WARNING R-18. Some scenes and language may not suutable for very young readers.
“Tatlong araw na ang nakalilipas limang estudyante na ang nababalitang namatay sa isang abandonadong lugar,” Pag-imporma nang professor sa mga kapwa niya.
“Nasisira ang reputasyon ng paaralan dahil sa mga balitang ganyan. Maraming estudyante na ang nababalitaan na ayaw na pumasok sapagkat natatakot sila na baka isa sila sa patayin nang serial killer,” Pahayag nang babaeng guro habang ang siya ay nakahalukipkip.
“Professor Ruru ang mga estudyante nababalitaang namamatay ay nasa hanay mo. Ikaw ang may hawak sa kanila, may balita ka na bang nasagap kung sino ang serial killer?” Tanong nang head teacher kay Ruru. Umiling lamang ang binata sa tanong sa kaniya.
“SUCH A USELESS PROFESSOR! SARILI MONG ESTUDYANTE PARANG WALA KANG PAKIALAM KUNG MAMAMATAY SILA!” Galit na sigaw nang professor kay Ruru habang nakaturo ang hintuturo nito sa kaniya.
“Professor watch your language!” Saway nang head teacher na babae napatayo dahil sa pangyayaring paninigaw.
“Bakit hindi ba?! Kita niyo naman parang wala siyang pakialam talaga! Hindi kaya ikaw yung serial killer na pumapatay sa mga estudyante?!”
“Kung ako nga ang mamamatay tao sana dapat ay hindi na ako nagpakita sa inyo...” Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Ruru bago muling nagsalita.
“You’re being unprofessional professor! You talked like an uneducated man. May I remind you professor that you are at school. Many students might see nor hear you. Just be aware of that,” Matapos sabihin iyon ay kaagad na tumayo si Ruru sa kaniyang swivel chair at naglakad na palabas nang opisina na kanilang pinagpupulungan.
“Unlike you Professor Ruru. A professor who didn’t gave a damn to his students who died three days ago! How cruel you are?! You’re a monster!” Napahinto si Ruru sa kaniyang paglabas ngunit nanatili ang kaniyang kanang kamay sa busol ng pintuan.
“Yes I may acting like a professional here but don’t judge me like you know me well. Nag-aalaala din ako sa mga estudyante ko pero mas pinanatili kong maging kalmado para masulusyunan ang problemang ito. Hindi kagaya mo na puro pangamba lang ang ginagawa, may nangyayari ba sa pangamba mo? Wala naman hindi ba? Be professional professor para ka na kasing tanga,” Binuksan nang binata ang pintuan at lumabas na ng opisina. Galit na galit na hinampas ni professor ang mahabang lamesa gamit ang kaniyang magkabilang kamay.
“Damn it! Damn him!” Galit na galit na sigaw nito sa kabuoan ng opisina.
Habang naglalakad si professor Ruru sa hallway ay nakita niya ang mga kapwa niya guro at ibang estudyante na nagbubulungan. Kahit hindi man niya marinig ang pinag-uusapan nito ay alam niyang siya ang topic. Hindi na kinaya ni professor Ruru at kaagad siyang dumiretso sa banyo. Pagpasok niya sa loob ng banyo may narinig siyang kaluskos. Biglang nag-butil ang kaniyang pawis sa noo. Pinunasan niya ito gamit nang kaniyang panyo na kinuha niya sa bulsa.
Biglaang nag-patay sindi ang ilaw ng banyo. Hindi niya alam kung bakit dahil nung pagpasok naman niya ay ayos ang bumbilya ng banyo.
“I — should call Mang — Rigor,” Nauutal-utal na pahayag ni Ruru habang kinakapa nito ang kaniyang phone sa bulsa niya.
“Ugh shit! I left my phone at my office! Daaaaamn! Argh!” Frustrated na pahayag ni Ruru at napasabunot siya sa kaniyang sariling buhok.
01
Wala sa sariling napatingin siya sa salamin na kusang gumagawa nang sulat. Isang numero.
001
BINABASA MO ANG
Do You Know Anna?
Mystery / Thriller"A murderer who killed a lot of murderers." - SEA_GM DONT READ THIS IF YOU ARE AFRAID OF THE DARK.