Part 53

1.3K 54 1
                                    


"ANAK, kumain ka muna," anang nanay ni Celine sabay dampi sa balikat niya.

Umiling siya. Kasabay niyon ang pagtulo ng luha niya. "H-hindi ho ako nagugutom. Ang mga bata po?" Hinawakan niya ang palad ng walang malay na si Daniel. Agad na dumating ang driver na si Lando at ang mga security personnel ng Cavelli Place. Mabilis na isinugod nila sa hospital si Daniel. Thank God dumating sila sa tamang oras. Nailigtas ang buhay ni Daniel, natanggal na rin ang bala sa balikat nito. Hindi pa nga lang ito nagkakamalay.

Celine kissed Daniel's hand. Hindi sila binitiwan ni Daniel, hindi ito sumuko, hindi tuluyang nagpadala sa agos ng atake. Kinapitan nito ang pagmamahal para sa kanila kaya kahit sa gitna ng madilim na atake nito ay nagawa pa rin nitong iligtas sila. Love, indeed, is a powerful feeling.

"Katatawag lang ng kapatid mo. Tulog na daw ang mga bata," tugon ng nanay niya.

"Celine!" sabi ng humahangos na mga tinig. Paglingon niya nakita niya sina Riza at Marc. Napatayo siya. Yumakap siya kay Riza at umiyak sa balikat nito. "My God! I'm sorry... N-nag-aalala rin kami para kay Lino kaya umuwi kaming mag-asawa. Hindi namin inakala na... na... Oh, my God..." Si Marc ay hinaplos din ang likod niya.

Ang nanay niya ay sumenyas na tutungo sa kabilang silid. Sinagot niya iyon ng tango. Nang bahagyang kumalma ay humiwalay na si Celine sa yakap. "H-hindi ako makapaniwala sa nangyari," masakit ang dibdib na tugon niya. At muli ay naglandas ang maiinit na luha sa mga mata niya. Ikinuwento niya ang naganap sa penthouse. "A-ang bilis ng mga pangyayari. 'Yong mga taong pinagkatiwalaan namin, itinuring na mga kaibigan ang siyang gagawa ng ganoon. Parang bangungot lang ang lahat. Nagawa nilang malaman ang password sa private elevator kaya hindi nalaman sa lobby ang pagpasok nila. May susi sila ng penthouse, may signal jammer kaya walang signal ang cellphone, inalis ang CCTV's, pinutol ang linya ng landline, pati mga alarms ay sinabotahe nila. P-pinag-isipan nila ang lahat..." daing niya. "P-pinagplanuhan nila ang lahat para lamang makamkam ang pera ni Daniel. Pati ang walang muwang na bata ay ginamit nila."

"Devil!" galit na wika ni Marc.

"Hindi hinayaan ng Diyos na magtagumpay ang plano nila," ani ni Riza. "God! Sa panahon ngayon ay hindi na talaga natin alam kung sino pa ang puwedeng pagkatiwalaan."

"How's Daniel and Lino?" tanong ni Marc.

"Stable na ang lagay ni Lino. Successful ang operasyon. The doctors said, he'll be all right. Nailipat na siya sa recovery room, sa kabilang silid. N-nandoon ngayon si tatay. Daniel's okay, too. Hinihintay ko na lang na magising siya," tugon niya. Salamat sa Diyos at

Dumaan ang ilang sandaling katahimikan.

"I heard sinadya ang sira sa preno ng sasakyan ni Lino, pati sa airbag" ani ni Marc. "Malinaw na ginalaw ang sasakyan ni Lino."

"Hindi daw sina Gido ang may gawa niyon. Baka daw ang may gawa niyon ay ang taong naapakan niya sa gagawin niyang pagte-take over ng DeKart Corporation. Kaya nga umuupa ako ng mga tao para magbantay sa silid niya."

"Hindi nga malabo na magkaroon ng kaaway si Lino dahil sa DeKart. Don't worry, ako ang bahala sa pagpapaimbistiga sa nangyari kay Lino. Sisiguraduhin ko na magbabayad ang may sala," tiim ang bagang na wika ni Marc.

"Hindi rin iyon palalampasin ni Daniel." Sa ugali ni Daniel hindi nga malabong gawin nito iyon. Daniel would let them suffer. Ipaparamdam nito sa mga taong iyon na nagkamali ang mga ito ng kinanti. "A-ang hindi ko maintindihan ay kung bakit umuwi si Lino ng Pilipinas na hindi namin nalalaman. Hindi iyon gawain ni Lino. He always let us know when he's coming."

"Pasasaan ba at malilinawan din ang lahat," ani ni Riza. "Magpahinga ka na rin, Ce. You look so tired and restless. Magiging maayos na ang lahat..."

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon