Anna's POV
"Binibining Bautista maaari mo bang ihayag sa buong klase ang ibig sabihin ng 'El Filibusterismo' binibini?" Tumayo ako ng tuwid sa aking pagkakaupo ng tinawag ako ng aming guro sa Filipino na si Ginoong Ruru.
"Ang 'El Filibusterismo' ay galing sa wikang kastila na ang salin naman sa wikang tagalog ay 'Ang paghahari ng kasakiman'," Natuwa naman si Ginoong Ruru sa aking sinabi.
"Hindi ka lamang maganda binibing Bautista sapagkat biniyayaan ka pa ng katalinuhan," Pagpuri niya sa akin.
Bigla akong nakaramdam ng hiya sapagkat ang mga mata ng mga kaklase ko ay nakatuon sa akin. Kaniya-kaniya ang laman ng kanilang isipan. Marahil ang iba ay naiinggit dahil sa papuri na aking natanggap. Ang iba naman siguro ay namumuhi, na sana sila na lamang ang nakatanggap ng papuri. At ang iba naman siguro ay naiisip na bida-bida ako sa klase.
Hindi ko naman mababago ang ganoong isipan nila. Ganiyan naman sila kapag napupuri ang isa, kinamumuhian ng lahat. Kapag naman may napahiya, tinatawanan at ikinasasaya pa nila.
Mahinhin akong umupo. Ang atensyon ng iba ay nalihis na ngunit ang mga mata ni Berna ay hindi pa din naaalis. Mga mata niyang naiinggit, namumuhi at sakim. Hindi ko maipaliwanag kung bakit siya ganoon sa akin. Parang hindi niya ako kaibigan kung titigan. Isang kaaaway ang nababakas ko sa pagmumukha ni Berna.
"Hayaan mo na si Berna, Anna. Hindi lang niya matanggap na pinuri ka ni sir. Kasi siya kahit anong pagpapasikat ang gawin niya lagi pa din siyang talo," Bulong sa akin ni Cristian. Nawala ang paningin ko kay Berna at dahan-dahan na nilingon si Cristian mula sa aking likuran.
"Hindi ko alam kung pampagaan ba ng loob iyang sinabi mo Cristian o pampabigat?" Tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot bagkus ay mahina lamang siyang natawa.
"Sino sa inyo ang nakaaalam ng pangalan ng palimbagan kung saan inilimbag ni Dr. José Rizal ang kaniyang akdang El Filibusterismo?" Kaagad na nagtaas ng kamay si Berna. Ikunumpas ni sir ang kaniyang kamay upang patayuin si Berna at pasagutin.
"F. Press ni Ghent," Nakangiti niyang sagot sa aming guro. Tumaas naman ang sulok na bahagi ng labi ng guro. Ngumisi ito at makailang beses na umiling.
"Binibining Flores halatang hindi ka nagaaral ng iyong mga leksyon. Baka naman puro ka panunuod ng YG TV," Nagtawanan ang buong klase maliban sa akin. Napayuko si Berna at kuyom ang kaniyang kamao.
"Binibining Bautista marahil ay alam mo ang kasagutan sa aking tanong. Maaari bang ibahagi mo ito kay binibining Flores," Saad ng aming guro.
Galit ang mga mata ni Berna habang pinagmamasdan niya ako. Iniwas ko ang aking paningin sa kaniya at napayuko.
"Paumanhin po Ginoo ngunit hindi ko alam ang kasagutan sa iyong katanungan," Mahinhin kong saad sa kaniya. Tila hindi naman naniwala ang guro sa aking pahayag.
"Ikaw pa ba binibining Bautista? Alam kong alam mo ang kasagutan binibini tila nahihiya ka lamang," Pagkatapos ay bahagya siyang lumapit sa akin. Mas lalo akong nahihiya sa nangyayari. Mas lalo kong nararamdaman ang sumisiklab na poot ng mga mata ni Berna habang nakatingin siya sa akin.
Limang dipa lamang ang layo ni Ginoong Ruru mula sa akin. Sa limang dipa na layo ay parang tambol kung dumagundong ang aking puso. Tensyon at kaba ang nararamdaman ko sa tuwing lalapit siya sa akin. Parang sa tuwing lalapit siya ay may hindi magandang mangyayari sa akin kagaya na lamang ngayon.
"F. Meyer van LooPress ni Ghent," Sagot ko kahit pa na halata ang pagnginig ng aking boses. Nabigla na lamang ako ng biglang dumapo ang kaniyang kamay sa aking buhok at pinadulas iyon hanggang sa aking balikat. Kung kanina ay pagnginig lamang sa aking boses ngayon pati na ang aking katawan ay nanginig na din.
BINABASA MO ANG
Do You Know Anna?
Mystery / Thriller"A murderer who killed a lot of murderers." - SEA_GM DONT READ THIS IF YOU ARE AFRAID OF THE DARK.