WARNING R-18. Some scenes and language may not be suitable for very young readers. Read at your own risk.
“Ano na bang nangyayari?” Tanong nang gurong si Ruru sa kaniyang sarili habang siya ay nasa kaniyang sariling tahanan.
“Bakit sunod-sunod ang namamatay? Puro mga estudyante ko pa,” Muli niyang tanong sa kaniyang sarili habang ang mata ay nakatingin sa kisame at taas-baba ang kaniyang adam’s apple..
“Kuya?” Sabay katok nang kaniyang nakababatang kapatid na babae.
“Bukas iyan Eriah,” Pag-imporma nang binata sa kaniyang nakababatang kapatid.
Hindi pa din siya nakatingin sa pintuan kung saan doon iniluwal ang kaniyang kapatid. Sa lalim ng kaniyang iniisip ay hindi na niya namalayan na nasa mismong harapan na niya si Eriah.
“Kuya ang lalim naman po ng iniisip mo. Ano bang nilalaman niya at nagkakaganiyan ka?” Tanong nito sa kapatid ngunit hindi sumagot si Ruru. Nakatingin pa din ito sa kisame at isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan.
“Sige ka kuya sa lalim ng iniisip mo baka malunod ka niyan. Hindi pa naman ako marunong lumangoy,” Pagbibiro nang kaniyang kapatid. Sa wakas ay bumaba na din ang tingin nito sa pigura ng kaniyang kapatid.
“Huwag ka munang pumasok bukas. Pahupain mo muna ang kontrobersyal,” Saad ni Ruru ng may pag-aalaala aa kaniyang mga mata.
“Hanggat hindi nahuhuli ang serial killer sa campus hindi safe na pumasok pa. Eriah sa mismong klase natin — na hinahawakan ko lahat ng estudyante ay namamatay. Ayoko... Ayokong mamatay ka!” Eksaheradang pahayag nang binata. Problemadong-problemado na ito sa mga nangyayari.
“Kuya...” Tila naubusan nang sasabihin ang kanoyang kapatid. Nakagat na lamang nito ang pang-ibabang labi.
“Huwag ka ng makipag-argumento pa sa akin Eriah dahil hinding-hindi kita papayagan na pumasok muna,” Pinal na pahayag nang binata. Isang buntong-hininga na lamang ang pinakawalan nang kapatid niyang babaeng.
“Kuya...” Mahinang saad ni Eriah habang ang kaniyang hintuturo nito ay nakaturo sa likuran ng kaniyang kapatid na lalaki. Bigla naman nanlamig si Ruru at hindi niya magawang lingunin sa likuran kung saan iyon ang itinuturo nang kaniyang kapatid.
“No Eriah! My decision is —” Hindi nito natapos ang sasabihin nang umiling-iling at gamit ang kanang kamay ay iyon ang pinantakip niya sa kaniyang bibig.
“No kuya Ruru! Hindi iyon ang aking tinutukoy ko! Kuya sa likod mo! Tumingin ka sa likuran mo!” Utos nito sa kapatid habang ang kaniyang hintuturo niya ay nakaturo pa din sa likuran ngunit ang kanang kamay pa din niya ay nakatakip sa bibig.
“What the heal is wrong with you Eriah! Stop the shit out of you, will you?!”
“Kuya si Anna Bautista nasa likuran mo!” Iyon ang pag-amin nang dalaga sa kaniyang kuya. Kaagad naman na napalingon si Ruru sa kanouang likuran ngunit hindi niya nakita doon si Anna. Kaya binalingan niya ang kaniyang kapatid na si Eriah. Napatayo nang marahas ang binata dahil naabutan na lamang niya ang kapatid na nakahiga sa sahig. Sinipat niya ang palapulsuhan nang kaniyang kapatid at ito ay napaka-hina.
“SHIT!” Bulong niyang mura sa hangin. Binuhat niya ang kaniyang kapatid at dinala sa sarili nitong kuwarto.
“TU—TU—TULONG!” Halos mabitawan nang binata ang buhat-buhat niyang kapatid upang dalhin sa kuwarto ng marinig niya ang isang tinig. Isang tinig na wari ba’y nanghihingi nang tulong. Si Anna.
BINABASA MO ANG
Do You Know Anna?
Misterio / Suspenso"A murderer who killed a lot of murderers." - SEA_GM DONT READ THIS IF YOU ARE AFRAID OF THE DARK.
