Part 54

1.4K 59 2
                                    


DANIEL turned rampant. Nagdidilim ang paningin niya. Parang sasabog ang ulo at dibdib niya sa nagsisiksikang galit at poot habang sa isipan ay nakikita niya ang demonyong humahalakhak. Naririndi siya, natutuliro. Gusto niyang durugin ang lahat ng lahat ng mahakan niya. Gusto niyang ibalibag at basagin ang lahat ng maabot niya. Tapon dito. Tapon doon. Binabalibag, binabasag, binabaliktad niya ang ano mang mahawakan. He was so furious and totally frantic. Something was screaming in his head. Para siyang mababaliw. Nagkukumawala ang lakas at enerhiya niya. Daniel didn't even know why he was doing it. Basta sinusunod lang niya ang dikta ng madilim na isipan. Lahat ng madaanan niya ay gusto niyang durugin at itulak.

"Daniel please hold on!" Hiyaw ng isang tinig na rumihistro sa pandinig ni Daniel. Something jolted in him. Was it his heart? Parang kilala niya ang tinig na iyon. C-Celine...? "Huwag kang bumitaw, please. I love you! Oh, my God. Oh, my God...." sabi ng tinig.

Isang munting ilaw ang tinig na iyon sa kanyang madilim na paningin. At ang tumatawang demonyo ay pilit na pinapatay ang munting ilaw na iyon. No, no. Hindi niya iyon papayagan. He will hold on to that small light. Please, God, help me. Help us, nausal niya sa isipan. And then just like that, sa isang iglap ay nahawi ang madilim na kurtina ng kanyang paningin. Parang bula na pumutok sa kawalan ang demonyong humahalakhak sa isipan niya. Sa isang iglap ay bumalik sa isipan niya ang sitwasyong kinasusuungan ng pamilya niya at panganib na nakaamba.

You're smart, Daniel. Kapag pinagana mo ang puso at isipan, laging malalaman mo kung ano ang gagawin mo. In times of trouble always trust and listen to your heart, sa kung anong dahilan ay umalingawngaw ang tinig na iyon ng kanyang ama. It was one of the many wisdoms his father had told him under the night-sky.

"Sige, Daniel, pinadadali mo lang ang pagse-set up namin sa iyo. Turn this place upside down. Put your finger prints in them," narinig niya ang demonyong tinig ni Peter.

Kaya umakto pa rin si Daniel na nagwawala. But he had control of everything now. Alam niya kung ano ang gagawin. Kutsilyo. Kailangan niya ng mga kutsilyo. Itinuon niya ang deriksiyon ng kunwari pa ring pagwawala niya sa kusina. He threw everything. Habang gumagalaw ay palihim niyang tinitingnan ang eksaktong posisyon ng mga target niya. Hindi siya magmimintis. He had it calculated in his mind. He will show no mercy. He will give them a fatal shot that would drag them to hell. Doon ang mga ito nababagay, sa impyerno. Nahawakan niya ang mga kutsilyo at tila naglalaro lamang ng dart na ipinukol ang mga iyon...

Malakas na suminghap si Daniel kasabay ng pagmumulat ng mga mata. Sa loob ng ilang sandali ay nakatitig lamang siya puting kisame ng hospital. Oo, batid niyang nasa hospital na siya. Nararamdaman niya ang kirot sa balikat niya pero mas nararamdaman niya ang init na nagmumula sa palad niya. Dumederetso ang init na iyon sa puso niya. Nang ituon niya doon ang paningin. Nakita niya ang asawa na nakayukyok sa gilid ng kama habang ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa palad niya.

Otomatik na namuo ang luha sa mga mata ni Daniel at tuloy-tuloy iyong naglandas sa pisngi niya. Naaksidente si Lino, Nagtraydor sina Peter at Gido, Hindi niya anak si Hugo... sa lahat ng mga pangyayaring iyon, nagpapasalamat pa rin siya na ligtas na sila. God is good. Tinulungan siya Nito. Binigyan ng liwanag gamit ang pagmamahal ni Celine.

Naalimpungatan marahil na gising na siya, nagtaas ng ulo si Celine. And in an instant, she cried. They cried. Yumakap sa kanya ang asawa at pareho nilang iniluha ang nangyari.

"Nasaan si Christopher?" tanong niya. "Si Hugo?"

"He's fine. They're fine. Nasa kapatid ko ang mga bata, natutulog daw." Ikinulong nito sa mga palad ang kanyang mukha. "Ligtas din si Lino. Magigising siya ano mang oras."

"T-thank God," nangangatal ang labi na bulalas niya.

"Thank you for saving us."

Umiling siya. "Ikaw ang nagligtas sa akin. Ikaw ang nagligtas sa atin. I heard your voice and I hold on to that. Oh, God..." Hinagkan niya ang labi ng asawa. Agad din naman itong tumugon. Pagkatapos ng halik ay mahigpit na nagyakap sila. Malaki ang epekto sa kanya ng pagtatraydor nina Peter at Gido. Mahirap tanggapin ang nangyari. Para siyang sinaksak ng paulit-ulit. Ni wala man lang siyang nakitang palatandaan na pinagbabalakan na pala siya ng masama. Alam niyang mahihirapan na siyang magtiwala pa. He would be extra careful next time...

Sunshine And You 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon