Part 49

1.1K 45 1
                                    

Dahan-dahang binuksan ni Daniel ang pinto...

"Hello, Daniel," sabi ng tinig na agad nakilala ni Celine na pag-aari ni Peter.

"Peter...? Peter, ano'ng... ano'ng ibig sabihin nito?" galit at hindi makapaniwalang tanong ni Daniel. Iyon ang pumigil sa tangkang paglapit ni Celine. What the hell is happening? S-si Peter ang nanloob?

"Ibaba mo ang hawak mong baril, Daniel. Kung ayaw mong kumalat ang utak ng anak mo dito," narinig niyang wika ni Peter.

"Peter! Put that gun down, damn it! What's wrong with you?" malakas ang tinig na wika ni Daniel.

Nasindak si Celine sa narinig. Anong baril? Anong pagkalat ng utak ng anak nila? "Dyyyy!" palahaw naman ni Christopher.

Pagkarinig sa anak ay hindi na nagpaawat si Celine at sumunod kay Daniel. "Celine stay inside," utos ni Daniel.

Pero hindi siya nagpaawat at inusisa ang nagaganap sa maliit na siwang ng nakabukas na pinto. "Oh, my God—" tila itinulos si Celine sa kinatatayuan sa kanyang nasaksihan. Si Peter, hawak si Christopher at nakatutok sa ulo ng luhaang bata ang baril. Pakiramdam ni Celine ay na-drain ang lahat ng dugo niya sa katawan. "Oh, my God, Oh, my God..." tutop ang bibig na bulalas niya. "P-Peter, ano'ng ginagawa mo? I-ibaba mo ang baril, nakikiusap ako. Baka...baka aksidenteng makalabit mo ang gatilyo niyan. A-akin na ang anak ko..." pakiusap niya, pakiramdam niya ay hihimatayin siya sa eksenang iyon. Hindi siya napigil ni Daniel ng tuluyang lumabas siya at abutin ang kanyang anak. "P-Peter..." luhaang wika niya. "A-ang anak ko, akin na si Christopher. P-please..."

"Diyan ka lang, Celine!" matigas na utos ni Peter. Napahagulhol na si Celine. "Daniel, ibababa mo ba ang baril mo o hindi?" baling nito kay Daniel bago idiniin ang dulo ng baril sa ulo ni Christopher.

"N-no, no, no!" natatarantang wika ni Celine. "Please, no!" hagulhol niya, takot na takot para sa anak. Binalingan niya ang asawa. "Daniel, ibaba mo ang baril na iyan. Ano pa ba ang hinihintay mo?! Sundin mo na siya!" singhal niya.

"Daa—Dyyy! Maaa!" patuloy na palahaw ni Christoff.

"Oh, God, Christopher, anak... Diyos ko, Diyos ko... Daniel put the gun down, please."

Tiim ang bagang na ibinaba ni Daniel ang baril.

Humalakhak si Peter. "Ganyan nga. Ngayon, ilapag mo sa sahig ang baril, Daniel. Pagkatapos ay sipain mo patungo rito. Huwag na huwag kang magkakamali ng kilos dahil hinding-hindi ako mangingiming iputok ito."

"Daniel please, sundin mo siya," umiiyak sa takot na wika ni Celine. Sa namumulang mga mata ni Peter at sa pagsinghot-singhot ay hindi maikakaila na nasa ilalim ito ng impluwensiya ng droga. There was no hint of fear in his eyes. Para bang wala silang ano mang halaga para rito. Why he was doing this? Ano ang kasalanan nila?

Sumunod naman si Daniel, ibinaba ang baril at sinipa iyon patungo sa kinatatayuan ni Peter. "Hindi ko alam kung ano ang kasalan ko sa 'yo para gawin mo ang bagay na ito," malamig ang tinig na wika ni Daniel. "Pero huwag mong saktan ang pamilya ko. Huwag mong saktan ang mga anak ko, Peter. Let them go."

Takot na takot si Celine. Lalo pa at nakita niyang mariing nakakuyom ang mga kamao ng asawa. She knew there was a raging anger inside him. Nilapitan niya ang asawa, ikinapit sa braso nito ang nanginginig na mga palad bago iyinuko ang ulo. Diyos ko, sana ay hindi siya atakihin uli ng depresyon...

"Mga anak?" tila nakakalokong tanong ni Peter. Umupo ito at dinampot ang baril ni Daniel. "Isa lang ang anak mo. Ito lang," inginuso nito ang hawak na bata. "'Yong isa? Si Hugo? Anak 'yon ni Gido."

Parang nanlaki ang ulo ni Celine sa narinig. She was shocked, too shocked to respond. Si Daniel ay ramdam din niya ang mas tensiyunadong katawan. Nag-angat siya ng ulo. Napatingin siya sa silid ng mga bata. Siya namang paglabas roon ng isang tao karga si Hugo.

"G-Gido..." Ni hindi alam ni Celine kung nagkaroon ng boses ang pagbigkas na iyon. Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig. Kung si Christopher ay walang ingat ang pagkarga at tinututukan pa ng baril, si Hugo ay walang baril na nakatutok at maingat itong karga ni Gido. "G-Gido, ano ang ibig sabihin nito?" hilam ang luha na tanong niya. Mariing kinakagat niya ang dila, umaasang panaginip lang ang lahat ng iyon. But she could feel the pain, and the terror. Magkasabwat sina Gido at Peter sa panloloob sa kanila. Kaya nakapasok ang mga ito kahit secured ang pinto nila, kaya nasabotahe ang mga CCTV, kaya— God! Siyempre, alam nila ang mga pasikot-sikot sa penthouse. Alam nila kung papaano makakapasok na hindi gagana ang alarma ng penthouse. At ang telepono? Ang kawalan ng signal ng cell phone niya? Siguradong kagagawan rin iyon ng mga ito.

Naupo si Gido sa sofa. "Narinig n'yo si Peter. Ako ang ama ni Hugo."

"Putang ina, ninyo!" sigaw ni Daniel. Pulang-pula ang mukha nito sa galit, parang bulkan na sasabog. Umakto ito na susugurin si Gido. Ni hindi ito napigilan ni Celine. Subali't nakakailang hakbang pa lang ay umalingawngaw na ang putok ng baril.

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon