula sa kinauupuan. "Sigurado ka ba?"

"Siguradong-sigurado, Sir Avelino. May irregularities akong nakita sa mga libro. Libro nitong nakalipas na anim na buwan," tugon ni Donie Rajo, isang accountant. Ito ang kinontrata nila ni Daniel sa loob ng dalawang taon para i-check taun-taon ang mga financial accounts ni Daniel Cavelli at Avelino 'Lino' Razon. Oo, si Peter nga ang kanilang accountant pero lingid sa kaalaman nito ay kumukuha sila ng serbisyo ng ibang auditor at accountant para i-check kung balanse ang mga libro. Sa loob ng mga nakaraang taon ay balanse ang mga libro, ngayon lamang nagkaroon ng ulat ng iregularidad. "Ilang beses ko na pong sinuri ang libro at sinigurong tama ang findings ko bago ko kayo tinawagan para magreport."

Nahaplos ni Lino ang kanyang panga. "Ilan ang diperensiya?"

"About ten million, Sir."

"Ganoon kalaki?" paniniguro niya. What the fuck! Dalawa lang ang puwedeng nangyari: nagkamali si Peter, o sadyang pinagtakpan nito ang irregulaties. Daniel Cavelli is worth billions of peso. Hindi iindahin ni Daniel ang sampung milyon. Pera lamang iyon. Sa isang investment o paglalaro sa stock market ay madaling kikitain ni Daniel ang perang iyon. Kailanman ay hindi naging issue kay Daniel ang pera o kahit na ano mang kayamanan. No, hindi iindahin ni Daniel ang sampung milyon...pero iindahin nito ang tiwalang nasira. Iindahin nito ang pagtatraydor, at ang huwad na pagkakaibigan.

"Yes, Sir. Sa totoo lang po ay hindi madaling makita ang irregularities dahil tila maayos at balanse ang mga libro sa unang tingin. Kung duda kayo, puwede kayong humingi ng iba pang opinion. Pagdating naman sa account ninyo ay wala hong problema."

"Listen. Gusto kitang makausap ng personal. Pupuntahan kita riyan. Magpapabook na agad ako ng biyahe pabalik ng Pilipinas. Gusto ko ring tingnan mo ang mga nakaraang libro, tingnan maige kung may mali rin ba sa mga iyon."

"Walang problema, Sir. Sa inyo ho ako unang nagreport tulad ng instruksiyon ninyo. Ngayong nakapagbigay na ho ako ng report sa inyo, puwede na ho ba akong magbigay ng report kay Mr. Cavelli?"

Umiling siya kahit kausap lamang ito sa telepono. "Hindi. Ako na ang gagawa niyan. Ako ang bahalang kumausap sa kanya. Huwag kang gagawa ng ano mang hakbang na walang pahintulot ko. Ako ang bahalang magparating kay Daniel ng balita." Masamang balita.

"Roger that, Sir."

"And please Donie, wala munang ibang makakaalam. Nagkakaintindihan ba tayo? Lalong ayaw ko na magkaroon ng hinala ang accountant namin sa natuklasan mo."

"Puwede n'yo akong pagkatiwalaan, Sir. Malinaw kong naiintindihan ang gusto ninyong mangyari."

"Good. Thank you." Ibinaba ni Lino ang telepono. Hindi pa napapatunayan na may kasalanan si Peter pero parang puputok sa galit ang dibdib ni Lino. What the hell is happening? Trinaydor ba ni Peter si Daniel? Paanong nagawa nito iyon gayung patas si Daniel at hindi mabagsik na amo. Itinuturing nitong kaibigan at hindi tauhan ang mga pinagkakatiwalan nito. Kung suweldo rin lang ang pag-uusapan, hinding-hindi masasabi na dehado si Peter sa aspetong iyon. Kapos ba o may problema sa pera si Peter? Bakit hindi ito nagsabi? What? Nasilaw ba ito sa pera at inakalang kayang-kaya nitong pagtakpan ang lahat? Inakala nito na ito lang ang may hawak ng lahat ng financial accounts ni Daniel? Na hindi sila kumukuha ng iba pang auditor at accountant? Damn it. Paano niya ibabalita ang bagay na iyon kay Daniel? It would surely upset him. Hindi iyon basta-basta palalampasin ni Daniel.

Sinuri ni Lino ang phonebook niya, hinanap ang particular na pangalan. Nang makita ay idinayal niya iyon. Isang ring. Dalawa. Tatlo... Naputol ang pagri-ring. Someone from the other line accepted his call. "Brod, kailangan ko nga ng tulong mo at ng mga tauhan mo," tugon niya. "Gusto kong magpaimbistiga ng tao. Mga tao." Sinabi niya ang gusto niyang mangyari.

"Consider it done," anito.



SAMANTALA, sa condo unit na pag-aari ni Peter ay hindi ito mapalagay at panay ang paroo't-paritong paglalakad.

"Maupo ka nga, Peter! Nahihilo ako sa 'yo," sabi ng bisita ni Peter.

Naupo naman si Peter. Ang mga mata ay tuliro, ang mga kamay ay bahagyang nanginginig. Natatakot ito at hindi nito maitago ang bagay na iyon. "Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at pinasok ko ang kawalanghiyaang ito. Daniel's been good to me. Oh, what have I done?" bulalas nito bago isinubsob ang mukha sa mga palad.

"Relax. Hindi ka mahuhuli ni Daniel. Hindi niya tayo mahuhuli."

Tumayo si Peter. Nagtungo sa kanyang bar. Kumuha ng alak, binuksan iyon at nagsalin sa baso bago dinala sa bibig at sinaid. Naramdaman niya ang init na gumuhit sa lalamunan niya pababa sa kanyang tiyan. Agad siyang nagsalin at muli ay tinungga iyon.

Tumayo ang bisita at sinamahan si Peter sa bar. Kumuha rin ito ng baso at sinalinan iyon ng alak. "Tandaan mo, Peter. Wala ng atrasan 'to. At lalong hindi ka na puwedeng kumalas," anito bago tinungga ang alak. "Handa na ang lahat, Peter. Planado na. All we need to do is execute the plan. And we will execute it as soon as possible."

"Fuck," usal ni Peter.

"I know. So don't do anything foolish that can blow us up."

"Paano si Lino?" tanong ni Peter.

"Ako ang bahala kay Lino. Hindi siya magiging sagabal sa plano. Iyon ang sisiguruhin ko. So, relax, will you? We've got this."

Tumunog ang telepono ni Peter, nang tingnan kung sino ang tumatawag ay nakita niyang si Lino iyon. "Si Lino," usal niya sa kasama. Lumunok siya at kinalma ang sarili bago tinanggap ang tawag. "Lino," aniya.

"Peter, puwede mo bang linisin ang schedule mo sa Biyernes? Biyernes ng hapon?" tanong ni Lino.

"Okay. Walang problema. Pero bakit?"

"Nariyan na ako sa Pilipinas sa Biyernes ng hapon. Gusto ko sanang makipagmeeting sa 'yo tungkol sa ilang bagay. Maaari bang pumunta ka sa condo ko?"

"Agad-agad?" kunot-noong tanong ni Peter. "I mean, hindi ka man lang ba muna magpapahinga?" Napatingin si Peter sa bisita. Nakita niyang nakataas ang isang kilay nito, nasa mukha ang kuryosidad sa kung ano ang pinag-uusapan nila ni Lino.

"No. Importanteng bagay ito at hindi puwedeng ipagpaliban," ani ni Lino.

"Sige. Walang problema." Naputol na ang linya. Ibinaba niya sa gilid ng bar ang cell phone. "Si Lino, narito na daw siya sa Biyernes ng hapon. May gusto siyang i-discuss sa akin."

"Hmm..." reaksiyon nito.

"Anong iniisip mo?" tanong ni Peter nang makita ang mapagplanong kislap ng mga mata nito.

Ngumisi ang bisita. "Timing. Perfect timing to execute the plan."

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon